Austrias povMaraming tao kaya naman nababangga ko pero hindi ko na pinansin, at tuloy dahil sa paghahanap kay nikki na nakita ko kanina, huminto ako ng makarating ako sa may dulo ng men's restroom at luminga linga, maraming nag iinom at nag sasayaw kaya naman mula sa maingay na kanta at malikot na ilaw ay lumakad ako patungo sa dulo kung saan papasok ron at walang ibang tao
"Ako ba hinahanap mo??",nahinto ako ng marinig ang boses ng lalaki sa likod ko at ng humarap ako andon nga, si nikki nag hihithit ng sigarilyo
"Hinahanap mo ko??", ngising tanong nito, seryoso ko itong tiningnan"Anong ginagawa mo rito?",
"Wait?? Don't tell me iniisip mo? Na...hahahaha o- come on! Queen?? Andito ako para magsaya hindi ko akalain na makikita kita dito", alam kong may hindi syang magandang gagawin lalo pa sa ginawa kk sa ama amahan nya at sa isa nyang kapatid, si franco hindi ko alam kung nasaan na siguro ay andito rin andito ang magaling nyang kapatid
"Napanood ko sa balita?? Totoo ba. Yung nanay n-","Anong kailangan mo?",
"Seriously?", sarcastic na ani nito",ikaw ang nag hahanap sakin? Tapos ako ang tatanungin mo nyan?",
"Kung may plinaplano ka laban sakin...wag mo na ituloy",usal ko dahilan para matawa sya at tumingin sakin
"Why?? Scared?",ngumisi ako dito bago maglakad patungo sa kanya at kunin ang hinihithit nyang sigarilyo bago itapon yon at apakan dahilan para masama nya akong tingnan
"Hindi ako marunong matakot nikki...lalo na kung sa isang kagaya mo",
"Hanggang ngayon...ang yabang mo pa rin wala ka ng pwersa kagaya non kaya mag ingat ka sa kikilosin mo",pagbabanta nya kaya natawa ako
"Sino ba may sabi sayo??",ani ko
"Bakit hindi ba?? Matagal ng nabuwag ang grupo nyo? At asan ang nga kaibigan mo hindi mo kasama",
"Wag kang mag hanap ng wala baka dumating",ani ko
"Sa tagal ng panahon? Ngayon ka lang ng pakita nakakapagtaka","Nakakapagtaka?? Talaga parang hindi naman, nagpalamig lang ako ng konti para pagbalik ko...ako mismo ang tatapos sayo",aniya pa
"Oo nga pala!? Nagkikita pa ba si erlyn at si franco??",natigilan ako sa pagtanong nito, narinig ko ang pag halakhak nito
"Mukang pinagtataguan ka ng kapatid mo ah? Nung huling bisita ko sa magaling kong kapatid na si franco eh! Magkasama sila ni erlyn alam mo ba yon? O?? Hindi?",pagiinis nito bago natawa sakin kaya naman ngumisi lang ako kahit na sa loob ko kung bakit hindi nabanggit ni erlyn sakin yon"Lubayan mo ang kapatid ko nikki",
"Hindi ko naman dinidikitan ah? Bakit ko lulubayan, dapat si franco sabihan mo nyan",
"Babalaan kita Nikki wag kang magkakamaling galawin ang kapatid ko, kung hind-",
"Kung hindi ano?? Papatayin mo ko kagaya ng ginawa mo kay dad at sofia?",deretsong tanong nya
"Ako ang magbabala sayo queen, hindi na ako kagaya ng nikki na nakilala mo, mag iingat ka","Marami kang hindi alam sakin Nikki, kaya sa ating dalawa...",lumakad ako papalapit sa tenga nya bago yumuko
"Ikaw ang mag iingat, sa huling sasabihin ko, lubayan mo ang kapatid ko",usal ko saka ko ito nilagpasan at naglakad papalayo, hindi na ako lumingon sa gawi nito dahil alam kong bukod sa kanya may mga kasama ito dahil sa mga matang nakatingin sakin, na mula sa malayo at malapit na gawi ng buong bar, nakita ko sila syn na takang tumingin sakin"Where have you been??",
"Restroom",
"Really? Why it takes you so long huh???",nag uusisa na tanong ni syn
BINABASA MO ANG
THDOL. DETECTIVE SERIES #1; UNDERCOVER LOVE
Actionsino nga ba siya? ano pa ang malalaman nya mula sa nakaraan? ano ang tunay nyang pagkatao?