Chapter 03

224 13 14
                                    

Chapter 03

"Mayroon ako 'nung mas malaki pero na-misplace ko, e," pagpapatuloy niya at napakamot sa kanyang batok.

I faced him with a monotonous expression.

"Yes, it did," simpleng sagot ko. Kinuha ko sa bag ko iyong payong niya at saka inilahad sa harap nito. "Thanks, by the way."

Tinitigan niya ito ng ilang segundo bago iniharang ang kamay niyang hindi nakahawak sa saklay. "Huwag mo lang munang ibalik. Baka gagamitin mo pa," anito at bahagyang itinulak pabalik ang payong sa akin.

I don't want to keep the umbrella any longer so I shook my head, refusing to give in. "I'm all good," and pushed my hand back towards him. But he was persistent.

"Diyan lang muna 'yan sayo. I really don't mind," he insisted.

Tinignan ko lang siya sa mukha dahil iniisip ko pa kung ano ang dapat kong isagot. I'm annoyed. But I don't want to sound rude because after all, it was thanks to him I didn't suffer from a heat stroke earlier.

And he's smiling. I don't know if he was enjoying the annoyed look painted on my face or he's really being genuine in letting me use his umbrella for the meantime. Baka ako pa mag-mukhang masama kung bigla nalang akong sumabog dito.

In the end, I stood with my decision. I just simply shook my head and placed the umbrella on his free hand. Matapos noon ay pinasalamatan ko ulit siya ng labas sa ilong at saka tumalikod na para umalis.

I don't want to deal with them anymore today.

Kinabukasan ay schedule ng pagkikita namin ng kagrupo ko sa Science kela Aly. Sa Lunes na kasi iyong presentation namin at gusto kong ulitin iyong powerpoint namin. Gusto ko din sanang sabihin sa kanila iyong mga iba pang gagawin namin para sa report nang sa ganoon ay hindi ko na uulitin sa mismong araw ng presentation.

"Thanks, Pa," sabi ko habang pababa ng motor. Nasa harap na kami ng gate nila Aly.

"Walang problema, Ice," wika naman nito. "Text ka kung magpapasundo ka na, ah?"

Tumango ako. "Opo. Ingat po kayo pauwi."

Hinintay ko muna si Papa na makalayo hanggang sa hindi na siya abot ng mata ko bago tumayo sa harap ng gate nila Aly. Nang mapansin kong bahagya na itong nakabukas ay diretso nalang akong pumasok.

It was just 8:27 in the morning pero ramdam ko na ang tirik ng araw. Alas nuebe kasi iyong usapan namin pero gusto kong maagang pumunta kaya advance ako ng kalahating oras.

"Aly?" pagtawag ko mula sa pinto ng bahay nila. Nakahubad na iyong tsinelas ko. Iniwan ko iyon bago tumapak sa mababa nilang porch.

Simple lang din iyong suot ko ngayong araw. Isang komportableng shorts lang tapos t-shirt na kulay blue. Nasa isang balikat ko lang ang bag ko at hawak ng isang kamay ko ang strap niyon. Magaan lang naman ito kasi kaunting gamit lang ang nasa loob. Laptop, charger, wallet, Science notebook, at i-ilang ballpen lamang.

Nakabukas lang iyong main door pero iyong screen door ang nakasara. Ayoko namang basta-bastang pumasok lang dahil hindi iyon etikal na pag-uugali. Okay lang sa gate nila kasi binilin naman ni Tito Xavier, ama ni Aly, na pwede akong pumasok anytime pero hindi ko naman gustong abusohin iyon. Kailangang masiguro ko munang may magpapa-pasok sa akin sa bahay nila.

Mahigit tatlong minuto akong nakatayo nang may nagsalita galing sa loob.

"Ikaw pala 'yan, Ice. Akala ko kung sino."

My brows furrowed. Si Zibon.

He emerged on the covers of the screen door.

Huminga ako bago nagsalita. "Si Aly?"

Written On A CanvasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon