Chapter 20
"Y-Your crutch... w-where is it?"
Hindi ako makapaniwalang nakatayo sa harapan ko si Zibon na walang kahit anong suporta para sa balanse niya. Okay na ba ang paa niya? Did he find a new way to work on his one-footed mobility? Since when was he like this?!
Nanatili ang ngiti niya at humakbang papalapit sa akin. Nakatuon ang mata ko sa kanang paa niyang maayos ang pagkakatayo. Samantalang ang mukha ko naman ay hindi lalayo sa gulat at pagtataka. Zibon... can finally... walk?
"Happy birthday," mataman niyang bati, nasa labi pa rin ang ngiti.
"Zib..."
"What?" at maikli itong tumawa.
Muli kong inangat ang tingin ko sa mukha niya. Sa tulong ng liwanag ng poste na nasa malapit sa amin at pati na rin sa liwanag ng buwan... ang saya niya. Wala akong nakikitang pagtatago sa mga ngiting 'yon. Ni pagpapanggap ay wala akong maramdaman mula sa pagkaka-tayo niya sa harapan ko ngayon.
"Are you really..."
Ni hindi ko nga matapos ang mga pangungusap ko. Sobra akong nagulat sa nakikita ko ngayon. Pero hindi ko rin maipagkakaila na may saya rin na namuo habang tinitignan ko siyang maayos ang tindig. Sadyang... hindi lang ako mapaniwala na okay na siya!
Ngayon ko lang napansin na mas matangkad pala talaga siya sa akin. He would arch a little when he still had a crutch yet he was already taller than me. Now that he's not using any crutches anymore, the difference becomes more evident.
"Am I really what?" He was waiting for me to say it. But even I don't know what exactly to say!
"When did..." Palipat-lipat ang tingin ko sa kanang paa niya at sa mukha nito. Nakaturo rin ako sa kanyang paa. I am lost for words!
He chuckled when he saw my demeanor. He looked to the side to contain his growing smile as he let out a breath. "Let's go inside first," and held me on my shoulder. Hindi siya naka-akbay ngayong nakaharap pa siya sa akin. Iyong kanang kamay niya ang nakahawak sa kaliwang braso ko habang iyon kaliwang kamay niya naman ay may hawak na painting na nakabalot.
Matapos ay marahan niya akong pinatalikod para humarap na ako sa bahay namin. Sa ganoong paraan niya rin ako pinasabay sa kanya sa paglalakad. At oo, nakaakbay na siya sa akin. Ako naman 'yong lutang na hinahayaan lang siya. I'm seriously dumb-founded!
Siya na 'yong bumukas ng pinto at binungad kami ng mga nakangiting mga panauhin. They knew. They knew Zibon can finally walk on both of his feet now. But since when? Why do I feel like I was played?
"Pinili niya talagang tumakbo kahit na nag-offer si Tito Santi na samahan nalang siya gamit ang motor," bulalas ni Alyanna sa pinsan. "Gusto niya lang talagang i-test run ang mga paa niya!"
"Bigay nalang natin sa pinsan mo 'yan, Aly," si Papa, dinedepensahan si Zibon. "Nakakatuwa lang na sa wakas ay nailalakad niya na ulit ang kanang paa niya."
Lumapit si Alyanna sa amin ngunit ako ang kinausap nito. "Na-surpise ka ba?" tanong niya sa akin. "Pakulo kasi 'to ni Zibon. Sasabihan na sana kita tungkol dito kasi alam mo namang makati ang dila ko pero," she then flipped her hair. "I'm a good cousin."
Narinig ko namang nag-salita rin si Mama sa likod. "Kinuntyaba kaming lahat ni Zibon, anak. Iyon na nga, isu-surprise ka niya sana..."
Napatingin ako sa Zibon na walang imik at nakangiti lang. Naka-akbay pa rin ito sa akin. Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko o ire-react ko. Oo, sobrang saya ko na sa wakas, makakalakad na siya. Pero ang tagal mag-sink in sa utak ko. Tama bang sabihin na nag-mukha akong tanga sa harap nila?
BINABASA MO ANG
Written On A Canvas
Algemene fictieThe aspiration to become a filmmaker began for Isaiah Lavidar when his parents took him on a film-set tour for his eighth birthday. The moment he saw the camera crew, production staff, lighting and sound technicians, and most importantly, the direct...