Chapter 27

179 10 34
                                    

[trigger warning: blood, death, mental instability]

Chapter 27

"Saw saw suka... Mahuli... Taya!"

"Hoy, madaya ka!"

"Anong madaya? Kita mong nakaiwas ako!"

"Ulit nalang tayo! Dami niyong dada!"

"Jasper, madaya!"

"Ulol! Mahina ka lang!"

Bandang hapon iyon at tumakas ako sa amin. Ayaw kasi akong payagan ni Mama kasi mainit raw sa labas. Hindi naman ganoon kainit, ah? Tsaka hindi naman kami magbababad talaga.

Kasama ko 'yong mga kaklase ko sa Grade 6. Sampo kaming lahat—anim na lalaki, apat na babae. Nagsa-sawsaw suka kami tapos kung sino 'yong mahuli, siya 'yong taya. Tagu-taguan kasi 'yong lalaruin namin.

"Saw saw suka... Mahuli... Taya!"

"Oh, Zibon, huli ka!"

Napakamot ako ng batok dahil ako 'yong taya. Hay naku. Mababaliw na naman ako kahahanap sa kanila. Ang gagaling pa naman nilang tumago! Pero hindi lahat.

"Oh, siya. Sige na nga," sabi ko sa kanila na napilitan. Nagsitakbuhan na sila at agad naman akong sumandal sa pader ng stage para mag-bilang.

Ang malas naman! Unang round palang, ako agad taya!

"8... 9... 10!" Agad akong nagtingin-tingin sa paligid—nagba-baka sakaling may mahanap agad. Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng plaza ng Brgy. Alambre sa Davao City. Maliit lang naman 'yong pook namin lalo na dito sa plaza kaya makikita lang sila agad.

Tumaas ang sulok ng labi ko nang may mamataan na buhok na umaaligid sa likod ng isang motor malapit sa gate ng plaza. Tinakbo ko ang distansya at hindi nga ako nagkamali.

"Huli ka!" turo ko kay Collin.

Napakamot ito habang nakasalubong ang mga kilay. "Ang daya naman!"

"Anong madaya? Edi sana sa U-Box ka nag-tago!" natatawang wika ko sa kanya.

Wala na siyang magawa dahil siya naman 'yong una kong nakita. Nakasunod nalang siya sa akin habang hinahanap ko 'yong iba.

Hindi nag-tagal ay nahanap ko na rin silang lahat. Nag-laro pa kami ng ilang beses hanggang sa magdapit-hapon na. Sabay kami ni Jasper mag-lakad pauwi dahil madadaanan lang naman 'yong bahay namin.

"Pagagalitan ka na naman ng Mama mo. Tumakas ka na naman," ngisi ni Jasper.

Napa-irap naman ako. "Sus. Hindi 'yan," kampante kong sabi. "Mahal ako 'non. 'Di niya ako pagagalitan. Sigurado ako."

Nagpaalam na si Jasper dahil nasa susunod na kanto pa 'yong lilikuan niya tapos ilang bahay pa bago sa kanila. Malapit na ring mag-gabi kaya kailangan niyang mag-madali.

Napabuntong-hininga naman ako bago naglakad papalapit sa bahay namin. Bahagyang kumunot ang noo ko nang wala man lang akong ingay na naririnig mula sa loob. Kahit kay Zahra o 'di kaya kay Zy.

"Ma?" tawag ko habang papahawak palang sa door knob.

Nag-taka naman ako kung ba't bahagyang nakabukas iyon. Sino naman 'yong pinapasok nila Mama na hinayaan lang na hindi sarado 'yong pinto? May bisita kaya? Ba't ang tahimik?

"Papa?" tawag ko ulit. Tinulak ko na ang pinto pero agad akong binungad ng pulang likido sa sahig na dumadaloy mula sa kusina namin.

Dugo ba 'to?

Sanhi iyon para kumabog ang dibdib ko ng malakas. Dahan-dahan akong humakbang papasok at minabuting hindi maapakan ang pulang likido. Hindi ako sigurado kung dugo ba 'yan. Baka naman kasi hindi.

Written On A CanvasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon