Chapter 05
"Pakopya ako ng Math, Ice! Bilis na!"
Hindi ko nilingon si Alyanna na kanina pa dada ng dada sa tabi ko. I'm writing notes for the Araling Panlipunan subject even though the period is still later in the afternoon. I just want to read in advance.
It's still around 7:36 in the morning and we're just waiting for our adviser to come back. She wasn't the subject Alyanna is bugging me about but unfortunately, my friend right here didn't do her Math assignment and is currently asking me to lend mine.
Ano naman kaya pinaggagawa nito kagabi?
"Ba't naman kasi 'di ka gumawa kagabi?" I threw her a quick glance before looking back to my book. Ililigpit ko nalang 'to mamaya kapag pumasok na si Ma'am. Lumabas pa kasi saglit. Iyan tuloy, nagsayang siya ng 6 minutes sa oras niya.
"Eh kasi..." napakamot ito sa kaniyang ulo at tila may gustong sabihin ngunit walang may lumalabas sa bibig niya. Tila hindi niya matuloy-tuloy. "B-Basta! Tsaka andiyan ka naman..." She then smiled sheepishly.
Tinignan ko ito nang nakataas ang isang kilay. "At naging responsibilidad pa kita? For Pete's sake, Alyanna, Grade 8 na tayo, oh," sabi ko rito.
"Ito naman, parang just now!" anas niya. "Napuyat ako kagabi, e kaya 'di nakagawa. Please na, Ice? Promise, 'di na mauulit!" at talagang hinarang niya ang mukha niya sa libro ko. Malapit lamang ang mukha nito sa akin at naka-puppy eyes pa.
She has done this so many times already that I don't think I can ever refuse her.
I blandly looked at her in the eye and playfully slapped her cheek. "Fine," and rolled my eyes as I reached for my bag and took my Math notebook. Buti nalang second period pa talaga iyong Math namin ngayon.
"The best ka talaga!" Ginawaran niya pa ako ng mabilis na yakap bago umupo ulit sa upuan niya. Napatingin pa ako sa uniform ko kung nakunot ba o hindi. It creased a little so I had to fix it right away.
"Make it quick. Kukunin ko na 'yan pagdating ni Ma'am Tineoso."
"Mamaya pa 'yon si Ma'am. Meeting 'yong pinuntahan 'non, diba? Matagal pa 'yon," aniya na may pananalig sa tono habang nagsisimula nang magsulat.
I didn't know our teacher was out for a meeting. Hindi naman nagpaalam 'yon. Dumiretso lang kasing lumabas kanina, e. How would I know?
But that granted me more time to do my notes, and to read in advance. I could probably even do some in other subjects if I got more time. I didn't think it's convenient when teachers waste their time.
Hindi ko na kinausap si Aly dahil busy na siya sa pangongopya.
"Isaiah, magme-meeting raw mamaya sa The Summons para sa DSPC. Alam mo na ba?" biglang salita ng isang mahina at nahihiyang boses. Kung hindi ako nasanay na kay Jaime iyon ay baka inisip ko nang may multo na bumubulong sa akin.
I looked at him, awkwardly standing beside me. If there's anything that changed about Jaime... Well, I see none. Physical-wise, he must've grown a little taller but appearance-wise, he still looked the same from 7th grade. He still wears his eyeglasses with very thick lenses.
Sabi rin nila Aly, medyo nabawasan raw iyong mga acne nito sa mukha pero hindi ko iyong napansin. Simply, because I really don't care. Dumami man 'yan o kumunti, acne pa rin naman.
At oo, magkla-klase pa rin kami ni Jaime at Alyanna habang nasa kabilang section na si Angelica. Hindi ko alam kung paano nangyari pero nasa i-isang section pa rin kaming dalawa. Kailan kaya kami pagbubuwagin ng mga guro?
As for the rest of my section, well... I still don't know most of my classmates and batchmates even though a year has already passed. Kilala ko 'yong class officers namin, though. Sila kasi iyong palaging nagsasalita sa unahan. It could either be to shout "Huwag kayong maingay!" or to announce something.
BINABASA MO ANG
Written On A Canvas
General FictionThe aspiration to become a filmmaker began for Isaiah Lavidar when his parents took him on a film-set tour for his eighth birthday. The moment he saw the camera crew, production staff, lighting and sound technicians, and most importantly, the direct...