Chapter 36

120 7 37
                                    

Chapter 36


"'Emosyon naman! Gustav! Ramil!'"


Nagsasalubong ang mga kilay ni Aly habang pinapanood ang video na isinend ni Reby sa kanya. Nakatingin lang ako dito at naiiling, humihiling na sana matapos na ang panonood niya. Gaano ba kahaba ang navideo ni Reby? Her expressions are making me overthink that what if I've overdone it? It's starting to eat me alive.


It was a video of me directing an important scene and I was being very strict and perfectionist. One mistake, retake from the start. It wasn't hell for me, but it was for the rest of them. I hope not.


Tinapos ni Aly ang panonood at ganoon pa rin ang mukha niya. "Anyare sayo dito?" tanong nito, nagtataka.


I shrugged. "Me being me," rason ko.


She scoffed and rolled her eyes. "Sobrang strict naman? Kulang nalang magmura ka."


Sumandal ako sa couch at napabuntong-hininga.


Matagal muna bago ako sumagot dahil iniisip ko kung bakit nga ba ako laging wala sa mood nitong mga nakaraang araw. Siguro dahil malapit na kaming matapos kaya ito 'yong isa sa mga paraan para mapabilis ko iyon?


But deep inside me, I know there's more to my behavior these past few days.


"Para maayos agad," sabi ko sa kanya, vina-validate ang sobrang pagka-strikto sa video. "Gumana naman. Wala silang choice."


"Kahit 'yung timing ng pag-hinga nila, binabantayan mo. Grabe ka na!" singhal niya sa akin. Umayos ito ng pagkakaupo para harapin ako. Itinukod niya ang braso sa headrest at tinignan ako ng mabuti.


"Gusto ko nang umalis dito kaya binibilisan ko," untag ko bago tumingin sa ibang direksyon. Napadpad ako ang mga mata ko sa labas ng bintana.


"Hindi ba 'yan makakaapekto sa pelikula mo? Minamadali mo, oh," nag-aalala niyang sabi.


"I don't think so," kampante kong wika at tinignan siya ulit. Muli niyang pinanood ang video pero iniskip niya sa mga parteng uncontrollable na ang kasungitan ko.


But I was sure, though. Kahit naman binibilisan na namin, sinisigurado ko pa rin ang quality ng mga footages. Hindi ko tinatantanan kapag hindi namin makuha ang desired result. Pati sina Francine ay hindi na nakakapagbiro sa akin dahil ramdam niya na ang kaseryosohan ko sa trabaho. Nagtutulungan rin sila sa finances para sa pag-alis namin at sa mga set sa Manila.


"Spill the tea na kasi," ani Aly. "Alam mo ba? Noong nakaraan, pumunta si Zibon dito. Umiiyak tapos lasing. Last week ata 'yon."


Natigilan ako at napakunot ng noo. Nakatingin lang ako sa kanya habang dina-digest ang sinabi niya.


He went here drunk and crying? Why?


And last week? Iyon rin 'yung panahon noong night out ng production team, ah. Could it be...

Written On A CanvasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon