Chapter 25

635 32 18
                                        

Chapter 25

"Bente lang dala ko! Ano ba, Glenda!"

Nasa entrada palang kami ng gym ngunit rinig na namin ang bangayan ni Keith at Glenda. Mula sa iritang mukha ni Keith ay lumiwanag ito nang makita kami. Sa kanila nalang kami nag-lakad papalapit dahil sila palang 'yong nakikita naming kilala namin sa loob. Atleast... close ko. Iyong iba kasi ay kilala na ni Zibon.

Keith was wearing gray slacks, a gray coat, white long sleeves underneath, and a mahogany-colored belt. Even his shoes were mahogany. Napansin ko ring nagpa-gupit ito ng buhok dahil sa faded effect ng magkabilang gilid ng ulo niya. His necktie was also mahogany, which matches his outfit.

And the lady beside her, which was Glenda, was wearing a cocktail dress with a slit on the right leg. She was wearing heels and was holding a silver purse. Her hair was tied in a ponytail but entangled a portion of her hair as the tie itself.

"Oy, Zib," bati ni Keith. Tumango lang si Zibon sa kanya habang tipid na nakangiti. Binati rin kami ni Glenda. Sa akin naman bumaling si Keith. "Siya ba?" sabay turo niya sa katabi kong nakaakbay sa akin.

"Anong siya?" kunot-noo kong tanong. Hanggang ngayon ay hinahayaan ko pa rin ang kamay ni Zibon na nakapulupot sa akin. Ewan ko pero masarap sa pakiramdam kahit mabigat. Hindi niya rin naman ako dinadaganan kaya ayos lang.

"Date mo..." maingat na sabi ni Keith.

"Ah..." tanto ko. "Oo."

Keith and Zibon weren't classmates. Nasa kabilang strand kasi si Keith. Although Glenda is Zib's classmate. Hindi ko lang siya nakita 'nong birthday surprise. She probably was busy or something. Maliit lang 'yong mundo ng BilSci kaya hindi imposible na magkaka-kilala silang lahat. Ako lang naman 'tong wala talagang pakialam.

Hindi na nagsalita pa si Keith at napatango nalang, naiintindihan na ang sitwasyon. It was my turn to ask, though.

"So... Glenda?" I asked Keith, pointing at Glenda, striking a teasing grin.

Napakamot ng batok si Keith. "Ano, e... Naubusan..."

Tinapunan ng nandidiring tingin ni Glenda si Keith. Nasa tabi niya lang kasi ito at nakikinig lang sa amin. Hinampas naman nito ang lalaki sa mismong ulo. That sounded strong. That would've hurt. Sa lakas 'non ay napahakbang si Keith ng dalawang beses.

Bumaling si Keith sa babae. "Makahampas ka naman! Sabi ko na nga ba pagsisisihan kong ayain ka!"

"Edi sana iba nalang inaya mo!" bwelta ni Glenda. "Bobo ka pala, e."

"Glends, kalma," natatawang singit ni Zibon.

Napailing si Glenda. "Hindi, e. Kailangang turuan ng leksyon 'tong isa," turo niya sa katabi habang nanggi-gigil.

Hawak-hawak pa rin ni Keith ang parte ng ulong nahampas. "Kingina. Nauga ata braincells ko."

"May braincells ka?" si Glenda. "Di halata."

I chuckled at the both of them. "I thought you swore you'd never ask Glenda as your date?" tanong ko kay Keith.

Keith sighed. "Kawawa," turo niya kay Glenda. Dahil doon ay nahampas ulit siya.

Napailing nalang kami sa dalawang walang sawang nagbabangayan. Hindi na ako makapaghintay ng isang mundong walang Keith at Glenda na nagbabardagulan.

Pagkatapos noon ay nag-usap usap lang muna kami habang hinihintay namin ang mga kaibigan ko. Panay tingin rin ako sa cellphone ko from time to time kung nag-text na ba si Aly dahil sabi niya, magsasabay raw sila nina Angelica.

While waiting for my friends, Sheina arrived with a long, black silver gown. The chest part of her gown was like a mini-eagle silver wings. Her hair was in a bun and there's a somewhat chopstick binding her hair together. She joined the circle and talked with us, too.

Written On A CanvasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon