Austrias povNang makasakay ako sa sasakyan ay don tumulo ang luhang pinipigilan ko, kanina pa,
'sana sunod non, ay hustisya para kala mommy at daddy, kagaya ng pangako mo sakin',
Umalingawngaw ang tinig ni kaizer sakin, hustisya?? Alam ko kailangan ng hustisya? Pero sino ba dapat ang magbayad sa pagkawala ng mommy at daddy mo kaizer? Sila Francisco ba? O ako? Inaakala nila Francisco na ang mommy mo ang anak ni master, napakuyom na lang ako sa manibela at pinaandar ang sasakyan, habang nag bibiyahe ay pakiramdam ko blangko ang utak ko, andami kong iniisip pero walang laman ang utak ko, andami kong gustong malaman pero ayaw mag isip ng utak ko, hinayaan ko ang sarili kong ganon hanggang, sa makapunta ako sa mansyon ni syn, wala na akong sasayanging oras kailangan kong malaman ang totoo,
'ang totoo na mag bibigay sakin sa lahat',
Nang makapasok ako ay nakita ko ang asawa ni syn
"Q-queen",
"Nasan si syn?",agad na tanong ko, yumuko ito at bumuntong hininga
"Nasa office ny-",hindi ko na ito pinatapos Dahil agad akong umakyat sa taas at tumungo sa office nya, hindi na ako kumatok dahil pumasok na ako, don ay nakita ko si syn, na nasa harap ng isang closet na may harang na kulay puting tela
"Gusto ko ng malaman lahat syn",saad ko, kahit na parang ang bigat ng paghinga ko ay tiniis ko, kahit na parang takot ang puso ko na marinig ang buong katotohanan ay kailangan kong gawin para sa ikatatahimik ko lumakad ako papalapit sa sofa sa may bandang gilid ng table nya saka ako naupo, habang sya ay umupo sa harap ko na single sofa
"Hindi magandang suno-",
"Gusto kong malaman syn, ayaw kong mag aksaya ng oras, sabihin mo na lahat ng kailangan kong malaman, walang kulang syn walang kulang",saad ko, tumingin sya sakin bago tumayo, at tumungo sa may closet na may tabing na kulay puting tela, na kanyang inalis at binuksan, napakunot ang noo ko dahil kinuha nya mula ron ang nga papel, at nilagay lahat sa mesa tuloy ay napuno yon don,
"Ano ito?",
"Dyan nakalagay ang nga gusto mong malaman",saad nya, saka naupo
"Don't tell me na ipapabasa mo pa sakin ito?",inis na tanong ko, umiling sya
"Sasabihin ko sayo pero kailangan mong mabasa lahat yan, kahit iuwi mo, ano pang gusto mong malaman?",
"Sino ang tunay kong ama syn?",
"Nasagot ko na yan kanina jewer, si Leonardo an-",
"Hindi ako naniniwala",
"Ito ang DNA results ninyo ni general, ang tunay na results jewer",saad nya, sabay abot ng isang maliit ba envelope, kinuha ko yon at binuksan halos manikip ang dibdib ko dahil sa nakita ron,
"Pano ako maniniwalang totoong results ito?",saad ko, pinilit kong maging kalmado pero nabigo ako
"Pwede mong kausapin ang taong napagutusan ko",
"Si shailey??? Sino si shailey?",saad ko, hindi muna sya umimik
"Si shailey ang anak ni general",para akong nabingi sa sagot nya, hindi ko naialis ang paningin ko sa kanya,
"Si Shailey yung batang ibinigay ng daddy ni general kay Leonardo na ipinaampon nya sa mag asawang cena,"B-bakit kailangan n-",
"Para iligtas ka, para maging ligtas ka, ng mga araw na andon ka sa puder ni ayesa at ni Marcial ay lagi kang pinupuntahan ni Leonardo ng palihim, hanggang sa tumungtong ka ng walong taong gulang, ay andon sya sa malayo laging nakasubaybay sayo, at nasasaktan dahil hindi ka man lang nya mahawakan",hindi ako umimik,
"Pero ng araw na paalisin ka ni Marcial sa bahay sa edad na walo ay nasa america sya non, dahil sa isang business meeting ang kaso ay nalaman ko ang nangyare, kaya agad ko syang tinawagan, ako ang naunang maghanap sayo sa kalsada, non sobrang lakas ng ulan, at gabing gabi na, nag aalala man ako ay yon lang ang magagawa ko, kinaumagahan ay agad na nakauwi si Leonardo ikaw agad ang bukang bibig nya, dahil hindi kita nahanap ay halos mataranta sya alam mo ba ang ginawa nya?",pagtanong ni syn sakin, tanging tingin lang ang nagawa ko
"Halos pakilusin nya ang buong pwersa at kahit civilization ay ginamit nya para ipahanap ka, at ilang araw at sya mismo ang nakatagpo sayo, sa kalsada habang umuulan din non, basang basa at hinang hina na nakahandusay sa gilid ng kalsada, puro sugat at pasa, gasgas at duguan din, gurit gurit ang damit, ng oras na yon parang pinapatay si Leonardo sa sakit sa nakita nya, lalo pa sa nalaman nya galing sayo ang nangyare sayo, galit na galit sya, sobra para sa mga taong gumalaw sayo, kaya ng oras ding yon, pinaubos nya ang mga lalaki ron sa lugar na sinabi mo, at kasama ako ron dahil hindi ko rin nagustuhan ang ginawa nila sayo",saad nya, napakuyom ako dahil naalala ko ang sarili ko don, ang pagmamakaawa ko, ang sakit na nararamdaman ko ay bumalik sa puso ko, don ay bumagsak ang luha sa mata ko
BINABASA MO ANG
THDOL. DETECTIVE SERIES #1; UNDERCOVER LOVE
Actionsino nga ba siya? ano pa ang malalaman nya mula sa nakaraan? ano ang tunay nyang pagkatao?