Austrias povNakikinig lang ako habang nag kwekwento si kaizer, mararamdaman ko ron ang pangungulila nya at hindi ko na dapat ipagtaka yon, pero hindi ko maiwasang makonsensya dahil sakin nawala ang mommy at daddy nya, sa kwento nya sobrang saya nila yung parang walang problema natutuwa ako na nasasaktan dahil ni hindi nakasama ni shailey si general at hindi man lang nakilala nalulungkot dahil nagkaron ng banta sa buhay nya, at napahamak sya dahil sakin, kapatid ko si shailey at marami akong tanong
'Kung hindi ba kami pinag palit ni master? Mararanasan kaya ni shailey yung naranasan ko sa puder ni general?? Papalayasin kaya sya ni general?? Pipiliin ba sya ni general?? Mararanasan rin kaya nya ang lahat ng naranasan ko??
Hindi ko alam ang sagot sa tanong na yon pero isa lang ang nasisiguro ko hindi man nya nakilala si general bilang tunay na ama nya nagkaroon naman sya ng maayos na pamilya na hindi nagkagulo at nasira, minahal at inalagaan sya ng mga umampon sa kanya, nagkaroon sya ng buhay na normal sa kabila ng mga banta nagkapamilya at nagkaroon ng anak kahit papano naranasan nya ang mga bagay na gusto kong maranasan
'ang maging masaya sa kabila ng hindi pagiging perpekto',
Tumingin ako kay kaizer na kontentong kumakain ng pop corn, napangiti ako dahil maganda ang pag papalaki nila sa bata,malakas ang batang ito nagagawa nyang ngumiti sa kabila ng pinag dadaanan nya. Bagay na hindi ko kayang gawin nakaramdam ako ng konsenya dahil sa edad nyang yan naging ulila na sya at yon ay...dahil sakin
'pano ko sasabihin sa batang ito? Na ako ang dahilan ng pagkawala ng magulang nya??',
Bumuntong hininga ako at gusto kong mag isip ng mag isip sa pwedeng mangyare,
'kailangan mong tanggapin ang position jewer',
Naalala ko ang sinabi ni syn sakin, dahilan para tumingin ako kay kaizer, wala syang alam na ako ang nagmamay ari non pero hindi ko naman pwedeng kunin yon bigla sa kanya lalo pa at mahalaga yon sa bata, umiwas ako ng tingin at don ay nag tama ang paningin ko kay erlyn na nasa kabilang bench kasama si shy habang kumakain ng cotton candy at nanonood sa mga batang nag lalaro sa harap nila
'pano ko sasabihin sayo erlyn na hindi tayo magkapatid??',
Parang nanikip ang dibdib ko ng isiping iiyak sya sa harap ko, pero wala namang magbabago kung sasabihin ko dba?? Pero hindi madali yon kapag sinabi ko sa kanya malalaman ni general na hindi nya ako anak at apo nya si kaizer alam ko na magagalit sya sakin dahil sa nangyare, masasaktan din sa malalaman pero...kung malalaman nya naman kukunin nya si kaizer,Tumingin ako kay kaizer, magkakaron ng pamilya si kaizer...
"Kaizer?",tinig ko rito lumingon naman ito sakin kahit si jonathan
"Kung??...kung magkakapamilya ka ng bago?? Tanggap mo ba?", kumunot ang noo nito at tila hindi makuha ang sinasabi ko
"Magkakaron ka ng bagong pamilya? Ayos lang sayo?",tumitig sya sakin bago lumingon kay erlyn at sakin na ikinagtaka ko"K-kung kagaya sila ni mom at ni dad okay lang",saad nya, ngumiti ako
"Teka? Balak mo bang ipaampon si kaizer?", gulat na tanong ni Jonathan kaya natawa ako lalo
"Hindi. Bakit ko naman gagawin yon?",
"Ha? Edi ano yung tanong mo? Wag mo s-",
"Kung sakali nga dba!",asik ko para manahimik na ito, si kaizer ay sinisimot ang pop corn sa lalagyan nito
'kung ganon...handa akong ibunyag ang totoo para magkapamilya ka',
Nikki pov
"Nikki! Pinapatawag ka ni boss",tinig ng kasamahan ko dito kaya nilapag ko ang hawak kong baraha
"Oh! Ikaw muna maglaro",
BINABASA MO ANG
THDOL. DETECTIVE SERIES #1; UNDERCOVER LOVE
Actionsino nga ba siya? ano pa ang malalaman nya mula sa nakaraan? ano ang tunay nyang pagkatao?