Austrias pov
Napasandal ako sa pinto at para akong nanghihina ngayon, hindi ko alam ang nararamdaman ko nag hahalo halo na, kusang tumulo ang luha sa mata ko bago ako dahan dahang napaupo sa sahig natawa ako habang umiiyak dahil sa mabigat na nakabaon sa dibdib ko na nakapagpapasikip ng paghinga ko
"D-dba? Dapat masaya ka jewer?",tanong ko sa sarili, hiniling ko na sana buhay sya pero bakit parang ang sakit sakit
'all this time? He's alive?',
Pano nya ako natiis ng ganon katagal? Lagi syang nakabantay sakin pero ni hindi ako magawang yakapin ng oras na kailangan ko? Nakikita nya akong nasasaktan pero bakit ngayon lang sya nagpakita para kamustahin ako? Para sa kaligtasan ko.....g-ganon ba kadelikado ang mundo para bago ako maprotektahan ay kailangan akong saktan?
Humagulgol ako sa sobrang kabog ng sakit ng dibdib ko, may parte na naiintindihan ko ngunit nasasaktan ako, hindi ako makangiti dahil sa sunod sunod na daloy ng luha sa mata ko, nangungulila ako sa kanya gusto ko syang yakapin gusto kong isigaw na buhay sya pero......hindi ko kaya nasasaktan ako habang iniisip ang mga pinag dadaanan ko ng nakaraan habang sya? Nasa paligid lang pala at nanonood
Tuloy tuloy ang paghikbi ko at gusto kong kumalma pero hindi ko magawa, pumasok sa isip ko si jonathan inaabangan ko syang puntahan ako dito pero ni hindi sya pumupunta, napayakap ako sa sarili ko at don ay pinilit na kalmahin ang sarili
'kailangan kita jonathan',
*Tok *tok *tok
Naalimpungatan ako ng may kumatok na sunod sunod sa pinto, nakaupo akong nakatulog kaya pag tayo ko ay umikot ang paningin ko, pinihit ko ang door knob saka sumilip sa labas si syn, at si....
"What do you want?",tanong ko
"G-gusto mong makita si erlyn hindi ba?",saad ni syn
"Pupunta tayo sa kanya ngayon",ani nya,"Magbibihis lang ako",tanging sagot ko at sinarado ito, mabilis akong kumilos at nang matapos ay lumabas ako nag aantay yung dalawa sa sala
"Aus-",
"Let's go",ani ko, at naunang lumabas hindi na ako nagsalita ng makasakay sa sasakyan, nararamdaman ko ang titig nya pero hindi ko nilingon,
"Pag punta natin d-don sana gumaan ang loob m-mo sakin anak",saad nya, kusa akong natawa bago umiling, at hindi umimik
'panong gagaan ang loob ko sayo kung gayong, wala kang ginawa para mapagaan ang loob ko nung oras na nahihirapan ako?',
"We're here",saad ni syn, lumabas kami sa sasakyan, nagkalat ang tauhan ni syn sa paligid at ang ibang pulis ay nagbabantay rin
"Nagpalagay ako ng bantay kung sakaling magtangka sila carpio",sambit ni syn, lumakad kami papaloob at abot langit ang kaba ko dahil hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kapag nakita ko si erlyn, naabutan namin si shy na nagmamadali at natigilan samin, bago tumingin sakin at ngumiti"Jewer! Thanks you're here!",
"Where's erlyn?",tanong ko, lumingon sya sa isang pinto at kumalabog ang dibdib ko ng may lumabas na lalaki ron
"General!!!!",sigaw ni shy lumingon naman ito at nagtama ang paningin namin, kusang namasa ang mata ko naramdaman ko ang pag init ng tenga ko, at ang likidong pumatak sa pisnge ko, wala akong nagawa kundi ang humihikbing tumakbo papalapit sa kanya at sinalubong naman nya ako ng yakap, humagulgol ako sa balikat nya naramdaman ko ang braso nitong yumakap sakin at ang kamay nyang humahaplos sa buhok ko"Good thing na namiss mo ko daisy",aniya umiyak ako lalo dahil sa boses na yon, namiss ko ang makulit na boses nya
"D-dad",sambit ko kusang humigpit ang yakap nito
"I-im sorry.... I-im sorry!...i-i didn't know that you're in there s-sorry",
BINABASA MO ANG
THDOL. DETECTIVE SERIES #1; UNDERCOVER LOVE
Actionsino nga ba siya? ano pa ang malalaman nya mula sa nakaraan? ano ang tunay nyang pagkatao?