Chapter 24
I continued walking.
I didn't look back.
I finally said it. The only thing that's been keeping me distant. The only reason why I can't talk and look at him the same way. These feelings... this affection... I want it gone. Because clearly, this is just one-sided and I don't want myself to be in it any longer. I have to put me first.
If he can't reciprocate, it's better to leave.
I don't want to associate myself with something so vague.
Mabigat ang bawat hakbang ko. May parte sa akin na nagsi-sisi. Sana hindi ko nalang sinabi 'yon. Sana iba nalang ang lumabas sa bibig ko. Marami pa namang paraan para mabitawan niya ako kanina pero iyon lang ang pumasok sa isip ko. Ngunit may parte din sa akin na... nakaramdam ng luwag. Dahil sa wakas, nasabi ko na ang bagay na kay tagal kong kinipkip.
Habang naglalakad ay hinihimas ko ang pulso ko. He held on it so tight I thought it'd bruise. Baka kung tumagal pa iyon kanina ay namaga na ito ngayon.
"W-Wait!"
I heard running strides but I kept on walking. What does he want this time?
"Ice, sandali lang!"
Papalapit ng papalapit ang presensya niya hanggang sa bigla nalang akong nakaramdam ng kamay sa braso ko at huli na dahil naharap niya na ako sa kanya. He was catching his breath. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin habang blanko lang ang tingin na ibinabalik ko sa kanya.
"What... did..." aniya sa gitna ng hingal. "...you say?"
Napairap ako dahil ayoko na 'yon ulitin. I said it one time. That's also the last time.
Walang emosyon kong tinanggal ang kamay niya at tumalikod ulit. I started walking away again.
"Isaiah!"
Hindi ako nakinig sa kanya at patuloy lang na naglakad. Bigla na naman akong naiharap dahil sa kamay na humawak balikat ko.
"Zibon, ang kulit mo!" asik ko dito, nagsasalubong ang kilay, nangingilid na naman ang luha. "Hindi ka patas, alam mo 'yon?"
Gusto ko nang umalis. Gusto ko nang lumayo ulit. Ayoko kapag malapit siya. Ayoko kapag ganito siya kalapit.
Hindi niya pinansin ang galit kong mga untag.
"You like me?" he asked, looking straight into my eyes.
Galit akong tumitig sa kanya. May namumuo nang pawis sa sentido niya at 'di tatagal ay papatak na ang mga iyon. Seryoso ang mata niya at tila desperadong malaman ang totoo. He was breathing raggedly from all the running and holding. Taas-baba ang mga balikat nito kaya kitang-kita ang paghihingal. Ang kabilang side lang ng mukha niya ang naiilawan ng buwan.
BINABASA MO ANG
Written On A Canvas
Fiction généraleThe aspiration to become a filmmaker began for Isaiah Lavidar when his parents took him on a film-set tour for his eighth birthday. The moment he saw the camera crew, production staff, lighting and sound technicians, and most importantly, the direct...