Jonathan pov
Kinabukasan ay nagising ako sa mag kakasunod na kalansing ng kung ano ano, kaya naman napabangon ako kahit si shy ay bumangon din at pipikit pikit kaya kinusot ko ang mata ko kahit na inaantok pa para dumeretso sa banyo upang mag sipilyo at maghilamos
"Sino naman ang maingay na yon?? Ang aga aga!!", reklamo ni shy sa kama, hindi ako sumagot, ng matapos ay humikab ako at lumabas kahit na nakapantulog pa rin tama nga ako si general at erlyn at?? Anong?? Nakasuot ng gamit sa kusina si general naka apron at may kaldero sa ulo habang hawak hawak ang sandok at nag tutuktok sila ni erlyn habang nag mamartsa ang ibang katulong ay natatawa sa dalawa
"Ano yan?", simangot na tanong ni shy
"Ayyy! Yahhh!! General! Erlyn! Hindi pa bagong taon!",sigaw ni shy"Good morning shy! Oh! Jonathan ano na!? Halika kayo! Dito sa baba matatapos na ang niluluto ko nagpaturo ako kay manang",
'na naman??',
"At wag kayong mag alala hindi ito maalat",pahabol niyang sigaw saka bumaba kasama si erlyn, si kaizer ay nasa pinto rin pipikit pikit pa at halatang kagaya ni shy naiingayan, maya maya pa ay nagtama kay jewer ang paningin ko na lumabas din sa kwarto nya nasa dulo ang kwarto nya nag iisa ron, pero makikita mo pa rin
Natigilan sya ng makita ako nakahilamos na ito at nakapalit na ng pantulog kaya siniringan ko ito, mula kahapon hindi ko sya kinakausap at pinapansin
'bahala ka dyan',
Tumalikod ako saka bumalik sa loob, si shy ay tulog na agad ulit, kaya hinayaan ko na lang at kumuha ng pamalit sa closet at tuwalya para maligo, bago pumasok sa banyo, nang matapos ay punas punas ko ang buhok na basa saka isinuot ang tshirt ko, ng tumunog ang cellphone ko natigilan ako ng si dad yon
"Dad??",
"Hindi pa ba tapos ang mission mo?",ani nya na ikinakunot ng noo ko
"N-no",
"Wala na ang mga taong banta sa buhay ng bata ano at hindi pa sarado ang kasong yan?",
"Vineverify pa ng head, hindi pa kami sinasabihan dad",
"Hindi ka ba dadalaw dito? Mukang limot mo na may ama ka?",
"A-ah?? Dad? Siguro mamaya balak ko",pag sisinungaling ko, narinig ko ang pagbuntong hininga nito saka pinatay ang tawag tuloy ay napatingin ako sa cellphone at umiling
'ano at sya ang nag aya na bisitahin ko sya?? Ayaw na ayaw nya nga akong nakikita eh',
Ibinalik ko ang tuwalya sa pagkakasabit nito saka ako lumabas, ng makawisik ng pabango saka lumabas ng kwarto, naglalakad ako pababa at don ay nakita ko si jewer nakaupo sa sofa habang sumisimsim ng kape at dinadaldalan ni erlyn, si general naman ay andon siguro sa kusina, dahil pababa ako ay tumingin sakin si jewer pero hindi ko sya tiningnan, kita ko kung gaano kakunot ang noong nakatingin sakin
"Kuya Jonathan! Gusto mo kape?",tinig ni erlyn
"Ipagtitimpla mo ba ako?",biro ko
"Oo naman! Wait lang",saad ni erlyn, kaya naupo ako sa single sofa kung saan ay nasa gilid ng sofa na inuupuan ni jewer
"Hanggang ngayon ba galit ka sakin?",tanong ni jewer ng mahinahon, hindi ako umimik, narinig ko ang pagbuntong hininga nya at matunog na ngisi nito
"Wala naman akong dapat ihingi ng dispensa kung bakit pinagpipilitan mo? Napaka big deal naman non sayo tsk",aniya pa, tumingin ako sa kanya"Inantay kita kase sabi mo uuwi ka kaagad! Antagal kong nag antay sayo tapos ni bati wala?? Sinong matutuwa?",inis na asik ko, napatingin sya sakin at halatang nagulat ito
"Binati mo si shy? Ako hindi samantalang andon ako sa harap mo? Tapos inantay kita! Ni hindi ka man lang nagpaliwanag kung bakit ka late umuwi samantalang nagsabi ka nauuwi ka kaagad?? Sige nga wala ka bang dapat ihingi ng dispensa!",asik ko ulit napakurapkurap pa ito sakin"I-inantay m-mo kong umuwi??",pagklaklaro nya kaya sumama ang muka ko
"Tanungin mo si shy! Ng malaman mong Hindi ako nag sisinungaling kung yun ang nasa isip mo!",saad ko
Austrias pov
"Tanungin mo si shy ng malaman mong hindi ako nag sisinungaling kung yun ang nasa isip mo",usal nya, hindi pa rin ako makapaniwala na inantay nya akong umuwi
'kung ikaw nga naman ang nag antay ng matagal ng walang paliwanag kung bakit late at walang bati? Magagalit ka talaga!',
Bulyaw ng boses ko sa aking isip, tuloy ay nakokonsensya ako sa pagmura ko sa kanya nung isang gabi pero konti lang, konting konti lang tumikhim ako at handa ng magsalita ng dumating si erlyn na may dalang kape
"Kuya jonathan oh! Kape mo ate gusto mo ng bread?",umiling ako, tumango ito halata pa rin ang ilang nya sakin pero nakikita kong inaalis nya yon, gustuhin ko mang yakapin si erlyn dahil sa dulot ng pagiwas ko sa kanya hindi pwede saka ito umalis at tumungo sa kusina, kaya tumingin ako kay jonathan na sumisimsim ng kape
"About last night i-im sorry, for being harsh...hindi ko alam na nag antay ka sakin",usal ko natigilan sya saka tumitig sakin seryoso ang muka at sinusuri ang buong muka ko
"Hindi naman kase ako nag sabi na antayin mo ko eh! Bat ka pa nag antay",dagdag ko pa ng hindi ito magsalita"Tss",aniya kaya kumunot ang noo ko at humarap sa kanya
"Look! Im sorry okay?? Hindi ko sinasadyang mamura ka ng ganon",
"Pero ginawa mo pa rin",pagmamatigas nya, kaya napapikit ako sa inis
"Hindi ko nga sinasadya okay? At isa pa wala akong alam na nag antay ka sabi mo kase si general",
"Sinabihan kitang umuwi ng maaga dba? Ano at late ka pa rin umuwi? Hindi ko alam kung sinadya mo o talagang ganon ka!...paasa",
'what the hell??',
"What did you say?? Hindi ako paasa! Sadyang hindi ako nagsabi na antayin mo ka-",
"Sinusumbatan mo ba ako?? Inantay na nga kita ganyan ka pa rin?? Magpasalamat ka inantay kita kahit na late ka umuwi!",asik nya
'at ngayon naman pagsasalamat?? Anak ng talagang',
"Oh! Ano hindi ka magsalita! Kase totoo! Tsk!",umikot ang mata ko at sumimsim ng kape
"Fine!",saad ko
"Kung yon ang tingin mo sakin paasa kung paasa pero sinasabi ko sayo wala akong sinabi na antayin mo ko! Kusa mo yung ginawa, dahil ako tumutupad ako sa sinasabi ko. Period.",ani ko, hindi sya nag salita ay nanatiling bubulong bulong at saka tumayo ubos agad nya yung kapeMalaki ang tasa ni Jonathan kesa sa tasa ko na hindi pa nangangalahati ang laman tapos sa kanya ubos na??
"Where you going?",takang tanong ko pero hindi sya umimik, at umakyat na lang ulit
"Oh? Nag away kayo?",tinig ni general na naglalakad sa gawi ko nakasuot ng apron
"Hi! Good morning my daughter?? Nagluto ako ng meat loaf at bacon pati egg at fried rice? Gutom ka na ba?",ngumiwi ako"Ganon ba kahirap mag prito?? At ang tagal mo sa kusina? Huh?",ngiwing ani ko sumimangot ito saka natawa
"Hayyysshhh! Tapos na oh! Let's go! Tikman mo luto ko masarap yan",
'may sariling timpla ang meat loaf at bacon ewan ko sa itlog nya kung masarap?? Tsk',
Tumayo ako at sumama sa kanya sa kusina daladala ang tinimplang kape ni erlyn, sakto na pababa si shy kasabay si kaizer nandon si erlyn tumutulong sa paghain
"Kayo nag luto general?",tanong ni shy
"Ah! Oo! Ngayon masarap na yan! Hindi na maalat! Hehehe",
Pagmamalaki nito, tumingin ako sa itlog na wala sa ayos ang pag prito basag ang dilaw nito pero ayus pa rin naman siguro, mas gusto ko ang nakikita ko ng maayos ang nasa gitna ng itlog pero dahil si general ang nag luto hindi ko na aasahan na ganon ang kalabasan"Masarap ba itlog mo general??",tanong ko
*FOOSSHHH
Napatingin ako kay shy at erlyn na naibuga ang iniinom si kaizer ay takip takip ang bibig na nanlalaki ang mata sakin, kaya tumingin ako kay general na kunot ang noong nakatingin sakin
"Itong niluto mong itlog kung masarap ba kako? Basag ang dilaw sa gitna", Turo ko sa itlog na nasa plato ko, nagiriwas naman ng tingin sila shy at erlyn at general
'ano bang mali sa tanong ko??',
BINABASA MO ANG
THDOL. DETECTIVE SERIES #1; UNDERCOVER LOVE
Actionsino nga ba siya? ano pa ang malalaman nya mula sa nakaraan? ano ang tunay nyang pagkatao?