CHAPTER 52

60 8 0
                                    

Syn pov

Napatayo ako ng malaman ang kalagayan ni erlyn, bago mapahilot sa sintido

"Wala na bang ibang paraan?",tanong ko kay dr. Kit na umiling

"Operation lang ang paraan ngunit walang kasiguraduhan yon, m-masyadong kumplikado",alanganing sagot ni dr. Kit

"Edi! Paoperahan n-",

"Can you shut up Leonardo!? Hindi mo ba narinig delikado",asik ko
"Alam na ba ng relatives?",

"Well ipapaalam ko pa lang sa kapatid nya",aniya, nailing ako paniguradong magwawala si queen nito

"Sige, ibabalita rin namin sa dad nya",isa pa yon sa problema namin, pano namin sasabihin kay general marcial

"Sige mauuna na ako syn, master",paalam ni dr. Kit, tumingin ako kay Leonardo at masama syang tiningnan

"What did i do now?",

"Next time! Ayusin mo ang sasabihin mo parang kapatid na yon ng anak mo!",asik ko

"And?",

"Anong and? Talagang gusto mong mabaon talaga sa lupa eh! Noh?",

"Hayyysshh! Impossible na maoperahan ang batang yan dito",ani nya

"Why?",

"Delikado ang operation na kailangan gawin don kaya nasisiguro kong tatanggihan yon ng nga hospital dito", paliwanag nya may punto sya
"Anong gagawin mo?",

"Kailangan makahanap ng paraan bago magising a-",

"Boss yung kaibigan ni queen andito",boses ng tauhan ko, kaya tumango ako pumasok naman si jonathan kasama si shy, na nagkatinginan pa

"Sit down! Kilala nyo naman ako dba?",

"Y-yes",sagot nila, bago naupo, nakatingin ito kay leonardo

"Sino sa inyo si jonathan?", tanong nito, tinapik ko ito dahil sa mukang natakot ang dalawa sa seryosong muka ni leonardo
"Im just asking",

"Stop it!",asik ko
"Jonathan may gusto Sana akong ipakiusap sayo",

"W-what is it?",

"Kung maaari ay tulungan mo kami sa pag amin kay jewer na buhay pa ang impaktong ama nya?",

"Aiisss-",

"Shhh",asik ko, 

"A-ahh? B-ba",

"Ikaw lang ang nakikita kong pwedeng makatulong samin jonathan lalo na ngayon, ang tungkol kay erlyn baka mabigla kase sya sa lahat pag gising nya",

"H-hindi po ayos ang l-lagay ni erlyn",singit ni shy, tumango ako

"Oo, ngunit buti ay may isang magandang balita na pwedeng ikasiya nya, may nagawang maganda itong si leonardo at niligtas nya si general marcial",

"Si general Marcial???",sabay na tanong ng dalawa

"Oo, nalama-",

"Shut up!",asik ko kay Leonardo na sinamaan ako ng tingin

"T-totoo ba yon? H-hindi kayo n-nagbibiro?",paninigurado ni shy

"Oo",

"N-nasaan ho sya? Kung ganon sino yung nilibing namin?",ngiwing tanong ni jonathan

"Lima sila sasakyan non ng lusungin ko si marcial sa tubig, halos walang malay ng mailabas ko si marcial biglang sumabog ang sasakyan", paliwanag ni leonardo

"N-nasaan ho sya?",

"Nasa kakilala nya nagpapagaling, pupuntahan namin sya bukas",saad ko

KINABUKASAN ay tumungo kami sa kinaroroonan ni general, lumabas kami sa sasakyan kasama namin ngayon si jonathan at shy pati rin ang anak ni Olivia na si shannel,

"Where is he?",tanong ng babae, pumasok kami ron at sinalubong kami ng isang matanda

"Master. Syn",bati nito, ngumiti kami at tumuloy, mula ron ay nakita namin si general na nasa sala bago matigilan at ngumiti, pero nawala yon ng makita kami ni Leonardo,

"Dad!!!",sigaw ni shannel at yumakap dito

"Shannel",

"I-i thought you're dead",

"I am not",kumawala ito sa yakap at lumilingon mukang si jewer ang hinahanap

"D-dad, s-si erlyn.....",nag iiyak na usal ni shannel, tumingin si general sa kanya

"What happened? T-teka nasaan ang mga anak ko? Si daisy? Si erlyn?",

"D-dad huhuhuhuhu' s-si erlyn dad she need some operations and there's a possibility na mawala ang memorya nya",natigilan ito kaya napayuko kami

"Why? Anong nangyare?", tumingin ito kay Leonardo
"May kinalaman ka ba rito?",

"Ako agad?",agad na sagot ni leonardo nakaturo pa sa sarili, siniko ko ito bago tumikhim

"Wala syang kinalaman dito, binalak na kunin ni carpio ang anak mo para mapilitang sumali sa kanilang grupo si franco na maaaring kasintahan ng iyong anak na si erlyn",paliwanag ko, hawak na ng mga pulis si franco dahil sa kusang pag suko nito pagkatapos masabihan ni queen ang location nya

"Franco??",

"Si a-arnold valleja general",singit ni jonathan

"S-si daisy? Nasaan?",tanong nito

"She tried to save erlyn general Marcial, hindi nya kami ininform about sa pag kuha ni carpio kay erlyn, kaya naman isa s-sya sa napahamak but she's okay now",

"A-ano kamusta si erlyn?",

"D-dad, sabi ng doctor kahapon, kailangan nya ng operations may nakitang crack sa bungo ni erlyn dahil sa pagkakapalo at nadamage ang loob non d-dad, a-and.....sabi ng hospital it's too complicated for them na maoperahan ng successful si erlyn lalo na sa kalagayan niya dad, h-hindi nila kayang o-operahan si erlyn",iyak ni shannel

"We're gonna help may contact ako sa ibang bansa na pwedeng m-",

"Hindi ko kailangan ang tulong galing sayo!", asik ni general kay Leonardo na mukang naiinis

"Kung si jewer ang tatanungin sa ibang bansa rin ang irerecommend nya, kompleto ang gamit don at magagaling ang doctor",saad ko

"D-dad",napahilamos si general sa muka bago magbuntong hininga,

"Kung si jewer an-",

"Hindi ako aalis dito ng hindi kasama ang anak kong si daisy",ani nya, natigilan kaming pare pareho

"You mean? MY daughter austrias",sambit ni leonardo

"No! That's my daughter! And her name is daisy!",pag mamatigad ni general, kaya tinapik ko si leonardo para tumigil hindi ito magpapatalo, tumingin ako kay general

"Wala pa syang malay ngayon mula kahapon",

"Sasama sya sakin",ani nya, at inismiran si leonardo, tumingin ako sa braso nito na may benda

"Kamusta ang lagay mo?",pag iiba ko ng usapan

"Ayos na ako yung sugat lang ang hindi",

"Can you walk?",tanong ko tumango sya

THDOL. DETECTIVE SERIES #1; UNDERCOVER LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon