CHAPTER 28

72 3 0
                                    


Marcial pov

Mula sa upuan ko ay nagtama ang paningin namin ni olivia na ngayon ay naka posas akmang lalapit sya sakin ng hilahin sya ng pulis saka iupo sa kabilang side, hindi ko na sya pinansin at mas tinuon ang paningin sa harap kung saan ay andon ang paupong judge, ngayon na ang pagbasa sa hatol kay olivia at kay bermundo inaasahan kong guilty ito dahil sa mga ebidensya na naiharap namin sa korte

Mistulang binuksan ng babae sa harap ang hawak hawak nitong folder na naglalaman ng desisyon ng judge, sa pagbuka ng bibig nito ay ang kasabay ng aking pagpikit maya maya

"Bermundo gaspar and olivia luchavez GUILTY",halos tumalon ako sa saya ng marinig yon pumalakpak lahat ng taong andidito kung hindi ako nagkakamali ang ilan dito ay ang malalapit sa anak ko at iba pang kaibigan ni ayesa nooy andito rin,

"H-hindi!! M-marcial!! Wala akong kinalaman dito!! Marcial!!",natigilan ako ng maramdaman ang kapit ni olivia sa braso ko na naghuhumagos ngunit blangkong tingin lang ang aking naisukli

"Wag mo ng itanggi olivia, kailan ka pa ba titigil sa kasinungalingan mo?",

"Marcial? Pano s-si erlyn kapag w-",

"Hindi ka naging ina kay erlyn olivia at kung si shannel ang inaalala mo wag kang mag alala hindi ko sya paaalisin",

"H-hindi! M-",

"Dalhin nyo na sya",saad ko, kaya hinawakan kaagad sya nung dalawang lalaking pulis bago tumango sakin, pumapalag si olivia ngunit tumalikod na ako

Sa pag talikod ko nagkatinginan muna kami ni bermundo na nakangisi sakin habang hawak hawak sya ng pulis, sinamaan ko man ng tingin ay hindi mawala ang wariy ngisi sa labi nito

Nang lumagpas ito ay umiling ako dahil sa inis sa taong yon, nakipag batian ako sa mga tao ron dahil sa pagkapanalo namin

"Salamat attorney for your help",

"Walang anuman general, malaki din ang naitulong sakin ng inyong anak",ngumiti ako

"Si daisy? Or si queen?",pag biro ko kaya naman natawa ito

"Maybe...both??",

"Hahahahahaha oo naman parehas kong anak yon!",

"Hahahaha",sabay kaming lumabas kung saan ay andon ang mga reporters na nag aabang, kaya naman hirap kaming makadaan, dahil sa hinaharang ako nito kaya naman sinagot ko na lang ang mga tanong upang kaming makadaan, ng matapos ay dumeretso kami sa ahensya upang sa pag sarado ng kaso at pagusap sa paglipat nila olivia at bermundo sa bilibid

'ngayon masasabi kong may tunay na hustisya ka na ayesa..mahal',

"General luchavez",tinig ng head

"Sir?",

"Bukas ay maaari ng ihatid ang dalawa sa bilibid baka gusto mo si-",

"Hindi na siguro, sapat na sakin ang makulong sila",

"Si jewer? Hindi ko siya nakita sa mga hiring? Wala ba syang balak kausapin si olivia?",

"Hindi nya raw kaya",

"Ahh!! Oo sabagay! O sya sinabi ko lang sayo at baka may balak na kumausap sa kanila eh, hindi maabutan",tumango ako saka ngumiti bago magbigay galang sa pag alis nito,




Austrias pov

Naalimpungatan ako ng makaramdam na parang may umupo sa kama ko, ngunit hindi ako nag mulat at nanatiling nakapikit, sa amoy nito alam ko na kung sino

"G-guilty si m-mom sabi ni daddy ate, k-kahit masakit sakin alam kong m-masaya ka kase may hustisya na si tita ayesa",tinig ni erlyn, rinig ko ang pag singhot nito
"A-ate!? Sabi m-mo hindi k-ka galit sakin? B-bakit pakiramdam ko i-iniiwasan mo ko??",ang hikbi kanina ay ang pagiyak nito, napakuyom ako dahil naramdaman ko ang pag yakap nito sakin at ang pagiyak nito sa dibdib ko nagmulat ako ngunit nakabaon ang muka nito sa dibdib ko at hindi ako gumalaw tanging pumikit na lang ako at hinayaan ang mga gagawin nya sakin ngayon at walang sabi sabi sa lahat ng kilos nya
"W-wala naman s-sigurong magbabago satin ano? Hhehehe oo wala naman medyo..o.a lang siguro ako magreact! Heheh- wala namang magbabago ron",paulit ulit nyang sabi, at mas humigpit ang yakap nito sakin, maya maya pa ay naramdaman ko ang pagbigat nito kaya paniguradong nakatulog ito, kaya gumalaw ako at ng hindi sya kumibo ay tulog nga ito inayos ko na ito ng higa sa kama bago kumutan basa pa ang pisnge kaya pinunasan ko yon bago pag masdan ang mukang malapit ng mapuno ng luha dahil sakin. Ang mukang malapit ko ng hindi  mahahawakan

THDOL. DETECTIVE SERIES #1; UNDERCOVER LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon