Austrias pov
Pinatay ko ang linya at saka pigil ang galit na pumunta sa secret room kung saan ay andon ang mga armas na kailangan ko, mabilis akong nag asikaso at kumuha ng mga mini knife at sinuksok sa sapatos at mga sulok ng aking damit, at kumuha ng baril at nga extra na bala, bago ito ikasa, wala na akong inantay na oras at mabilis akong lumabas ng kwarto at dali daling kinuha ang susi ng aking motor,
"Saan ka pupunta?? Ano yan?",tanong ni manang na nahahagas pa, hindi ako sumagot at dumeretso sa garahe at sumakay sa motor at Pina harurut yon paalis, alam ko naman ang location nila kagaya ng sinabi ni syn, ramdam ko ang pang gigigil ng kamay ko at nangangati yon
Nag aalala ako kay erlyn baka ano ng ginawa ng mga taong yon kay erlyn, salamat na lang at walang traffic kaya mabilis akong nakarating don, pinarada ko ang sasakyan sa malayong lugar at madilim na parte napag aralan na namin ang paligid ng mansyon ng mga oligar aka nga, kaya alam ko kung saan nakapwesto ang mga cctv camera sa paligid, umakyat ako mula sa bakod at swabeng tumalon ng walang nagagawang ingay, may mga bantay, kaya imbes na baril kutsilyo ang gagamitin ko tutal mas madali kung mano mano
"Ah", angik ng lalaki ng hilahin ko ang leeg mula sa likod kasabay ng pag huli ko sa pulsuhan nito, at pwersang tiniik bago saksakin sa tagiliran hinila ko ito pagilid sa dilim,
"Ho- ahh",mabilis kong itinapon ang kutsilyo na agad na tumusok sa mismong leeg ng lalaki sa likuran kaya kinuha ko ulit ang kutsilyo at nagpatuloy sa paglalakad, mula sa dulo may dalawang lalaking bantay na nag uusap pa
"Tingin mo? Anong gagawin ni boss sa babae",batid kong si erlyn ang tinutukoy nito
"Malay ko pero kung papatayin lang gusto kong makinabang maganda eh",halos humigit ang pag kakakuyom ng aking kamay sa narinig at sa padulas na pinatid ang isang lalaki
"Oh!? Si- ahh",sinipa ko ang isa sa dibdib at siniko ang muka ng lalaki na bumagsak sa mismong gilid ko, at mabilis na tumayo bago tumalon at sumipa sa ere, kasabay ng pagkawala ng malay ng dalawa
Tumingala ako at gumilid ng makitang may sumilip don, ngumisi ako bago tumakbo para asintahin ang taong pasalubong sakin ng magkakasunod na sipa, maya maya pa ay may nagpaulan na ng putok sa gawi ko
*Bang *bang *bang
"Pinasok tayo!!!", sigaw ng mga ito, binubot ko ang baril at saka gumanti ng putok, dahilan para tatlo sa kanila ang matamaan, napangiwi akong yumuko ng may magtangkang pumalo ng kahoy sakin subalit sala iyon at sinalo ang braso nito bago marahas na baliin at pihitin pabaliktad
"Ahhgghhh",sigaw nito sa sakin
"Nasan ang kapatid ko?",tanong ko hindi ito umimik at ngumisi lang sa inis ko ay sinipa ko ito sa likod, at pinaputukan, bago tumago sa gilid ng ding ding ng may magpaputok na naman sa gawi ko
Magkakasunod na putok ng baril at pakikipag palitan ng suntok at sipa ang paulit ulit na ginagawa ko, nararamdaman ko ang paninikip ng dibdib ko pero hinayaan ko yon, kailangan kong mabawi si erlyn kahit anong mangyare, nahinto ako ng maramdaman ang biglang pag init ng braso ko, napapikit ako ng makitang may daplis ako ng tama ng baril, hingal akong sumandal sa pader at inantay ang sunod na putok sa gawi ko kaya nagtaka ako ng wala ng sumunod yon
"Queen!? Is that you?",tinig ni Nikki, kumunot ang noo ko at tumingin sa gilid ng aking mata habang nakikiramdam sa pwesto nila
"Nasaan ang kapatid ko?",pagtanong ko narinig ko ang paghalakhak nito
"Wag kang mag alala andito sya kanina pa nga nag aantay sayo",nakakalokong tinig ni nikki
"Ilabas nyo yan",sigaw nito, don ay sumilip ako at lumabas dahilan para maalarma ang mga tauhan nito na nakatutok lahat sakin ang mga dulo ng baril, tumingin ako kay erlyn at ganun na lang ang galit ko ng makita ang mga sugat at pasa nito, may dugo rin na tulo tulo sa damit nito, habang umiiyak at halata na nasasaktan sa pag kaladkad sa kanya ng mga ito
BINABASA MO ANG
THDOL. DETECTIVE SERIES #1; UNDERCOVER LOVE
Azionesino nga ba siya? ano pa ang malalaman nya mula sa nakaraan? ano ang tunay nyang pagkatao?