Erlyn pov
Kagaya ng sinabi ni ate ay nagtungo nga kami dito sa mall isang sasakyan ang gamit namin at pagkapasok sa mall
"Saan ang gusto mo?", napatingin ako kay ate sa tanong nya kay kaizer, normal na boses yon at alam kong hindi sya pilit sa tanong na yon, tuloy ay parang may kumirot sa dibdib ko pakiramdam ko tuloy si kaizer ang nagiging priority nya ngayon
'tumigil ka nga erlyn!',
"Gusto ko pong pumunta ron sa may mga stuff toys",turo ni kaizer sa isang store tumango si ate, ngunit mas gusto kong pumunta sa ice cream, mukang napansin yon ni kuya shy
"Gusto mo sa may ice cream erlyn??",bulong ni kuya shy sapat lang para marinig ko, tumingin ako kay ate na naglalakad na kasama si kaizer na kapit sa braso nya at kay kuya jonathan, kaya naman ngumiti ako kay kuya shy at umiling
"Hindi Kuya madalas na akong pumunta dyan eh, gusto kong magtingin ng mga stuff toys sa tinuro ni kaizer",palusot ko kahit gustong gusto ko don, baka kase iba isipin ni ate
"Sige tara na. Hoy! Antay! Tara!",tumakbo kami patungo sa store kung saan nakapasok na sila ate
"Good morning ma'am sir",bati ng sales lady, kaya ngumiti ako andon ako sa may teddy bear section ganon din si kuya shy na tinitingnan ang stuff toys na mga pusit pero cute ang itsura don naman ako sa may mga stuff toys na nakikita ko kadalasan na cartoons sa TV,
"Mas maganda kapag ito madali kaseng masira yan, ito na lang po", napatingin ako sa gawi nila ate kung saan ay nakaupo sya at si kaizer at nagtitingin ng mga panlalaking laruan,
"Mas gusto mo ito? Pero mas malaki ito",turo ni ate sa isang robot
"Eh? High school na ako ganyan pa rin?",tinig ni kaizer
"Wala sa edad yan kung maeenjoy mo ang laruan na ito bakit hindi ito bilhin mo?",
"Pero kase....ang mahal nyan eh! Naka-",
"Pick it up, I'll buy it",prisinta ni ate dahilan para ngumiti ng malaki si kaizer
"T-talaga?",
"Hmmm, here",inabot nya kay kaizer yon saka sila tumayo
"What else?","I want to buy some toys for you, magandang yun daw ibigay sabi ni mommy gusto nyo po ba? Pwede ko kayong pilian",umiwas ako ng tingin ng humarap sila sa gawi ko at umakto na lang na tumitingin din sa iba pang hanay
Sa totoo lang sumisikip ang dibdib ko, aaminin kong nag seselos ako ngayon dahil laging sakin lang ganyan si ate, ni hindi nya ako tinanong kung saan ko gustong pumunta o kaya naman kung anong bibilhin ko kagaya ng ginagawa nya kay kaizer ngayon, naramdaman ko ang pag init ng pisnge ko pero pinigilan ko yon ng makitang naglalakad pagawi sakin sila ay agad akong lumakad papalayo habang tumitingin tingin pero ang mata ko pinagmamasdan sila sa gilid
"Ito na lang ate",tinig ni kaizer na nakapag pahinto sakin
'ate',
'ate',
'ate',
"Bakit naman yan? Ang sama ng muka",reklamo ni ate, na hinayaan lang nya na tawagin syang ganon ni kaizer ito ang unang pagkakataon na narinig ko si kaizer na tawagin syang ganon...at...hinayaan lang nya
"Maganda naman sya, masungit lang muka",yon ang hawak ko kanina si red ng angry bird,
"Tsk!", napatingin ako kay ate at parang kumalabog ang dibdib ko sa nakita ko...ngumiti sya totoo ang ngiti nya,
'nagiging madamot na ba ako ngayon? Pwede naman syang ngumiti ano ka ba naman erlyn wag kang ngang O.A, ngiti lang yan! Ikaw pa rin ang kapatid nya',
Shy pov
Nakatingin ako kay erlyn na nakatingin kala jewer at kaizer na naguusap habang nasa counter para bayaran ang binili isa lang ang binili ko ang pusit na kahit mukang masungit maganda pa rin,
"Ayus ka lang?",tanong ko kay erlyn na nakangiti
"Wala kang binili?",tanong ko ulit ng makitang wala syang bitbit"Senior high school na ako hindi ko na kailangan ng ganyan kuya",aniya, hindi ako umimik at nanatiling titig sa kanya, alam ko ang ugali nu erlyn kaya paniguradong mas marami ang mabibili nya kesa samin pero ngayon ni isa wala, walang sigla ang mata nya mukang nag seselos kay jewer at kaizer
"Wag kang mag isip ng kung ano ano",bulong ko sa kanya pero ngumiti lang sya ng matapos kami ay agad kaming lumabas pero nauuna maglakad si jewer at kaizer habang kami nasa huli si jonathan naman ay bitbit ang binili ni kaizer
Napa daan kami sa bilihan ng ice cream na kanina tinitingnan ni erlyn kaya naman
"Oy! Dun tayo sa ice cream mukang masarap flavor dito tara",akit ko
"Gusto mo?",tanong ni jewer kay kaizer na agad na tumango, napansin kong ngumingiti na si jewer, kaya naman pala nag seselos si erlyn eh, hinila ko si erlyn ron papasok at nag bili ng mga ice cream
"Saan mo gustong pumunta erlyn? May gusto ka bang puntahan?",pagtanong ko kay erlyn antahimik eh, kumakain kami ng ice cream pwera kay jewer at Jonathan
"A-ah w-wala naman", Aniya,
'hayyyy naku naman',
"Hindi bat gusto mong pumunta sa park? Pumunta tayo ron habang maganda pa ang sikat ng araw",tinig ni jewer na si kaizer ang kausap
"Sige po",lumabas kami ng mall pero walang imik si erlyn, mukang napansin rin ni jonathan yon at nagmamasid kay erlyn bago tumingin sakin kaya nagkibit balikat ako
Nang makarating sa park ay marami ding tayo ron may nagtitinda ng street foods at ng pop corn marami pa
"Cotton candy yon dba??",turo ni erlyn bigla kaya tumingin kami ron
"Oo nga noh!",masayang saad ko
"Punta tayo ron",saad ko kaya tumakbo kami ni erlyn don, may mga ibat ibang itsurang ginagawa si manong ang galing ibat ibang kulay din ang cotton candy,
"Akin ito!",turo ko don, napatingin ako kay erlyn na nakalingon, kaya sinundan ko ng tingin yon kala jonathan at jewer kasama si kaizer na kumakain ng pop corn sa bench
"Sayo erlyn? Alin dito?",kalabit ko kay erlyn na lumingon sakin"A-ah! I-ito na lang",
"Oh! Kuya ito raw! Magkano po?",
"Ah kinse lang ang ito at malaki ang Korte",
"Sige po manong, oh! Bayad! Salamat po", inabot ko kay erlyn ang napili nyang cotton candy saka kami naglakad patungo sa may bench kung nasaan sila jewer at naupo sa kabila tatluhan kase ang haba ng bench
"Mahilig kayo rito?", rinig kong tanong ni jewer kay kaizer
"Opo, pumupunta kami dito kapag weekend at walang trabaho si dad at si mom",
"Ang m-mom mo?",
"Ito ang paboritong lugar ni mom kaya naman dito kami pumupunta, itong bench na ito dito kami kadalasang umupong tatlo",kwento ni kaizer titig lang si jewer kay kaizer at animoy nakikinig
"Dati may nag mamagic dito pinapanood namin pero mukang wala yung nag mamagic, tapos naglalakad lakad din kami sa kabuuan ng park at kakain ng ng kung anong pagkain na makikita dito pero pop corn ang lagi naming kinakain, kaya...salamat at dinala nyo ko rito",saad ni kaizer, hindi umiimik si jewer at titig kay kaizer, bago umiwas at kunot ang noong tumingin sa paahan, blangko ang muka nya at parang makikitaan ng lungkot yon, si erlyn naman tahimik din pero mukang rinig din nya ang sinasabi ni kaizer na tuloy lang sa pag kwekwento
Dont forget to VOTE and COMMENTS....
HOPE U LIKE IT.....
BINABASA MO ANG
THDOL. DETECTIVE SERIES #1; UNDERCOVER LOVE
Actionsino nga ba siya? ano pa ang malalaman nya mula sa nakaraan? ano ang tunay nyang pagkatao?