Chapter 14

152 9 0
                                    

Chapter 14

"One, two, three... go!"

Papa let go of his hold of me as I slowly drove the motor.

It's summer in May and my father is teaching me how to drive his motor. It was the one with a clutch. It got me confused at first because of the hand coordinations with the clutch and all. But as the days went by, I started getting the hang of it.

Nasa school kami ngayon dahil open field dito at pwedeng-pwede pag-praktisan ng pagmomotorsiklo. I just drove slowly while keeping the motor on the track. Napapalakpak naman si Papa nang makarating ulit ako sa kaniya.

"Sabi ko sayo madali lang, e!" aniya at lumapit sa akin.

Ini-stand ko ang motor at tinignan si Papa. "Naghihirap pa rin po ako pero mas iigihan ko pa po," sambit ko dito at bumaba ng motor. Bandang alas 4 na ng hapon kaya sunset na. Mabuti nalang at nasa ilalim kami ng puno ng acacia.

"Nagtataka pa rin ako kung ba't nagpa-gupit ka, anak. Ayaw mo ba ng mahabang buhok? Maganda naman ang pagkakakulot mo, ah," puno nito sa buhok kong maikli na. Naka-fade ang lang ang sides habang ilang inches nalang ang haba ng nasa gitna.

"Mainit, Pa," sagot ko dito. "Tsaka mas magaan 'yong ulo ko ngayong wala na akong pugad ng ibon dito." I chuckled as I ran my hands through my hair and felt light with it. It's just been a week since I cut my hair but I'm liking it already.

"Sabagay," patango-tangong sabi ni Papa.

Manang-mana ako kay Papa physically. Mula sa buhok hanggang sa paa, sa kaniya ko mostly nakuha ang mga features ko. Kung mas mataba lang ako ng kaunti ay masasabing carbon copy na ako ng papa ko. Halos magkasing-tangkad na rin kasi kami.

Kung may pupunain man 'yong mga tao tungkol sa amin ni Papa, iyon ay ang pilik-mata namin. Maganda raw ito at natural lang. Iyong iba, kailangan pa ng falsies pero kami, hindi na. It's flattering, I'd say.

"Isang libot pa bago tayo umuwi?" aya ni Papa at agad naman akong tumango rito.

I immediately hopped on the motor and carefully started its engine as I applied what Papa taught me about driving clutched motorcycles.

Alas 5:06 ng hapon ng makarating kami sa bahay. Amoy kaagad namin ang niluluto ni Mama habang pumapasok kami. She was cooking paksiw.

Dinaluhan siya ni Papa para yakapin sa likod at punahin ang masarap na amoy ng niluluto nito. Napangiti nalang ako nang masaksihan iyon bago dumiretso sa kwarto ko para tapusin na ang nobelang sinusulat. I'm already on the very last part and boy, it's so satisfying to finally be able to finish writing a book!

Nasa kalagitnaan ako ng pagsusulat nang mag-vibrate ang cellphone ko. It was a text from someone and when I checked it, it was from Zibon.

From: Zibon

Can I?

Nakangising napailing nalang ako sa nabasa. He doesn't even have to finish his sentence. Alam ko na ang gusto nitong gawin. Kaya naman nag-tipa kaagad ako ng reply.

To: Zibon

Fine

Wala pang isang minuto ay nasa screen ko na ang pangalan ni Zibon at tumatawag na. Sinagot ko ito habang nakatuon ang atensyon sa laptop, sinusubukang mag-multitask.

"So, how's the motor session with Tito Santi today?"

I omit a word in a sentence I wrote before speaking. "It went well, actually. Hindi na ako nara-rattle kapag umaandar na."

Written On A CanvasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon