CHAPTER 32

55 2 0
                                    

Jonathan pov

Nang makuha ko ang susi ko ay lumabas na ako ng mansyon andon sila sa dining kaya Hindi ako nakita nagpasabi na ako kay general mula sa katulong na aalis ako Kaya ayus na, nag biyahe ako pauwe Pero nagdaan muna ako para magtake out ng makakain paguwe ko ron,

Nang makarating sa tapat ng bahay ay huminga ako ng malalim saka lumabas ng sasakyan ko at kumatok sa pintuan na agad na bumukas

"Andito ka na pala halika dito",mahinahong usal ni dad

"Kumain ka na ba dad? Nagdala ako", pagtanong ko tumango ito

"Ilagay mo yan dyan mamaya ko kakainin",saad nya kaya sinalansan ko yun ng maayos saka sumunod sa kanya sa living room
"Kamusta ang bata?",

"Ayus naman sya dad, wala ng humaharang o nagtatangkang kumuha sa kanya",

"Hindi pa ba nakikita ang ilang kasamahan ng mga taong gustong kumuha sa kanya?",

"Yun pa ang inaalam dad kaya nga hindi pa sarado ang kaso",

"Eh?? Kamusta ka sa mansyon ng queen na yon?", pagtanong nya

"A-ayos lang ako ron",

"Nasabi sakin ni general minsan na hindi mo raw kasundo ang anak nya",

"Hindi nga po dad! Nakakainis ang ugali nya",iritadong sagot ko ng maalala ang muka non

"Bakit ano bang ginawa mo?",tanong nya

"Ako agad dad?? Hindi talaga kami magkasundo dad una pa lang ng magkita kami non",

"Baka naman dahil ikaw ang bumaril sa kanya sa tagiliran? Nakita ko yon ng mag live sa paghuli sa kanya",ngumiwi ako

"Ang tagal na non! Saka parang hindi naman natablahan ng bala ang isang yon nakatakbo pa nga",natawa kami pareho ni dad, sakto ng maalala ko ang oras na yon, nakikipaghabulan sa masukal na gubat andon akonsa helicopter kaya naman hindi sya agad makita dahil sa kapal at dami ng punong kahoy na sobrang lalaki dahilan para maharangan ang dinaraanan nya non





Austrias pov

Kanina ko pa napapansin na hindi ko nakikita si Jonathan sa buong mansyon lumabas ako kanina pero wala rin naman, nagtanong ako sa ibang maid pero hindi daw nila nakita

"May hinahanap ka ba?",tinig ni manang na mag dala dalang laundry basket kaya tumango ako at lilinga linga

"Nasaan si Jonathan?", pagtanong ko hindi ito sumagot at ngumiti kaya medyo nainis ako
"What? Im just asking! No big deal!",

"No big deal!? Bakit mo hinahanap?",tanong nya

"Nagkasagutan kami kanina i think na offend ko sya",

"Mag sosorry ka?",

"Hell no!",sigaw ko

"Oh! Eh! Bakit hinahanap mo!? Hindi ka naman pala mag sosorry!",

"Manang! Just answer me",

"Oo na!! Etong batang to! Ang sungit! Oh sya! Umalis kanina bihis na bihis hindi ko alam kung saan pupunta ambango nga eh siguro makikipag date",aniya dahilan para kusang kumunot ang noo at mag mistulang sobrang kunot

"With whom??",agad na tanong ko, nagkibit balikat naman ito

"Ewan ko bat hindi mo sya tawagan.",

"Wala akong number nya",saad ko, napahawak ako sa labi ko at tumingin kay manang na ngumiti

"Oh! Sya mag lalaba pa ako sige iw-",

"For you manang who's with him??", pagtanong ko ulit nag akto ito na animoy nag iisip

THDOL. DETECTIVE SERIES #1; UNDERCOVER LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon