Austrias povNapalunok ako ng pag ilang hakbang ko ay sumarado ang pinto, hawak hawak ang silver crystal square ay nanlaki ang mata ko ng makita ang isang palaso na tumusok sa pader na halos ikamatay ko dahil ilang bahagi lang ang layo nito sa mismong muka ko!
'a-anong??',
Lumingon ako sa may pinto at hindi ko maaninag si master, wala syang nasabi sakin tungkol dito, at napayuko ako ng may lumipad na palaso na naman sa mismong binti ko buti at humakbang ako. Pinalibot ko ang tingin sa kabuuan at don ay nagulantang dahil may naka ready ng pana na inihahanda ang pag papalipad ng palaso bagamat hindi tao ang gumagawa ay kahanga hanga yon, tumakbo ako pero natigil din ng biglang may lumiyab sa harap ko mula sa sahig kaya sinubok kong ihakbang ang paa ko sa kabila ngunit lumiyab ang gitna kaya umurong ako sa likod ay ang pag lipad ng isang palaso sakin dahilan para mapa dapa ako, habol ang hininga ay tumayo ako, ngunit ganon ang bilis ng pag talon ko kasabay ng pag ikot ay ang sunod na pagtama ng palaso sakin, bumagal ang oras at nakita ko kung gaano katalas yon dahil nahagip ang aking laylayan ng damit at agad na napunit, bumaon yon sa dulo at napailing dahil kitang kita ko kung gaano kagrabe ang pagbaon non
"Wala kang sinabi tungkol dito",bulong ko, nakita ko tuloy ang ngiti ni master sa utak ko na mas lalo kong ikinainis, tumayo ako at hinanda ang sarili para sa pag lalakad paurong mula sa harang na apoy, hinubad ko ang jacket at binalot don ang silver crystal square at saka inihandang tumakbo sa likod ay may dalawa na namang palaso na papalipad sa gawi ko kaya hinantay ko yon. At saka tumakbo naramdaman ko ang init pero hindi gaano katindi pagtakbo ko ay saka ako umapak sa kaliwang pader at tumakbo ron bago pumaikot at lumapag sa sahig ng swabe nailagan ko ang isa, dahilan para mapaburad ako dahil sa pag daan ng isang pang palaso sa mismong muka ko, saka ako naglakas loob na suungin uli ang kabila para makalabas sa trap na ito at nagawa ko,
"Siguro naman may paliwanag ka mamaya sakin",bulong ko, inisip ko na lang na pagkatapos nito ay mababawi ko na si jonathan
Naging alerto ako at pinakiramdaman ang sarili, baka biglang may bumaon na palaso o bigla akong lumiyab dito, ngunit napatigil ako ng may maapakan na bumaon, tuloy ay umilaw ang magkabilang gilid at napanganga ng may lazer yon, pahiga, sinubukan kong hawakan yon baka naman alarm lang pero
"Password",biglang boses na animoy robot
'eh??',
'Hindi rin yon sinabi ni master sakin!!',
"Password",nag paulit ulit yon, kaya naman sinubukan ko ulit na hawakan ang lazer ngunit
"Ah",napasapo ako sa daliri ko dahil parang mas napaso yon kesa sa pagdikit ng balat ko sa apoy kanina, sinipsip ko ang daliri para mawala ang hapdi, kaya hinubad ko ang jacket at kinuha ang nakabalot ron bago ihagis ang jacket at ganon ang gulat ko na sa bawat paglapag nito patungo sa sahig sa bawat pag daan nito sa lazer ay nagkakandapunit punit ito
"Astig.",hangang saad ko, luminga ako at baka mayroong button na patayan nito, at andon sa dulo. napangiti ako ng makita ang malaking pipe sa taas kaya naman sinecure ko ang silver crystal square at umakyat ron ngunit napabalik ng dumomble ang lazer, patayo naman walang lusot!
"What's this!?",reklamo ko, kung andito sana yung apat nakagawa na kami ng plano kaso ako lang kahit may maisip ako, kailangan ko ng kasama para magawa yon
'kainis naman',
"Password",pag boses ulit
'password?',
"L-leonardo",saad ko
"Error.. error",
"Hmmmm...leonardo Cordial civil",
BINABASA MO ANG
THDOL. DETECTIVE SERIES #1; UNDERCOVER LOVE
Actionsino nga ba siya? ano pa ang malalaman nya mula sa nakaraan? ano ang tunay nyang pagkatao?