Chapter 35

183 10 21
                                    

Chapter 35


"Alam kong dadating lang din 'yong para sayo," sabi ko sa kanya. Bago ko nilihis ang tingin ko ay nakita ko siyang tumango lang at ngumiti.


Hindi na rin kami nag-usap tungkol sa love life kasi parang kontento namana na siya sa naging sagot ko sa tanong niya kanina. Hindi rin siya nagtanong ng history namin ni Ogie. Mas mabuti naman 'yon.


Nag-kwento nalang siya tungkol sa mga naging work experiences niya sa ibang bansa. May instances na talagang lilipad pa siya sa ibang state para sa isang commission. Marami kasing nagre-request ng live painting sa kanila kasi magagaling talaga sila gumawa ng sining.


"How does it feel na nakamit mo na pangarap mo?" tanong niya nang matapos siya sa pagkwe-kwento. Nasa kanya naman ngayon si Isla at naglalaro pa rin sa tubig, walang pakialam sa iba.


Humugot naman ako ng malalim na hininga at napatingin sa linya kung saan nagtatagpo ang langit at dagat. Ano nga ba ang pakiramdam na nakamit ko na ang pangarap ko?


"Masaya. Kaso may kulang," maikli kong sagot.


Naramdaman ko ang pag-iba ng ekspresyon niya dahil bigla itong tumahimik. Gumawi ako sa kanya at may awa nang nakaguhit sa mukha nito. Kumunot naman ang noo ko sa ekspresyon niya.


"Mahal ko ang ginagawa ko. At mamahalin ko pa," dagdag ko naman.


Napatango nalang ito. "Ang galing mo."


"What do you mean?"


"Ang galing mo sa trabaho, sa buhay. At kung hindi ka naniniwala doon, tingnan mo ang sarili mo sa salamin. Nagsusumigaw ka ng lakas at kagalingan," wika niya.


Tinapos ko ang pag-uusap namin sa pamamagitan ng pagpapasalamat sa kanya.


Tinuon nalang namin ang atensyon kay Isla. Matapos namin sa dagat ay pinilit namin ang bata na pumunta sa falls. Dahil magaling mangumbinsi ang kanyang Uncle, nadala rin namin siya.


"Mommy! Mommy!" sigaw ni Isla kahit hindi siya naririnig dahil sa lakas ng ulos ng tubig. Bumaling lang ang mga mata nila sa amin at agad na nagliwanag ang mukha nila ng makita ang bata. Sa nakangiting Jaime ay napalitan ito ng duda nang makita kaming magkatabi ni Zibon.


Lumapit naman ako sa kanya dahil maganda ang pwesto niya. Naglakad rin papunta sa pinsan niya si Zibon.


"Enjoying your break?" I asked in a loud voice. Jaime only nodded.


Hindi na kami nag-usap matapos 'non. We spent the whole day swimming. Palipat-lipat kami sa dagat at sa falls. Kapag masyado nang malamig sa falls, babalik kami sa dagat para less lamig. Kapag naman nagsisimula nang manuot sa balat ang init, magba-babad ulit kami sa falls. If we feel hungry, kakain lang saglit tapos balik ulit sa pag-ligo.


Bandang alas singko nang matapos kaming magligpit at magbihis.


Written On A CanvasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon