Kaizer pov
'kailangan kong makaalis dito',
Giit ko sa aking isipan, pano kung kasama sila sa humahabol sakin? O kapag nalaman nila ang pakay nung humahabol sakin? Mag karon din sila ng interes?? Pano na?? Binigay ni mom sakin ang bagay na sobrang mahalaga sa kanya kaya iingatan ko yon, hindi ako papayag na mapunta yon kung kanino lang, tumingin ako sa may bintana at sinipat kung sino pa ang nasa baba ng veranda nakita ko don ang mga guard sa paligid, kahit sa may gate, kaya sinarado ko yon at umisip ng paraan, nag antay ako ng ilang oras tutal kumain na ako kanina kaya busog ako ng tawagan ako uli para kumain ng dinner, maya maya na lang siguro dahil andon pa sila sa sala panigurado, kaya naman tumungo ako sa pinto at sinigurado na naka lock yon, saka sumampa sa kama, kinuha ko ang binigay ni mom sa ilalim ng unan ko at tinitigan ko yon, color blue ang box na parang diyamante dahil makintab ito may nga silver din sa may gitnang bahagi, ng bukasan may nakalagay don na bago mabuksan ay kailangan ng isang susi, pinag masdan ko yon saka nahiga,
"Ano kaya ito?",tanong ko na lang, hindi pa kase ito nabubuksan, kaya naman niyakap ko ito pero sunod non ay sa ilalim ng unan ko nilagay para hindi makita kung sakaling may pumasok na kung sino dito sa kwarto,
Nagising ako na tahimik na kaya kinusot ko ang mga mata, at dahan dahang bumangon saka sumilip sa bintana, kokonti na ang guard at madilim na sa ibang parte, kaya ngumiti ako, kinuha ko agad ang bag ko at ang binigay ni mom at sinilid sa bag ko iyon, saka sinuot ito bago ko maingat na binuksan ang pinto at sumilip sa dalawang hallway ng mansion
'walang tao!',
Lumabas ako ng dahan dahan at saka ko sinarado ito ng tahimik, at naglakad patungo sa may hagdan napatago ako ng may padaan na maid, sa may dilim ako na close sa isang aparador sa hallway, nilagpasan ako nito at hindi nakita, naglakad ako patungo sa pababa ng hagdan may parte na hindi nasisinagan ng ilaw dahil nga patay sa may bandang gilid, nang makababa sa unang palapag ng bahay ay sumiksik ako sa halaman at naglibot ng tingin bago pinihit ang doorknob ng mansyon at lumabas, buti at walang guard sa parteng ito, madilim tanging sinag ng buwan ang nag sisilbing ilaw, malawak ang garden kaya kailangan kong makatakbo don, isa pa? Ang taas ng gate nila, pero hindi ko ininda yon at tumakbo na lang ako papatago sa mga halaman sa garden para hindi makita ng mga bantay, sa gate ay may guard at nagmamasid,
"Pano to-",natigilan ako ng makita ko ang pader sa gilid hindi makinis at may maapakan medyo madilim din, ngumiti ako at maingat na lumakad don ng tumalikod ang guard, itinapon ko ang bag saka ako umapak sa mga siwang siwang na animoy desenyo ng pader saka ako umakyat don, at tumalon napangiti ako ng success at nakalabas ako, kaya kinuha ko ang bag at sinakbit ulit yon sa balikat ko bago naglakad papalayo, walang dumadaan na sasakyan at wala ring katao tao tanging street lights lang ang nag sisilbing liwanag ang tahimik din, kaya bago pa nila malaman na wala na ako sa loob ay naglakad na ako papalayo,
"Ayu-",
"Kung sinewerte ka nga naman", natigilan ako sa tinig na yon, lumingon ako at andon ay ang isang sasakyan na nakahinto kanina, nakabukas ang bintana at nakasilip ang lalaki na isa sa bumaril sa sasakyan namin non kaya umatras ako, at tumakbo
"Habulin! Nyo! Dali!",rinig kong sigaw, nag simulang kumabog ang kaba sa dibdib ko, at takbo lang ako ng takbo habanh sila ay hinahabol ako gamit ang sasakyan nila kaya lumusot ako sa isang daanan ngunit??"Shit!", napahinto ako dahil corner yon, puro tambakan ng basura ang nandon at mapanghi, saka madumi
"Si queen pala ang may hawak sayo?? Hahahaha dapat hindi ka na lumabas sa teritoryo nya bata!",tinig ng lalaki,
"L-lumayo kayo! S-sa kin!! S-sisigaw ako!!!",saad ko tumawa sila
"Bwahahahaha! Wala ng makakarinig sayo tutal! Malayo ang bahay ni queen dito",
"U-umalis k-kayo!",
"Ibigay mo na samin ang susi!",saad nya kumunot ang noo ko
"Susi?? Anong susi??",
"Yung nakalagay sa isang crystal silver glass square! Akin na!",umiling ako at hinigpitan ang kapit sa bag
Austrias pov
Akmang iinom ako ng tubig ng matigilan ako, napatingin ako agad sa cctv na nakaflash ngayon sa TV screen ko, ang lahat ng cctv dito sa mansyon ay pinalipat ko sa kwarto ko lahat ng sulok nakikita ko dito, iba ang cctv screen sa TV na pinanonooran ko tutal malawak ang kwarto ko ay nagkaron ng space para sa cctv screen, zinoom ko yon at agad na napatakbo palabas dahik si kaizer ay sumampa sa pader ng gilid ng gate sa madilim na parte, bumaba ako agad at dali daling lumabas
"Kayo jan!", sigaw ko sa inis nag tiringin naman ang mga guard
"Que-",
"Nakalabas si kaizer!! Anak ng..kabilin bilinan ko sa inyong maging alerto kayo?? Hanapin nyo!! Dali!! Tawagan yung dalawang kasama ko sa kwarto nila!",saad ko, lumabas ako ng gate at nagpalinga linga,
'saan naman dumaan!! Lintek!!',
Tumakbo ako sa kaliwang side ng kalsada, at hinanap ang bata, pero madilim ang kalsada wala ding katao tao at walang sasakyan ang dumadaan dahil dis oras ng gabi! Napailing ako dahil dumampi sa balat ko ang malamig na hangin pero tuloy pa din ako hanggan sa
"Bitawan nyo ko!!!! Hindi n-nyo maku-!! Ahhh!!",natigil ako ng Marinig ang boses na yon,
"Bi-",nabosesan ko yon,'kaizer',
Tumakbo ako sa isang sasakyan na hindi maayos ang pag kakaparada, Tiningnan ko ito at walang plate number, agad akong tumungo sa may looban at don
"Bitiwan nyo si kaizer william",saad ko, dahilan para matigilan sila, hawak nila si kaizer sa dalawang kamay
"Oh? Queen?? Lo-",
"Akin na si kaizer",saad ko,
"Hindi pa nya binibigay yun-",
"Wala akong pakialam! Akin na ang bata william",
"Tsk! Ano?? Hindi ko ibibigay ang bata hanggang hindi nya binibigay ang crystal silver square ni master leonard-", natigilan ito kumunot ang noo ko,
"What did you say??",tanong ko, umiwas ito ng tingin,
"Wala! Bata aki-",
"No!! Hindi!!! Hindi ko ibibigay yo-",
"Abah! Tala-",akmang sasaktan ni William si kaizer ng kwelyuhan ko ito,
"Subukan mo",saad ko, patapon ko itong binitawan, napatingin ako sa mga tauhan nitong namutla,
"Umalis na kayo",saad ko"Hindi pa tayo tapos! Pagbabayara-",
"Alis",saad ko umalis naman ang mga ito, humarap ako kay Kaizer, nq hawak hawak ang bag nya,
"Ano ang kinukuha nila sayo?",tanong ko hindi ito sumagot, napangisi ako sa inis, kaya naman hinila ko ito papalabas ng looban dahil ang baho don
"Saguti-","Hindi ko sasabihin sayo! Kagaya nila! Magkakainteres ka din dito!!kaya hindi",sigaw nya, magsasalita na sana ako ng may magsalita
"Jewer! Kaizer!!!",tinig ni jonathan kasama si shy at ang sasakyan nito,
"Bumalik na tayo sa mansyon",saad ko at naunang pumasok sa sasakyan nito, sumunod dun si kaizer, masama ko itong tiningnan, pinaandar naman yon ni jonathan
"Saan ka ba nag lulusot kaizer! Delikadong umalis ka na hindi kami kasama",saad ni shy
"Mas delikado ako sa inyo",sagot nito
"Look! Kaizer kakampi mo kami! Hindi kami kalaban",
"Pano ako makakasiguro?? Mom told me na hindi mag tiwala kung kani kanino",
'sana pala hindi ko na lang niligtas! Tsk!',
BINABASA MO ANG
THDOL. DETECTIVE SERIES #1; UNDERCOVER LOVE
Aksisino nga ba siya? ano pa ang malalaman nya mula sa nakaraan? ano ang tunay nyang pagkatao?