Chapter 17
"Did you do this on your own?"
I nodded at Kuya Indigo when he asked about the salad I made. We were on our way out of the house, bringing with us the foods and our own things for the family outing. It was a Saturday and the team decided to not film and make the weekend for ourselves. Sakto at nakapag desisyon ring mag-outing sila Ate Lottie kaya okupado 'yong Sabado ko.
"Madali lang naman," I said, looking at the pyrex he's holding. Siya ang nagdala ng mga babasaging lalagyan ng pagkain dahil mas may lakas naman siya kumpara sa akin. Ako ang nag-bitbit ng nilagyan ng kanin, mga tinapay na hindi ko alam kung ba't pinapadala ni Papa, at iba pang mga pagkain na kaya ko lang.
Nasa labas na sila Mama, Ate Lottie, at Papa. Inaayos nila 'ang mga gamit sa nirentahang multicab. Kami lang lima dahil nag-decline sila Tita Ad nang inimbitahan namin. May lakad din daw sila mag-asawa. I also tried texting Aly to come with us but she also refused. May pupuntahan rin daw.
"Iyan na ba lahat, Ice anak?" tanong ni Mama nang tinanggap niya ang mga dala ko para siya na ang mag-ayos sa loob.
"Opo."
Mabilis kong kinuha 'yong phone ko nang maramdaman kong nag-vibrate iyon. Tinignan ko agad kung sino 'yong nag-text at ano 'yong tinext.
From: Zibon
Nakaalis na kayo?
Lumayo ako ng kaunti sa multi-cab at nag-tipa ng reply. Ewan ko ba kung bakit naco-conscious ako makipag-text o makipag-usap kay Zibon basta may mga tao sa paligid. Naroon 'yong constant anxiety na baka biglang may sumulpot sa likod ko at tignan 'yong phone ko.
To: Zibon
Not yet
It has been three days since I felt that abnormal heart activity. Buti nalang talaga at nakakapag-focus pa akong mag-bigay ng instructions kahit kumakabog 'yong dibdib ko. Hindi ko alam kung ba't bigla nalang akong nakararamdam ng kaba kapag lumalapit si Zibon sa akin matapos 'nong insidenteng 'yon. Although he was back to his own self, I wasn't--at least around him.
Is it okay? I don't know. This will probably be gone anyway. This won't last long whatever this is.
"Nak, nandito na ba mga gamit mo?" Malakas ang boses ni Mama habang nakadungaw ang kalahati ng katawan sa labas ng multi-cab. Itinago ko 'yong cellphone ko sa bulsa ko at nag-lakad papalapit sa sasakyan. Sa bintana ko tiningnan kung dinala ba ni Ate Lottie 'yong bag ko.
"Opo, ayon po," turo ko sa bag.
"Sige. Pumasok ka na. Chinecheck lang ni Papa mo 'yong bahay kung may naiwan pa ba. Aalis na tayo pag-balik 'non."
"Okay po," at sumakay na sa multi-cab. I saw Ate Lottie and Kuya Indigo talking outside and they were laughing. Siguro hinihintay lang nila na umalis bago sumakay. Wala pa din naman si Papa.
BINABASA MO ANG
Written On A Canvas
General FictionThe aspiration to become a filmmaker began for Isaiah Lavidar when his parents took him on a film-set tour for his eighth birthday. The moment he saw the camera crew, production staff, lighting and sound technicians, and most importantly, the direct...