CHAPTER 43

51 4 0
                                    

Austrias pov

"T-tama ka kasalanan ko nga",sambit ko pagkatapos ng narinig kong sinabi ni shy, parehas silang lumingon sakin, na gulat na gulat
Ngumiti ako at don ay naramdaman ang sakit sa dibdib ko na kanina ay nawala dahil sa palilibang ng mga katulong ko at ni manang

"J-jewer",banggit ni jonathan ngumiti ako dito pero kasabay non, ang pagtulo ng luha ko bago tumingin ulit kay shy na deretsong nakatingin sakin

"Gusto kong itanong, kung kasamaan bang humiling na wag masaktan?? Kung masama bang gustuhin ng puso ko na mawala rin si olivia dahil hindi sapat sakin ang makulong lang sya! A-alam mo kung bakit?", pagtanong ko kay shy na hindi umimik
"Kase alam ko kahit na nakakulong sya ay, nabubuhay pa rin sya at may tyansang makalaya sya! G-gustuhin ko mang m-makontento na makulong sya puso ko ang umaayaw kase nasasaktan ako sa tuwing naaalala ko yung gabing namatay sa mismong harap ko ang mommy ko!!! Ng wala akong nagagawa!",nagsimula akong humikbi, pero pinilit kong wag umiyak para masabi sa kanya ang side ko
"At kung iniisip nyo na wala akong pakialam sa pagkawala ni general! NAGKAKAMALI kayo! Kase kahit sarili ko",pagturo ko ng madiin sa dibdib ko
"Kahit sarili ko ako rin ang sinisisi! Kase dahil sakin nandon! Nandon siya at hindi ko na makikita at makakausap!!! Hindi ko na masasabi yung salitang pinapatawad na kita! Nagustong gusto kong sabihin!! Pero hindi ko magawa kase natatakot ako sa masasabi nya kapag nalaman nyang hindi nya ako anak!! Natatakot ako na baka magalit sya sakin dahil ako!!..shy ako ang dahilan kung bakit namatay ang anak nya!! Ang mommy ni kaizer! Ako dapat ang hinahabol nila Francisco at William!! Ako dapat ang pilit nilang pinatay at hindi si shailey!! Nakapatid ko! Pero alam mo yung mas masakit ha?? Shy??", pagtanong ko at pilit na kinakalma ang kumakawalang sistema ko

"Jewer please!",bulong ni jonathan nahihirapan man akong huminga ay tiniis ko

"Ang mas masakit is yung ang alam nyo lang ay nasasaktan ako pero hindi nyo alam kung gaano katindi?? Kase ni isa naman sa inyo walang alam kung anong pinagdaanan ko!!",

"Ano bang pinagdaanan mo!?",sigaw ni shy
"Lagi mong sinasabi yan hindi mo sabihin!!? Ng maintindihan ka namin!!",

"Gusto mong malaman?",natatawang saad ko

FLASHBACK

Taka kong tiningnan ang mga maleta at bag sa harap ng pintuan at tumingin kay dad, na ngayon ay walang emosyon ang muka, nakaputi ako dahil kalilibing lang ni mommy at natigilan ako ng makita ang babae ni dad na lumabas mula sa mansyon, dumeretso ang tingin ko sa tiyan nitong bakat sa kanyang suot na blusa medyo lobo ito, saka sa batang babae na kasing edad ko lang din siguro, nakatingin ito sakin pero kay dad ako tumingin

"D-dad?? Ano ito?",tukoy ko da maleta

"Magtatanong ka pa? Umalis ka",saad ng babae kaya kumunot ang noo ko

"D-dad??",hinawakan ko ito sa kamay pero ang babae ay tinulak ako palayo pero dahil hinigpitan ko ang kapit, at tumingin sakin si dad na parang sa walang kwentang bagay nakatingin akmang itutulak ko ang babae ni dad kase sinira nya ang pamilya ko ay nagulat pa ako ng si dad mismo ang bumitaw at itulak ako,

Dahilan para mahulog ako sa palapag ng taas ng hagdan sa pinto, nagulantang ako at inalalayan ng guard pero pinaalis ito at hinayaan akong nakaupo ron, deretso ako kay dad nakatingin na ngayon ay tumulo na ang luha,

"Wala ka ng lugar sa pamamahay na ito daisy! Umalis ka na!",sigaw nito, halos manakit ang likod ko dahil sa pagkakabagsak ko kasabay non ay ang pag init ng mata ko dahil sa sinabi ni daddy, umiyak ako at yumakap sa kanya pero sya mismo ang bumibitaw at pinaaalis ako, tanging nanonood lang ang mga katulong at guard pati ang babae ni dad na animoy tuwang tuwa pa, habang ang batang babae na kasing edad ko ay takang nakatingin kay daddy, hanggang sa unti unting tumulo ang ulan, na parang tumutusok sa katawan ko sa sobrang lakas nabasa ako habang umiiyak at nakaupo at nagaantay na kargahin ni daddy kase yun ang kadalasan nyang ginagawa

THDOL. DETECTIVE SERIES #1; UNDERCOVER LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon