Jonathan pov"Hayyy naku naman, ano bang nangyayare? Totoo kaya yung balita?",tanong ni shy sakin, andito kami sa may field ng campus nag lalakad para naman mawala ang pagkabagot sa pag aantay sa dalawa isinabay na namin si erlyn dahil nag aalala din kami sa kanya lalo pa sa nangyare kanina lang
"Ewan, nagulat din ako. Pano magagawa ni tita olivia yon?",
"Kawawa si erlyn, wala naman syang kasalanan pero baka iwasan nga sya ni jewer",
"Hindi naman siguro. Hindi rin madali kay jewer yon. Pero hindi nya idadamay si erlyn",
"Pano ka nakakasiguro ha?",
"Mahalaga si erlyn sa kanya kaya imposible!",
"Susss! Pinagtatanggol mo porke! Nagkakamabutihan kayo!",natigil ako sa paglalakad sa sinabi ni shy
"Nag uusap lang hindi nagkak-",
"Dedeny pa? Ni hindi nyo ko isali sa usapan",
"Anong gusto mo tawagin kita tuwing mag uusap kami?",inis na asik ko
"Oo. Bakit hindi?",
"Korni mo!",
"Hahahahaha biro lang. Pero seryoso ano ang napagusapan nyo kagabi sa pool ha? Kita ko kayo! Mukang seryosong usapan yon! Umamin ka na ba?",sinamaan ko sya ng tingin bago bigwasan kaso umilag ang loko
"Hahahahahaha biro lang pero ano nga?",
"Wala yon nagtanong lang ako",
"Kagaya ng?",
"Kagaya ng kung bakit ang hilig nyang mag sariling kumilos o magplano",ngiwing ani ko ng maalala ang napag usapan namin
"Ano sabi?",
"Tapos sabi naman nya dahil lahat daw pwedeng maging kalaban!. Hindi sya nagtitiwala sa mga nasa paligid nya kahit sa mga kaibigan nya",
"Oh? Weh? Sabi nya?",
"Oo",tango ko
"Pero? Akala ko matagal na silang magkaibigan nung sino ba mga yon?",
"Sila omel, at??? Ewan ko yung omel lang matandaan ko, medyo kagaya ko ang ugali",
"Ahhh, tagal na silang mga hindi nag kikita kita noh?",
"Dahil sa mga mission nila",
"Tama ka. hayyyysss! Bat parang ang bagal ng oras??",
"Mabagal talaga!",ani ko,
Nang mapagod kami ni shy ay naupo na lang kami sa damo saka nag usap ng kung ano ano
'kamusta na kaya si dad??',
"Wala ka bang balak bisitahin si tito?",tukoy ni shy kay dad, umiwas ako
"Baka nga mas gusto nyang hindi ako dumalaw",
"Tsk! Hindi pa rin talaga kayo ayos ano?",
"Oo, mukang hindi na nga",
"Hayyyyy. Bakit ba puro na lang ganyan ang problema nyo?",
"Ewan ko itanong mo kay dad, sa pagkakatanda ko wala akong ginagawang mali",
"Hindi dapat ganyan jonathan! Dad mo pa rin yon!",
"I know! Wala akong sinabing hindi",saad ko tumingin ako sa langit at don ay nakita ang nag aasul na langit buti at hindi masyadong maaraw hindi malanit sa balat para magbilad dito sa may field
Austrias pov
"Bata ka pa mahilig tayong tumakas mula sa mommy mo para pumunta dito tuwing gabi naalala mo?",pagsalita nya, nakaupo ako sa isang duyan at tanging nakamasid sa slide kung saan ay nakikita ko ron ang mga araw na yon,
BINABASA MO ANG
THDOL. DETECTIVE SERIES #1; UNDERCOVER LOVE
Actionsino nga ba siya? ano pa ang malalaman nya mula sa nakaraan? ano ang tunay nyang pagkatao?