Shy pov
"Mendez! Any update?",tinig ni general
"General wala pa rin, pina riview ko ang cctv pero madilim at malabo ang kuha",saad ko at naupo
"Nakausap ko ang head pupunta daw dito sila daisy kasama ang impaktong tatay nya",ani ni general kaya kahit nag aalala ako kay Jonathan hindi ko maiwasang matawa
"Bakit ang init ng ulo nyo dun general dba niligtas nya kayo",
"I don't care! Besides sya ang dahilan kung bakit namatay ang anak ko at isa pa nilandi nya ang asawa ko!",aniya, at umalis natawa ako sa asta nito, hindi kase nagkakasundo ang dalawa kahit sa hospital ng nagpapagaling si jewer, huminga ako ng malalim
Kagaya ng sabi ni general pumunta nga rito si jewer kasama ang daddy nya at ang isa pa na si mr. Syn, nililingon talaga,
"Shy",tawag ni jewer sakin
"Jewer",
"Si franco?",tanong nya,
"Andon",turo ko sa kwarto, agad syang pumunta don kaya sumunod ako,
"Q-queen", tinig ng lalaki
"Kinuha nila si jonathan",seryosong ani ni jewer, deretsong tumingin ang lalaki sa kanya at animoy pinag iisipan ang sasabihin
"Hindi na kami magpapaligoy ligoy pa, kailangan namin ng tulong mo, nasabi mo ang dahilan kung bakit nila kinuha si erlyn ay dahil gusto nilang sumama ka sa grupo nila",
"And? What do you need me to do then?",
"Pasukin mo ang grupo at alamin mo kung buhay pa si jonathan",saad ni jewer
"At...sabihin samin kung ano ang mga malalaman mula sa mga bagong armas na binili nila at ang iba pang detalye na makakatulong samin", maawtoridad na sambit ni jewer"At ang kapalit?",
"Hindi mo kailangan ng kapalit dahil sa ginawa ng kapatid mo kay erlyn, alam kong gusto mong ikaw mismo ang humarap sa kapatid mo, pero...kung gusto mo ng kapalit ibibigay ko",
"Hindi na kailangan.... tatanggapin ko",walang alinlangan na saad ng lalaki,
"Shy paki alis ng posas",utos ni jewer, nagtaka pa ako pero sinunod ko yon, tumayo ito bago isama palabas ni jewer, pero hindi ito sa harap pinadaan kundi sa likod
"B-bakit pinakawalan mo?",
"Magandang tanong yan ah!", ngiwing tinig ng lalaki, na ama ni jewer tumingin ako kay general na nakasimangot
"Tch!",singhal nito, bago umalis at sumunod kay jewer
'what just happened??',
Marcial pov
Pagkatapos kong pumunta sa ahensya para sa pag papaalam ng pag alis ko, ay dumeretso na ako sa mansyon para kunin ang mga gamit namin ni shannel at ni erlyn, kasama ko pa ang ilang tauhan ni daisy para daw sigurado at saka ako tumungo sa hospital maraming press malamang pero hinaharang ng guard at ng ilang pulis, tumingin ako kay shannel
"Be careful!",aniya sa paglalabas kay erlyn sa hospital, alalay na alalay sa ulo ni erlyn upang hindi maalog ng masyado, pinagmasdan ko si erlyn na walang malay
"So? We have to g-",
"Wait! Si daisy baka p-",
"Nauna sila sa airport, may mag eescort satin patungo ron",pag una ng doctor na ipinasama din ni daisy, tumango ako at umalalay sa pagsasakay ng mga nurse kay erlyn sa ambulance, bago kami sumakay ni shannel sa sasakyan namin, tinitingnan tingnan ko ang sasakyan kung nasaan si erlyn at gaya ng sabi ng doctor ay may nag escort nga samin patungo sa airport, paglabas pa lang ay natanaw ko na ang walang emosyon na muka ng anak ko, ngunit sumimangot ako dahil kasama nito ang amahin nya, sa lahat ng nakita ko kay daisy mukang sa kanya lahat natutunan kaya naiinis ako dahil halos lahat masama
'tsk',
"I said be careful!",tinig ni shannel
"Shannel",
"Ang kukulit eh! Sabi ng dahan dahan yung ulo",aniya, mula sa hospital bed ay nakahiga si erlyn, hanggang sa ipasok sa loob, nasa gilid kami at tumigil ng makalapit kay daisy na, nakay erlyn ang paningin mabilis na namula ang ilalim ng mata at tungko ng ilong
"Hey, hindi ka ba talaga sasama?",tanong ko tumingin sya sakin
"I have something to do, kailangan ako ni Jonathan",ngumiti ito ng tipid alam kong ayaw nyang mawalay si erlyn sa kanya pero ito lang ang paraan
"Y-yung....sinabi k-ko sayo",aniya"Anak h-",
"Just do it! Para d-din sa kanya yon", nagsimulang mabasag ang boses nito ngunit tumingala bago tumingin kay erlyn, at hawakan ang buhok nito sa noo, nakita ko ang dahan dahan at sunod sunod na pagtulo ng luha nito at ang paghalik nya sa noo ni erlyn
'how i wish makita mo ito ayesa',
"F-from n-now on...wala ng ako na laging nasa tabi mo",sambit nya, pilit ang bawat bigkas at pinanatiling deretso ang pananalita
Austrias pov
"From now o-on...wala ng ako n-na laging nasa tabi mo",pinilit kong hindi mautal pero trinatraydor ako ng nararamdaman ko,kumalabog ang sakit at kahit anong pilit kong tiisin at itago hindi ko magawa naramdaman ko ang init ng luha ko sa pisnge
"I t-think t-this is the last time na sasabihin ko kung g-gaano ka kahalaga....just please make sure na kakayanin mo ang operation...e-erlyn i-im sorry because im became selfish kung hihilingin kong wag mo na akong m-maalala, that's the only way to keep you safe",lumunok ako
"Forever",dagdag ko, sumisikip ang paghinga ko at mukang napansin Nila yon, kaya bago pa tumindi ang sakit ay hinalikan ko na ang noo ni erlyn bago, tumuwid ng tayo, tumingin ako kay kaizer na titig sakin, kaya lumapit ako sa kanya at umupo"You're not coming with us?",naiiyak na tanong nya, tumango ako
"You're not safe kung sasama pa ako....here", dinukot ko sa bulsa ito at nilahad sa kanya, tinitigan nya ito bago kuhain
"Quee- Leonardo do something!",giit ni syn, na umaapila, pero hindi ko yun pinansin at tumayo
"You need to go, dad", lumingon ako kay general, na huminga ng malalim bago ako yakapin, tumingin ako kay shannel at kalaunan umiwas din
"Be safe understood?",
"I know",
"Pwede kang dum-",
"Yung bilin ko",paalala ko, lumaylay ang balikat nito
"Hayaan nyo ng.....magsilbing alaala lahat yon",sumikip ang dibdib ko sa sariling sinabi, bago ngumiti ng tipid, kumalas ito sa yakap at tumalikod, naglakad at palingon lingon ngunit ang mata ko ay nananatili kay erlyn, nagbadya ang luha sakin at namayani ang sakit kaya naman tumalikod ako'ate!! Im here na!!',
Napapikit ako dahil kadalasan kapag tumatalikod ako ay yakap ni erlyn ang kasunod, tuluyang bumuhos ang luha ko, kasabay ng tahimik na hikbi, napatakip ako sa bibig dahil lumalakas yon, labag sa loob ko! Labag sa kalooban ko ang kalimutan nya ako, labag yon sakin dahil masakit...pero hindi ko mababago yon
'mas mabuti ng ganito',
Namalayan ko na lang ang sarili na nasa sasakyan na ng sumunod si syn at master, na sumakay, binuksan ko ang bintana ng sasakyan at sakto ang pag anunsyo sa paglipad ng sasakyang eroplano nila erlyn, maya maya ay ang pagkita ko sa lumilipad na eroplano paalis, tuloy sa pagbagsak ng luha mula sa mata ko, at ang mabigat na pakiramdam kasabay ng animoy na paulit ulit na binabaunan ng matalim ba bagay sa buo kong katawan at hindi na nakapag salita
BINABASA MO ANG
THDOL. DETECTIVE SERIES #1; UNDERCOVER LOVE
Actionsino nga ba siya? ano pa ang malalaman nya mula sa nakaraan? ano ang tunay nyang pagkatao?