Austrias pov
Kagaya ng sinabi ni jonathan nag focus ako kay wayne, sya ang inisip at iniisip ko oras oras, at gumana gumagaan ang loob ko
Nag titiklop ako ng damit ni wayne ng humagikhik ito habang pilit na hinahawakan ang kanyang paa, tuloy ay natawa ako at naglakad patungo rito para kargahin lalo tuloy lumakad ang hagikhik nito, lumabas ako sa veranda at pinakita kay Wayne kung gaanong kaganda ang paglubog ng araw
"Maganda ba?",tanong ko,
"Ahhhh. Aohmmm",pag ungol nito at kagat kagat ang sariling kamay, pinag masdan ko si wayne.
Hindi ko akalain na magkakaron ako ng anak ng ganito kapayapa, hindi ko inakalang ganito pala ang pakiramdam ng maging ina. Hindi ko inakalang magkakaron ako ng asawa na kagaya ni jonathan. Hindi ko inakalang magiging maayos ang buhay ko sa kabila ng pinagdaanan ko, naramdaman ko ang pagpulot ng braso sa bewang ko, at si jonathan na nilalaro ang anak namin
"Taon ang naging hirap at sakit sa buhay ko",saad ko, tumingin sakin si jonathan
"Hindi ko inisip na magiging maayos dahil kada tapos ng problema may panibago na naman. Maraming kapahamakan at kaguluhan sa buhay ko na hindi ko akalain na matitigil. Hindi ganito ang buhay ko na tuwing gigising ako magaan sa dibdib dahil laging mabigat yon at parating may iniinda",pinilit kong hindi maiyak ng maalala kung ano ako noon,
"Ang laki ng pinagkaiba ng buhay ko non... At ngayon. Aminin ko man o sa hindi nagpapasalamat ako ron sobrang saya ko don dahil nakinig sya sa buhay na gusto ko. Binigay ka nya sakin at si wayne sa buhay ko",don bumagsak ang luha ko
"Kung hindi ako naging masama siguro walang ikaw at ako. Walang wayne. At wala akong nakilalang erlyn",banggit ko"Jewer",aniya, at niyakap ako
"Thank you jonathan",
"No. Thank you. Dahil sayo...marami akong natutunan sa buhay ko",
___________________________
Thank you for reading my story, pleaase don't forget to VOTE AND COMMENTS!! And FOLLOW ME!!
-VIENRIEX
❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️
BINABASA MO ANG
THDOL. DETECTIVE SERIES #1; UNDERCOVER LOVE
Actionsino nga ba siya? ano pa ang malalaman nya mula sa nakaraan? ano ang tunay nyang pagkatao?