CHAPTER 47

52 2 0
                                    

Jonathan pov

"Eh? Nung pangalawang kita ko sayo, dun sa kalsada nung traffic at sinigawan mo ko!",natatawang saad ko, dahilan para matawa ito

"Ah! Yun ang unang kita ko sayo, umuusad na ang traffic ikaw nakahinto pa rin",

"Oo tapos! High speed ka, buti hindi kita kinasuhan",asik ko

"Tsk! Bakit hindi mo ginawa?",hamon nya

"Syempre nauna kang umalis!",

"Hindi bat ibinigay na sa inyo ni Eduardo ang tip about samin? Sakin? Panong hindi mo ko nakilala?",takang tanong nya

"Ewan! Naka side view ang lahat ng pictures nakilala lang kita nung balak ka naming arestohin",ngumiwi ito bago ngumisi at sinimsim ang beer at nahiga, nakangiti sya kaya ngumiti ako at tumingin sya sakin

"Nagulat akong pulis ang lalaking tanga sa kalsada non",

"Talaga? Nasa helicopter ako non! Kaya pano mo ko makikilala masyado akong malayo",

"Tsk! Hindi mahirap kilalanin ang isang tao, isa pa matalas ang isip ko nakibasado ko agad muka mo ng makita kita",

"Kahit nasa malayo ako?",

"Oo",

'astig',

Ngumiwi ako ng maalala ang pag dirty finger nya sakin habang patakas na nakasakay sa sasakyan

"Eh? Yung pamamakyu mo sakin? Naalala mo?",

"Hahahahaha yon? Oo!",

"Tsk! Tuwang tuwa ka non, huhulihin ka na lahat lahat ikaw parang pang naglalaro",humalakhak ito bago naupo at tumingin sakin

"Dahil alam ko namang hindi nyo ko mahuhuli",

"Pero nakulong ka",

"Sinadya kong sumuko",saad nya

"Ano?",

"Kung hindi ko gagawin yon hindi ko matatapos si eduardo at hindi ko maiiligtas si erlyn, ako ang nag utos kay syn na bigyan kayo ng tip kaya nyo ko nahuli",paliwanag nya

"Pero seryoso ah! Humanga ako sa tapang mo",saad ko

"Tapang?? Saan?? Sa pakikipaglaban?",

"Hindi....", tumingin ako sa kanya
"Kundi dahil sa pag kusa mong ihulog ang sarili mo para makatakas ang mga kaibigan mo humanga ako ron,hindi lahat nagagawang isakripisyo ang sarili para sa kaibigan",

"Ganun sila sakin, at may kakayahan ako para mailayo sila sa kapahamakan kaya bakit hindi ko gagawin?",

"Ganun na nga, dun pa lang mabuti ka ng tao",

"Kahit anong kabutihan ang gawin ko, tingin ko....h-hindi ko magagawang patawarin ang sarili ko sa nangyare kay general",aniya, may bahid ng lungkot yon bago sya uminom
"Kung bibigyan ako ng pagkakataon na makasama sya....ipinapangako kong babaguhin ko ang sarili ko kahit na mahirap",seryosong bulong nya pero sapat yon para marinig ko

"Alam mo bang masaya si general kapag natatawag mo syang daddy ng hindi sinasadya?",patanong ko

"Kelan?",kunot noong tanong nya natawa ako dahil mukang hindi nga talaga nya alam

"Maraming beses, pero ang huli nung sa mall ng magpaalam kang mag cr",

"Ha??",

"Sabi ko nga hindi mo matandaan eh! Pero lubos ang tuwa nya don kaya siguro ayaw nyang sabihin sayo na alam nya na hindi ka nya anak...dahil para sa kanya ikaw ang anak nya",ngumiti ito pero tipid

"Ngayon ko lang naisip kung gaano pala ako kaswerte noon pa",Humiga sya don at nakatitig sa langit kung saan ay malaya nyang nakikita ang mga bituin
"Sabi ni erlyn...a-ako lagi ang p-pinipili ni general iniisip ko kung anong nararamdaman ni erlyn don, nagagalit ako sa sarili ko dahil napakaraming pagkakataon para patawarin ko sya pero....sinayang at binaliwala ko lang",

"Alam na nya yan, kahit hindi mo sabihin",

"Pano mo nasabi?",

"Sya ang ama mo jewer kahit sabihin mong hindi sa dugo, sya ang nag alaga sayo mula sanggol hanggang sa mag walong taong gulang ka kaya alangan kilala ka nya",sambit ko

"Pero mas gusto kong malaman nya sa mismong bibig ko, at hindi dahil sa yun ang nahuhulaan nya",ngumiti ako at saka humiga sa tabi nya, tumingin sya sakin

"Kahit ngayon naririnig nya yan sa mismong bibig mo jewer",

"Mas gusto kong isipin na nasa ibang bansa sya jonathan",

"Malabong mangyare yan",

"Alam ko, dahil bukas na ang paghatid sa kanya sa huling hantungan pero ni hindi ko sya pinuntahan",

"Pwede kang pumunta ron",

"Pano?",

"Gagawa ako ng paraan",usal ko, ngumiti ako ng ngumiti sya pero kahit ganon alam kong may bahid yon ng lungkot

Natawa ako ng humalakhak si jewer halata na ang pagtama ng alak dito pero mukang matino pa rin naman, nananatili itong nakahiga habang ako ay umupo at nakalingon lang sa kanya, buti na lang nakisama ang panahon ngayon

"You know what? I didn't expect na ikaw ang makakasama ko sa mga oras na kailangan ko ng kadamay",sambit nya tumingin sya sakin
"Kailan pa nagsimula ang pagkagusto mo sakin?? Sa pag kakaalala ko ayaw mo sakin",dagdag nya

'kelan nga ba?',

"Hindi ko alam pero tingin ko nung nakita ko ang pictures mo, oo ayaw ko talaga sayo",asik ko kumunot ang noo nya

"Eh? Ano't sabi mo gusto mo ko?",

"Ayaw ko sayo dahil sa nararamdaman ko,kapag nandyan ang presensya mo",sambit ko

"Tsk!  Yun lang?",

"Anong yun lang? Isa pa ayaw mo rin sakin non",

"Oo ikaw ang bumaril sakin eh!",

"Andaming bumaril sayo panigurado hindi lang ako ang gumawa non! Bakit sakin ka lang galit?",inis na tanong ko natawa ito

"Pano ako magagalit sa mga taong ako mismo ang naglibing??",gulat ko itong tiningnan
"Nakabaon na sila at inuuod na kaya balewala na sakin ang ginawa nila! Pero ikaw.....hindi pa",turo nya

"I-ibi-",

"Of course not! Hindi ko hahayaan yon",nakagat ko ang labi para pigilan ang ngiting bubungad sa labi ko, dahil sa sinabi nya
"Pwede ka namang ngumiti bakit pinipigilan mo?",banat nya, dahilan para mawala ang ngiti ko at inis syang nilingon, nakangiti ito saka ginawang unan ang dalawa nyang kamay,

"Hindi mo kailangang ipagyabang na may gwapo kang manliligaw",

"Manliligaw? Wala kang sinabi na nanliligaw ka na",napasapo ko ang noo,

'anong tingin nya dito?? Pshh',

"Pwede kong subukan ngayon! O kaya bukas kailan mo ba gusto?",tanong ko nag akto ito na animoy nag iisip bago tumingin sakin

"Ikaw kelan mo gusto? Ayos sakin kahit kelan, ang iniisip ko kung mong mapanindigan ang sinabi mo",

"Mapapanindigan ko yon",usal ko, hindi na ito umimik, ng lingunin ko ay nakapikit na ito, pinagmasdan ko ang muka nito pero sa may kaliwang mata nya ako Napatingin ng sobra kahit anong gawin hindi maitatanggi na maganda sya

'please! Don't fall inlove with me??',

"It's too hard for me jewer, masyado na pala akong lunod sayo ng hindi ko manlang napapansin",kusang sambit ko habang titig sa mapayapang muka ni jewer

Don't forget to VOTE and COMMENTS....

HOPE U LIKE IT!!..

THDOL. DETECTIVE SERIES #1; UNDERCOVER LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon