Chapter 08

228 15 2
                                    

Chapter 08


"Please take care of your things!"


Mahigpit ang mga tugon ni Ma'am Lesley sa amin nang makarating kami sa quarters na naka-assign sa aming school. Magkatabing classroom ang ibinigay sa amin ng Cabucgayan School of Fine Arts, isang paaralan sa Cabucgayan, para iseparate ang mga babae at lalaki.


Labas pasok si Ma'am Lesley sa quarters ng boys at girls para tignan ang sitwasyon ng bawat isa. Sinisiguro nitong nakaayos na kami para sa opening ceremony mamayang alas 10 ng umaga.


It was still 9 in the morning kaya may less than one hour pa kami para mag-handa.


Kanina lang ay nakasabay naming pumasok ang mga taga-Naval Highschool . Ang rinig ko ay nanghahakot ito ng awards kapag may events na ganito. Mga competitive raw kasi.


I couldn't conclude yet, though. I haven't been in competitions at division level. Mostly kasi, school-based lang 'yung mga sinasalihan kong writing contest. Last year was my first opportunity for a wider competition but sadly, it was canceled. Now it's happening.


"Dito tayo sa pinakagilid?" tanong ni Jaime. "Baka pagpiyestahan tayo ng mga lamok mamaya." Patingin-tingin ito sa paligid para tignan kung saan pwede pumwestong matulog kapag gabi. Occupied na kasi ang gitna. Naroon 'yong mga lalaki naming seniors. 'Yong mga newbies ay sa gilid din.


We basically have no choice.


"We'll just use a mosquito coil later," sabi ko sabay upo sa nakatabing arm chair sa pader.


Magtatabi kami mamaya kasi siya lang naman kaclose ko sa mga kasamahan ko dito ngayon. Although our seniors try to connect and talk with us during training, I still don't feel comfortable around them. Maybe I will, someday.


Naka-pants lang ako at suot namin 'yong The Summons t-shirt na pinaprint namin noong nakaraan dahil iyon raw 'yong isusuot namin mamaya sa opening. Lumipas ang kalahating oras ay pumasok si Ma'am Lesley sa room kasama 'yong coach ng broadcasting team. Si Ma'am Compuesto.


"We'll leave in 5 minutes." Iyon lang 'yong sinabi ni Ma'am Lesley at lumabas na silang dalawa.


Nagkatinginan pa 'yong seniors namin sa ginawa ng adviser namin. Hindi nalang ako nagsalita. Nasanay na ako sa ka-striktohan ni Ma'am. Minsan, nagiging overbearing na siya pero ganoon siya, e. She only wants what she thinks is best.


Nag-mumukhang kaming bird flock habang papalapit sa gate ng CSFA. Saktong papalabas rin ang mga taga-NHS. Hindi ko alam kung masama ang tingin nila sa amin o kung ganoon lang sila kung makatingin. I even heard Jaime shiver from NHS students' stares at us. May galit ba sila sa amin?


Sumakay na kami sa vans dahil kailangan pa naming mag-travel ng mahigit 5 minutes papunta sa gym ng Cabucgayan. Doon kasi 'yong ceremony. Nang makarating kami roon ay nagbabaha ng mga taong labas pasok sa gym.


Narinig ko pang napa-palakpak 'yong mga 7th graders dahil sa excitement. Marahil ay first time nila ito. It wouldn't be my first time if I only joined campus journalism when I was in elementary. Napangunahan ako ng duda, e.

Written On A CanvasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon