Chapter 38

120 6 64
                                    

Chapter 38


"'Yung pinto, ayusin ang pag-bukas!" sigaw ko nang makitang sobrang lamya ng pagka-bukas noong extra. She was seconds late sa cue ko at hindi magandang tignan sa monitor ang execution nito.


"Sorry po, Direk..."


I breathed heavily and nodded. I snapped my finger as a signal to repeat the scene. Last shoot na 'to namin sa apartment na 'to. And then, we'll move to our last location which is the art gallery. Hopefully the day after tomorrow, makapag-simula na kami doon.


"Guys, ready na. Shoot ulit," sambit ni Rebecca sa megaphone. Nasa tabi ko ito at tinitignan rin ang paligid.


Mabilis na nagsikilos ang mga crew at cast. Nag-ready na si Gustav sa eksena niya at ang kasama nito sa scene.


"Are you guys good to go?" I asked them through the megaphone.


"Yes, Direk!"


That scene went for hours dahil marami kaming angles na sinubukan. Nagsagawa rin kami ng iba't-ibang approach sa scene at pagpipilian nalang kung ano ang pinakabagay. Halos alas diyes na ng gabi nang matapos kami.


"Food is ready guys!" sigaw ni Reby sa isang apartment na nirentahan din namin para doon ilagay ang mga gamit. Bilang dressing room na rin at food area. Ang katabing apartment ang siyang gamit namin para sa shoot.


"Direk, last part na sa art gallery diba, tapos—"


I didn't let Rodrigo finish his sentence. "Tapos na," I said with relief.


"Damn," hindi makapaniwalang untag nito. "Matapos ang ilang buwan..."


Umangat ang gilid ng labi ko nang mapagtantong, oo nga, tatakbo nalang ng dalawang linggo ang production at sa wakas, tapos na ito. Post-prod nalang at ipapalabas na ang pangalawang pelikula ko. Who would have thought?


"Kaunti nalang," sabi ko sa kanya habang nangingiti sa ideya.


"Tara, Direk. Punta na tayo doon," aniya. "Deserve natin kumain!"


Inayos ko lang ang mga gamit sa lamesa at sabay na kaming lumabas ng apartment para pumunta sa kabila. Nagtatawanan na ang mga tao roon at kanya-kanyang kuha ng mga pagkain. May nakahandang sangkaterbang hapunan at kahit tawagin pa ang mga staff ng building ay maca-cater pa sila.


"Here comes the man!" sigaw ng isa sa mga staff pagkapasok ko. Nagpalakpakan sila at 'yung iba ay tinap ako sa balikat. Sabi ay advance congratulations raw para sa success ng pelikula.


Maging si Rebecca ay sumali.


"Ang nag-iisa!" aniya.


Napailing nalang ako habang nangingiti at kumuha ng isang piraso ng pizza. Humarap din ako sa kanila pagkatapos. "You guys eat all these, okay? Consider this a reward for being one step closer to the finish line."

Written On A CanvasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon