Chapter 09

266 16 5
                                    

Chapter 09


"Isn't it exciting?"


We just hopped off the van and now we're walking towards the evacuation center. Kasabay ko si Keith, 'yong Sci-fi writer namin, at hindi siya nananahimik sa nafe-feel niyang excitement. Kahit nga sa van ay maingay ito.


"I mean, to make a newspaper in just a few hours?! Kaya kaya natin 'yon?!" he exclaimed in a wide smile and matching shaking hands.


Nagkibit-balikat lang ako at dumiretso ng tingin. "We'll see."


Kami iyong pinakahuli habang nauuna 'yong iba. Gastin was leading the way dahil siya naman 'yong editor-in-chief namin. Nakabuntot lang kami sa likod.


It was only 7:46 AM. We had to wake up early to prepare for this. 8 AM raw kasi ang Collaborative Writing. Gusto ni Ma'am Lesley na maaga kaming pumunta para makahanap kami ng magandang pwesto. Iyon sanang sakop ng electric fan at malapit ang saksakan para sa extension wires na dala namin.


Marami na ring nagsisidatingan. If I were to exage, I'd say they were all in battle mode while we were just being chill and carefree. Lahat ng schools ay kalahok dito kaya mahigpit ang laban. Alam naman namin 'yon pero hindi lang kami nagpapadala sa takot, duda, at kaba.


Ang importante, nandito kami.


"Guys, dito nalang tayo." Gastin placed her laptop bag on the rectangular table. Sakto ang bilang ng mga upuan sa amin kaya nag-settle na kami. Tumabi ako kay Keith at Glenda. Inilabas na namin 'yong mga laptop namin para mamaya ay diretso na kami sa gagawin.


Biglang dumating 'yong NHS at talagang sa katabing lamesa pa sila pumwesto. As usual, ganoon pa rin ang tingin nila sa amin. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakapansin kaya tinanong ko na 'yong iba. Kahapon pa kasi sila ganiyan kung makatingin, e.


"Keith," tawag ko dito na ngayon ay ino-on ang laptop niya.


Napatingin ito sa akin. "Oy?"


"Do you notice how NHS people look at us?" tanong ko dito at pasimpleng sinulyapan ang mga taong nasa kabilang lamesa. Ibinalik ko naman ang tingin ko sa kausap.


"Parang g na g, 'no?" untag nito. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. What does he mean by that?


"Huh? What's g na g?"


"Luh? 'Di mo alam 'yan?" he said, raising both of his eyebrows, backing his head a little, and forming his mouth into o upon enunciating 'luh?'.


"Would I ask if I know?" bulalas ko dito.


"Ikaw, g na g ka rin!" halakhak niya. Tinignan niya muna ang laptop niyang nag-on na at ibinalik ang mga mata sa akin. "Iyon bang sobrang sineseryoso ang isang bagay. Iyong tipong 'magkamatayan na basta lalaban kami!'."

Written On A CanvasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon