Kaizer pov
Dahil weekend ngayon ay napag desisyonan kong mag libot sa mansyon, sa tagal ko rito hindi ko pa nakikita ang kabuuan nitong mansyon sobrang laki kase, piling ko tuloy maliligaw ako pag naglibot akong mag isa, sila kuya jonathan at kuya shy ay nakatanggap ng tawag kanina kaya dali daling umalis, ligtas naman daw ako dito, maya maya ay napatago ako mula sa gilid ng makitang paparating si ate jewer, napakunot ang noo ko ng makitang may sugat ang parehas na kamay nya at namumula rin, nakatulala lang sya at parang wala sa sarili, tahimik at blangko ang muka kaya imbes na tingnan ay sumunod ako sa kanya pagawi sa office nya pero hindi pa rin ako nagpakita at pinagmasdan lang sya,
Ng makapasok sya sa loob ay naupo agad sa swivel chair at nag salin ng alak sa baso saka tinungga yon, habang titig sa kisame, madilim ang buong paligid mula sa salamin sa harap ay nakikita ko sya don ay nakaramdam ako ng awa sa kanya ng makita ko syang umiyak bigla, nakatakip ang muka pero sa galaw ng balikat nya alam kong umiiyak sya, idagdag pa ang hindi maipintang tono ng hikbi nya ramdam ko ron ang sakit na dinadala nya, tahimik kase umiyak tapos biglang makakarinig ng hikbi parang pinipigilan nyang umiyak pero dahil sa bigat ng hikbi nya hindi nya mapigilan yon
"H-hanggang n-ngayon b-ba?? Ganito p-pa rin k-kasakit?? M-mom?? A-anong gagawin ko?",rinig kong sambit nya,
"L-ligtas na si kaizer m-mom...",saad nya, napatitig ako sa kanya ng sabihin nya yon pero sa pagkakataong ito, nakita ko na ang muka nya, nakaka awa sya mapula ang ilalim ng mata at bakas ang sobrang sakit na dinadala nya, natawa sya ng bahagya pero halatang peke yon
"L-ligtas na ang a-apo mo",'l-ligtas na ang a-apo mo',
Para akong nabingi ron at naguluhan sa sinabi nya, sigurado akong ako ang tinutukoy nyang kaizer ang hindi ko maintindihan eh, bakit sabi nya apo ako ng mommy nya??
"L-ligtas na ang anak ng anak nyo ni dad..mom, s-sorry",sambit nya pa, ang alam ko ay si general ang dad nya? Ano ba sinasabi nya hindi ko maintindihan
"S-sorry kung h-hindi ko masabi kay general ang t-totoo...h-hindi ko kayang m-makita na naman sa m-muka nya ang pagkadisgusto nya s-sakin mom...h-hindi ko sya ama pero nasasaktan ako",saad nya kaya napatago ako sa pader at pilit na ipinapasok sa utak ang naririnig ko'hindi nya daddy si general?? Anong ibig nyang sabihin?',
"P-patawarin nyo ko m-mom",sambit pa nito, kaya sumilip pa ako sa puntong ito bumalik sya sa dati blangko ang muka at sadyang nakapikit, kita ko ang pagod sa katawan nya kitang kita ko
'hindi ko akalain na ang nakasanayan kong malakas na makita, nakikita kong ganitong sobrang hina',
Bago pa nya maramdaman na andito ako ay tahimik akong umalis at bumalik sa kwarto ko, at don ay inisip ule ang narinig ko,
"Ako ang...tinutukoy nya??...anak ako ng anak ng mommy at daddy nya?? Si general ang daddy nya? At ang mommy nya ay yung namatay raw sabi ni kuya Jonathan??",napasabunot ako sa buhok dahil hindi ko talaga gets, alam kong ampon si mom nila lolo at lol-
Napatayo ako sa kama at nanlalaki ang mata sa kung saan, sa naisip ko,
"A-ampon si mom? Si mom kaya ang tinutukoy nya??",bulong ko, pero umiling ako at napahawak sa muka
"N-no! No! No! I-impossible!",saad ko, saka nahiga ulit, tuloy ay nakakapangsisi na nakinig pa ako sa mga sinabi nyaAustrias pov
Nag mulat ako ng makaramdam ng pangingirot sa dibdib kaya bahagyang hinawakan ko ito at napatawa ng mapait
"Ganito na ba katindi ang sakit para pati dibdib ko sumakit?",pabirong bulong ko, ramdam ko ang kalasingan sakin pero isinawalang bahala ko yon, kulang kulang ang tulog at andaming iniisip halos hindi ko kayang matulog dahil lagi akong binabangungot ng nakaraan ko tanging pag inom ang paraan ko para kahit papano maibsan ang sakit sa puso ko na kahit papano kumalma ang isip ko
BINABASA MO ANG
THDOL. DETECTIVE SERIES #1; UNDERCOVER LOVE
Acciónsino nga ba siya? ano pa ang malalaman nya mula sa nakaraan? ano ang tunay nyang pagkatao?