CHAPTER 42

56 3 0
                                    

Austrias pov

Bawat salitang binibitawan ni erlyn ay dumudurog sa puso ko, napaghandaan ko na ito pero bakit ang sakit sakit pa rin? Inaasahan ko na ito pero bakit hindi ko pa rin magawang magising na nangyayare na??

"Napakasama mong tao!!!",halos mabingi ako sa sigaw na yon ni erlyn, napakuyom ako dahil sa pag badya ng luha sa mga mata ko mainit yon, at mahapdi sa pisnge ng umagos ito pababa

'patawarin mo ko erlyn...',

"S-simula n-ngayon! Ayaw na kitang makita!! S-simula n-ngayon!! K-kakalimutan natin na nagkakilala tayo!...s-simula ngayon wala ng ako na tatawag sayong ate!",sigaw nya, para akong nanghihina na hindi maibuka ang bibig at tanging pagluha ang nagagawa
"Lagi ka nyang pinipili alam mo ba yon??",pagtanong ni erlyn na ngayon ay humahagulgol na
"L-lagi kang p-pinipili ni daddy!! Kase kahit alam nyang hindi ka nya anak! Pinilit nyang itago ang lahat ng nalaman nya wag ka lang lumayo sa kanya!! Alam mo ba kung gaano ka kaswerte?? Ang swerte mo kase pagkatapos ka nyang masaktan pinili nyang masaktan ang sarili nya ng hindi natin nakikita!! Kase nga natatakot sya na baka layuan ka nya!!",giit ni erlyn, nanginig ang kamay ko sa katotohanang yon alam na nya ang totoo pero ang tanga ko dahil hindi ko nakita sa kanya yon, napapikit ako at ang imahe nya ang nakita ko ang imahe nyang nakatayo at nakangiti sakin
"Tiniis nya ang pambabalewala m-mo kahit m-masakit sa kanya! K-kapatawaran lang ang g-gusto nya!! B-bakit mo naman pinatay!! A-apo nya pala si kaizer pero hindi mo sinabi sana naman mas matagal ang naging pagsasama nila! At hindi lang tatlong araw!",dagdag nya, naramdaman ko ang pag lingon ni jonathan sakin at yun ang tingin na paniguradong binubulyawan ako, hindi ko alam kung pang huhusga ang nasa isip nya at hindi na ako magtataka kung yun nga yon

"Sa ating dalawa kung papipiliin si dad i-ikaw ang pipiliin nya!!",tinig ulit ni erlyn
"Crazy right?? M-mas mahal ka nya kase ikaw yung daisy na minahal at inalagaan nya!! Ang batang h-hindi nya inalis sa puso nya!!! Kahit na nasaktan nya!",

"E-erlyn t-tama na please!",awat ni jonathan

"Fine! Tama na!! Tama na ang katangahan na piliin na intindihan sya dahil kahit anong paliwanag nya!! Still pinatay nya ang magulang ko!!! At hindi ko hihilingin na magkaroon ng mamamatay tao!!.....h-hindi ka na magbabago!",huling sinabi nya na tumatak sa utak ko, narinig ko ang pag alis nito kasabay ng ilan pang yabag, andito ang ilang maid at tahimik lang sa mga gilid si jonathan naman ay lumingon ulit sakin

"Bakit hindi mo pinagtatanggol ang sarili mo??",may bahid ng inis at pag aalala ang boses nito, nakapameywangan sa harap ko

'h-hindi ko kaya jonathan',

Gustong gusto kong sabihin kay jonathan yon pero hindi ako makapag salita at tanging paghikbi ang ginawa ko, naramdaman ko ang pagyakap nito na lalong nagpalabas ng emosyon ko, lahat ng sakit lahat ng galit sa sarili ko parang unti unting lumabalabas dahil sa yakap na ito ni jonathan lumalakas ang hikbi ko at hindi na makahinga sa paninikip ng dibdib, hindi ko magagawang tumanggi sa yakap na ito ni jonathan dahil ang sarap sa pakiramdam, ganito si master sakin non ganito ang parati nyang ginagawa kapag umiiyak ako,

Sinubson ko ang muka ko sa dibdib ni jonathan na lalong hinigpitan ang yakap sakin, napakapit ako sa braso nya ng kumalabog ang sakit sa dibdib ko

'hindi ka na mag babago',

'p-pinatay mo ang d-daddy ko!!',

'napakasama mong tao!!!',

Umalingawngaw ang tinig na yon ni erlyn sakin, bumangon ako sa higaan at don ay naupo naramdaman ko ang nagbabadyang luha, kanina pagkatapos ng nangyare ay nakatulog ako at ngayon ay nagising ako dito marahil ay si jonathan ang nagbuhat sakin patungo dito

Ilang araw na simula ng marinig ko kay manang na ibinurol na si daddy, gusto kong pumunta pero iniisip ko ang mararamdaman ni erlyn, gusto kong sabihin sa kanilang pareho ang paghingi ko ng tawad pero alam kong wala na akong tugon na makukuha dahil si daddy ay nasa loob na ng kabaong si erlyn Hindi nya ako pakikinggan, napapikit ako at pinilit ang sariling wag umiyak pero tinatraydor ako ng nararamdaman ko, ang tanging nararamdaman ko ay sakit at galit sa sarili ko

THDOL. DETECTIVE SERIES #1; UNDERCOVER LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon