Chapter 01
My parents taught me to dream big.
Kahit bata pa ako, tinatanong ko na sarili ko kung ano ba talaga ang pinakagusto ko. Something that I can set in stone and do everything to reach it.
Napansin ko kasi 'yong ibang mga kaklase ko sa elementarya hanggang ngayon sa highschool na paiba-iba 'yong pangarap nila. May iba na gustong maging pulis noong bata pa sila na ngayon ay guro na ang nais. May iba namang pangarap maging doktor na ngayon ay pagiging enhinyero na ang minimithi.
I don't want to be like that.
I don't want to be indecisive.
Baka sa sobrang indecisiveness, eh hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko dahil hindi ko naman alam kung ano talaga ang gusto ko. Nakakatakot isipin 'yon. Na parang wala kang kahahantungan sa buhay mo. Na parang nabuhay ka lang para sa isang buhay na walang kahulogan.
So I dreamed to be someone who can make a difference. Someone who can create wonders in ways I can. Ika nga ng Papa ko, kung gusto mo man lang maging unique, sagarin mo na pangarap mo.
Aim for something big.
"Next... Isaiah Lavidar?" tawag sa akin ng guro ko.
It was my first day as a seventh grader. I've always looked forward for high school. Kaya ngayong simula na ang pasukan, I'm both excited and nervous.
First period rin namin pero dahil kasisimula pa lang ng school year, dagdag pang bago palang kaming lahat sa paaralan, hindi muna agad nag-class proper. At the moment, we are being called to introduce ourselves.
Tumayo ako mula sa upuan ko. "Good morning, everyone," I greeted everybody. "I'm Isaiah Quinlan Lavidar. I live in Barangay San Isidro, Biliran, Biliran and I'm currently thirteen years old. My dream is to be a director."
Napasinghap iyong guro namin nang marinig iyon. Only Alyanna, my bestfriend, clapped upon hearing my last sentence.
"Really? That's nice!" puri ni Ma'am Ostria. "I look forward to watching your films in the future."
I curved my lips just enough to make it seem that I was smiling and spoke. "Thank you, Ma'am."
Pagkatapos 'non ay iba naman ang tinawag ng guro namin.
Umupo ako ulit at inayos ang dent ng polo ko. It was distracting. Although no one really pays attention, it's still uncomfortable for me. Ayoko lang ng kahit anong magulo. Maliit man o malaki.
Nakinig nalang ako sa mga sumunod na tinawag hanggang sa natapos ang time ni Ma'am Ostria sa asignatura niyang Mathematics na ginugol niya lang sa pagkilala sa amin.
Ganoon rin 'yong nangyari sa mga sumunod na period. It was kinda annoying already kasi paulit-ulit nalang pero on the other side of the coin, I never get tired mentioning my dream.
It's so vital to me.
Recess time at kasama ko ngayon si Alyanna, my bestfriend, papuntang canteen. We were just scrutinizing the surroundings and people in our high school.
May mga nakakasabay kaming taga-ibang grades, may nauunang maglakad na mga kapwa namin freshmen, at may mga maiingay sa puntong pabirong nagsisigawan.
"Sana introduce yourself nalang palagi. Ayokong mag klase," sabi ni Aly sa tabi ko. We were almost reaching our canteen. Kailangan lang naming lampasan ang senior high school building para makarating na roon.
"Edi wag ka nalang pumasok," simpleng sabi ko na diretso ang tingin.
"Samahan mo ako?" at sinabayan niya pa iyon ng nakakairitang hehe na palagi niyang ginagawa kapag may request siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Written On A Canvas
General FictionThe aspiration to become a filmmaker began for Isaiah Lavidar when his parents took him on a film-set tour for his eighth birthday. The moment he saw the camera crew, production staff, lighting and sound technicians, and most importantly, the direct...