CHAPTER 2

174 4 0
                                    

Austrias pov

Pinabilis ko ang pagmaneho, at ang bata ang tumuturo ng daan sakin, huminto kami sa hindi kalayuan at nakita ron ang mga sasakyan, marami ding tao, kumunot ang noo ko ng makitang inilalabas ron ang dalawang kabaong mula sa gate

"Saan n-nila dadalhin sila mommy at daddy?",tarantang tanong ng bata akmang lalabas ito ng hilahin ko ang damit nito

"Ililibing na sila",saad ko,

"H-hindi ko pa s-sila nakikita!",iyak ng bata, nakaramdam ako ng awa para sa batang ito,

"Dito ka lang! Hindi ka baba! Magtatanong ako",saad ko
"Dito ka lang! Naiintindihan mo?",tanong ko, hindi ito sumagot, kaya bumaba ako pagkaalis ko ng seat belt, at nagtingin sa paligid don sa gilid ay nakita ang mga armadong lalaki, napapansin ko rin ang pasulyap sulyap ng ilan sa inilalabas na kabaong na animoy may hinahanap, kaya nag suot ako ng shades, at naglakad patungo sa gawi nasa kabilang kalsada kaya kinailangan kong tumawid,

"Ililibing na?", tanong ko natigilan ito bago umatras

"Kung ang anak nila ang hanap m-",

"Iba ang tinatanong ko!? Pwede sagutin mo na lang? Ililibing na ba yan?",nguso ko sa kabaong

"Oo! Obvious naman",ani nito napakuyom ako, sa sagot nito

'sasapakin kita isa pa!',

"Kasama ko ang anak nila detective ako here! Para maniwala ka",saad ko pasimple kong pinakita yon at nagulat pa ito,

"N-nasan sya? H-hindi nyo da-",

"Gusto nyang makita ang mom at dad nya!? Pwede bang kahit ilang minuto lang? Pwede namang ibalik sa loob??",tanong ko, nagalinlangan ito bago tumango, may kinausap ito na tumango din

"Sandali! Ipasok ulit yan! May sira ang sasakyan! Aayusin lang!",saad ng lalaki, binuhat ulit ito saka ipinasok, bago lumapit ang babae sakin

"Saan mo idadaan ang bata??", bulong nito, huminga ako ng malalim

"Saan ang likod ng mansyon?",tanong ko,

"Nasa kabilang village sa may looban don may isang mataas na bakod?",tumango ako,
"Paalisin mo ang mga tao sa loob ng bahay! Isarado ang mga bintana",saad ko saka naglakad pabalik sa sasakyan,pinaandar ko yon,

"T-te",

"Andito ang nag hahanap sayo! Sa likod tayo dadaan",saad ko, napatingin ako sa sasakyan nung dalawa at mukang busangot ang isa,kaya napailing ako, ng makarating sa may kabilang village, ay bumaba ako at yung dalawa

"Saan ka pupunta??",tanong nito, hinawakan ko ang bata sa ulo, at tumingin sa kanya

"Ipapasoo ko sa loob ng bahay nila",

"Ano? Walang daan dyan!?",saad ni shy, ngumiwi ako, at hindi na umimik, nasasayang oras, kaya naman naglakad kami papasok, nang makarating don ay may mataas na pader nga

"Oh? Pano ka jan makakaakyat??", sarcastic na tanong ni salcedo

"Police salcedo? Pwede bang tumahimik ka kahit? Saglit?",inis na saad ko sinamaan nya ako ng tingin, syempre hindi ako papatalo, kaya sinamaan ko rin sya ng tingin, umurong ako at bumwelo, bago tiningala ang pader, saka tumakbo at pwersa na umakyat don, umupo ako sa dulo

"May hagdan ka ba dyan?",tanong ko sa sumilip na babae na nakausap ko mula sa pinto ng likod ng mansyon, na agad tumango, lumabas ito kasama ang isang lalaki na may hawak ng hagdan, tumingin ako sa tatlo na gulat na gulat sakin kaya kumunot noo ko,

"Tara dito",saad ko sa bata na inabot ang kamay ko, medyo matangkad kaya naabot agad, saka ko ito hinila pataas, at inalalayan, na makaapak sa hagdan, inalalayan sya nung babae at lalaki,

"Kaizer!? Ayus ka lang ba?? Mabuti at ligtas ka",

"Tita! S-si m-mom?",umiyak na naman ito

"N-nasa loob p-",natigilan sila ng tumakbo agad ito don, kaya akmang bababa ako ng tawagin ako nung dalawa

"What?",inis na tanong ko

"Kami? Dito lang?",inis din nya

"Mag bantay kayo jan! Baka may mag bantay din dyan!",saad ko at bumaba, napangisi ako ng marinig ang pagmamaktol nung dalawa kaya naman naglakad na ako papasok,

"M-mom!!!! D-dad!! Hhuhuhuhu",halos madurog ako ng makita ko ang batang ito na umiiyak habang yakap yakap ang magkapalitang kabaong, napaiwas ako at yumuko, may kumikirot sa dibdib ko, ganyan na ganyan ako noon kay mom, ang pinagkaiba lang maid ang nag cocomfort sakin non hindi si dad, napatawa tuloy ako ng mapait bago maglandas ang luha sa mata ko, kaya bago pa tumulo ay tumingala na ako para mapigilan yon, tanging iyak ng bata ang naririnig sa buong kabahayan at walang naglalakas loob na umimik, nakasandal ako sa pader ng pinto, habang tumingin sa paahan ko, at tanging nakinig na lang sa humahagos na iyak ng bata,



Shy pov

"Tch! Nakakainis! Anong akala nya satin? Ha?",inis pa rin na asik ni Jonathan, nag mamaktol pa rin ito habang sinisipa sipa ang damo habang ako, ay nakaupo lang at nag bubunot bunot,

"Hindi ko alam kung police ba tayo o? Tambay? Tsk! Tingnan mo oh! Parang tambay ang datingan natin dito! Ang gwapo ko pa naman! Para maging tambay!",asik ko,

"Pssshh!! Antaas nyan pano nya naakyat?",tanong ni jonathan,

"Baka may lahing gagambay",saad ko kumunot noo nya

"Gagambay??",

"Gagambay?? Hindi ka ba nanonood non? Yung may kalaban na ipis!",asik ko

"Gagamboy yon! Tch! Gagambay??",

"Gagamboy ba yon?? Eh?? Sorry sorry! O-",

"Talagang ensayong ensayo! Leader nga pala ng sindikato ang isang yon!", napatango ako sa sinabi nya

"Hahahaha oo nga eh! Alam mo ma record ako ng sugudin nya yung ibang tauhan natin non! Hahahaha kinuha ko don sa screen",saad ko
"Gusto m-",

"Ayaw ko!",asik agad,

"Edi wag! Kung ayaw m-",

"Pero ayaw ko pa! G-gusto k-",

"Hindi ka pwede magtagal nakita mo na sila kailangan na nilang ilibing",tinig sa kabila kaya tumayo, ako maya maya ay sumampa na sa taas kasunod ng pag buhat nito sa bata aalalayan pababa, naman ang ginawa namin,

"Ika- okay!",saad ko ng talunin nito iyon ng walang takot, saka naglakad, umiiyak ang bata

"Kailangan na nating bumalik sa department delikado kapag may nakaki-",

"Tara na",putol ni jewer sa sasabihin ni jonathan,saka isinakay ang bata sa sasakyan, nagkatinginan kaming dalawa natawa na lang ako, ng sumimangot ito saka kami naglakad sa sasakyan namin at sumakay

"Kakaiba talaga! I lo-",

"Tumahimik ka nga!! Nakakainis!",asik ni jonathan, bago sumunod na paandarin ang sasakyan namin nasa unahan yung si jewer,

THDOL. DETECTIVE SERIES #1; UNDERCOVER LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon