Jonathan pov
Pagkatapos magkasagutan ni shy at jewer pinagpahinga ko na ito, dahil sa kanina alam kong kailangan nya yon buti at hindi nagmatigas at sumunod din inantay kong makatulot ito sa braso ko bago ko iayos ng higa, si manang ay nagpaalam na magpapahinga na rin si shy ay nasa kwarto kaya sumadya ako ron, paniguradong nakokonsensya ang isang yon lalo pat sa mga nalaman namin kanina, hindi ko akalain na nangyare lahat yon kay jewer
Pagpasok ko sa kwarto ay nakita ko agad si shy, sabi na nga ba at umiiyak ito sa kama tahimik pero gumagalaw ang balikat
"K-kung andito k-ka para sumbatan ako a-",
"Hindi ako andito para husgahan ka shy, alam kong nadala ka lang ng emosyon mo",tinapik ko ang balikat nito ng bumangon ngumiti ito bago tumingala
"A-alam mo nakokonsensya ako",
"Alam ko",
"K-kaya pala g-ganon sya k-kase dahil don! She was rape fuck!",napahilamos ito saka pabagsak sa kama na nahiga
"H-how is she?","Nakatulog n-na sya bago ako umalis",
"Ikaw ah! Dati dati ayaw mo sa kanya pero ngayon kung makapag comfort ka grabe",panunukso nya kaya natawa ako at huminga ng malalim
"Anong ngiti yan?? Ha? May gusto ka yata kay jewer kaya ka ganyan! Nakakapagtampo ka lagi mo syang k-",
"Hayy! Hindi ko sya kinakampihan! Mas naiintindihan ko lang talaga sya lalo na sa pinag daanan nya may punto rin sya shy! Kahit...kahit gustuhin ng tao ang isang bagay minsan hindi lang yon ang gusto ng puso mo",
"Gusto kong humingi ng sorry",
"Pwede bukas",saad ko
"P-pero pano? Nahihiya a-ako",
"Iisipin mo pa ba ang hiya?",
"Kahit n-na yung mga sinabi ko!",
"Ang kulit mo kase eh! Pwede ko syang kausapin par-",
"Oo, pero hindi ko alam ang sasabihin ko kapag kaharap ko na sya ah! Hindi ko makalimutan ang mga sinabi nya kanina",usal nya, humiga ako at tumingin sa kisame
"Kamusta na si erlyn?",
"Nakakulong lang sa kwarto, dinadalhan ni shannel ng makakain kaso tumatanggi tumutulong ako pero matigas ang ulo ni erlyn",
"Kung plano talaga ito ni jewer na pasabugin ang sasakyan nila tita olivia, Hindi kaya iniiwasan nya si erlyn kase alam nyang magagalit ito sa kanya?",wala sa sariling saad ko tumingin si shy sakin
"Hindi malabong yon nga, isa pa maiintindihan naman siguro ni erlyn ang dahilan ni jewer sadyang nadamay si general kaya lumala ang galit ni erlyn",
"Kailan ang libing?",
"Balak ni shannel na kausapin si erlyn kaso pang pitong araw lang daw pwedeng iburol si general Sabi ng funeral",
"I-ibig sabihin?",
"Sa isang araw na ang libing ni general",dugtong ni shy
"H-hindi ko pa rin akalain yon parang ang bilis ng pangyayare ayaw kong paniwalaan","Kahit ako shy",huminga ako ng malalim, bago napatingin sa pinto kung saan ay may kumatok kaya bumangon ako para buksan yon, si manang
"Iho! May naghahanap kay daisy, sa baba mga armado",napakunot ang noo ko sa sinabi ni manang, lumapit din si shy ng marinig yon, tulog si jewer at ayaw kong gisingin para naman makabawi ito ng pahinga, sumilip ako sa baba at nakita nga ron ang mga lalaking pulos naka itim, natuon sa isang lalaki ang paningin ko sya yung lalaki na kasama sa mall, bumaba ako dahilan para sakin matuon ang kanilang atensyon
"Si queen?",ani nya, nilibot ko ang tingin sa mga tauhan marahil na kasama nito na takang nakatingin sakin
"Nagpapahinga sya, anong kailangan mo?",
"Sino kayo? At bak-",hindi natapos ni shy ang sasabihin ng Magsalita ang mayordoma ng mansyon na kakarating lang
"Ah! Kaibigan sya ni master leonardo ang daddy ho! Ni queen kasalukuyan syang tauhan ni queen",paliwanag nito
"Ako si syn, ako ang kasama nyo sa mall non",pakilala nya nagkatinginan kami ni shy
'tauhan?? Ibig sabihin sindikato ito?',
"Mas maganda kung sa ibang araw kayo bumalik dito, o kaya bukas nagpapahinga pa si jewer",saad ni shy tumango ito
"Aba't importante ang sasabihin namin! K-",
"Hayaan mo na sa ibang araw na lang",pigil ng lalaki sa tauhan nito na kunot ang noo, tumayo ito at inayos ang damit
"Magpapaalam na ako, babalik ako rito pakisabi kay queen",saad sa moyordoma at tumingin samin, at tumalikod hanggang sa mawala ito at umalis naupo ako sa sofa"Ano naman ang sasabihin nila? Sigurado ba kayong tauhan ni jewer yon?",tanong ni shy sa mayordoma
"Oo, tauhan sila ni queen",
"Edi? Sindikato?",tanong ko
"Dati, ng magbago si queen, pinabago na rin nya ito, mabait si sir syn noon pa kaya walang dapat ipagsabahala",
'syn?? Oo nga yun ang sinabi ni jewer kanina na nakahanap sa kanya sa daan, bakit ko nakalimutan??',
Dont forget to VOTE and COMMENTS...
HOPE U LIKE IT!!..
BINABASA MO ANG
THDOL. DETECTIVE SERIES #1; UNDERCOVER LOVE
Actionsino nga ba siya? ano pa ang malalaman nya mula sa nakaraan? ano ang tunay nyang pagkatao?