Epilogue

649 19 22
                                    

Epilogue

"Sige na! Magsialisan na kayong lahat!"

Umangat ang gilid ng labi ko nang makita ang ekspresyon ni Alyanna habang hawak-hawak ko na ang dalawang malalaking maleta ko. She was already on the brink of crying. She was just standing right by the door as she forced herself not to shed any tears.

Auntie Ad was on the other side while Uncle Xavier went to me to help me with my things. Kuya Xael was also dragging his luggages on his way out of the house.

Kuya Xael was true to his words when he said he would take me abroad and here we are right now, about to leave for California for him to work and for me to study.

Damn. That sounded surreal.

"Uuwi naman ako agad," untag ko kay Alyanna. She looked like she would really throw tantrums. "Maybe," dagdag ko sabay kibit ng balikat.

"Kita mo na. Pati nga si Icicle 'di sigurado kung babalik din ba dito. Sige, iwan niyo 'kong lahat!"

My mood shifted when I heard his name.

It's been a while since he left. I haven't heard from him since. Sinubukan ko naman siyang itext o tawagan pero... 'di siya macontact. He probably changed his phone number or something. Or turn off 'yung phone niya every time.

I don't know.

But I miss him, though. Sobra.

Nangungulila ako sa kanya ng sobra.

"Aly, aalis si Zibon para sa future niya. We don't want to be a hindrance, do we?" si Auntie Ad. "Plus Kuya Xael will be there with him."

Tinignan ako ni Aly na magkasalubong ang kilay, halatang pinipigilan pa rin ang mga luha. Kalaunan, hindi niya rin natiis at nagsibagsakan ito kaya naman tumakbo siya papalapit sa akin para hagkan ako.

Binitawan ko ang hawak ko sa isang maleta at niyakap si Alyanna gamit ang isa kong kamay. I had to free my other hand, too, to embrace her properly,

This girl has been my little sister ever since I lost Zahra and Zyrene. Sa kanya ko na binuhos ang pagiging Kuya ko. Sobrang swerte ko rin dahil tinanggap niya ako bilang pamilya niya. Ni minsan ay hindi ako nakaramdam ng panghuhusga galing sa kanya. Ni walang pagkukuwestiyon na binuksan niya ang puso niya para sa akin at mahalin ako bilang pinsan.

Ngayong aalis na ako papuntang ibang bansa, nag-uumapaw ang pagpapasalamat ko sa kanya... sa kanila. Sobrang thankful ako sa lahat ng ginawa nila para sa akin.

"M-Mamimiss kita ng s-s-sobra..."

Payak akong napangiti at ipinikit ang mga mata ko para hindi na ako maluha pa.

"Ako rin. Mamimiss kita, Aly. Salamat sa lahat."

Bumitiw si Alyanna at pabiro akong hinampas habang patuloy pa ring umiiyak. "Ito naman! Parang hindi na magpapakita!"

I chuckled at her remark. "'Di, seryoso. Salamat sa 'yo. Sa inyo."

She calmed herself down as she accepted all my gratitude. "Umayos ka doon, ah! Tsaka tatawag! Sasakalin kapag hindi," banta niya with matching naka-ambang kamay na sasakal.

"Opo, opo," nangingiti kong wika sa kanya.

Pinasalamatan ko na rin si Yaya Moning na mataman lang nakatingin sa amin ni Alyanna sa gilid. I hugged her one last time as she wished me good luck in the new chapter of my life.

Sabay sabay na kaming lumabas ng bahay para puntahan na sina Kuya Xael sa sasakyan. Kanina pa pala sila naghihintay.

Inayos na ang mga gamit namin. Pina-double check na rin kung dala ko na ba lahat ng dapat kong dalhin. We were in the middle of arranging our luggages when we heard a tricycle parking near from us.

Written On A CanvasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon