Chapter 02
"One topic per four or five students," ani Ma'am Alohado, Science teacher namin. She was discussing our performance task, which is a group report. "Now, group yourselves. Kayo na bahala kung sila sino ang members ninyo."
It's been two weeks since school started and the classes are bearable. Some teachers are too demanding, while some are too considerate.
Agad na nag sitayuan ang mga kaklase ko sa section Avocado. May mga nabuong grupo agad, may ilang naghahanap, at may ilang walang pakialam. As usual, iyong katabi ko ay panay recruit sa kung sinong gustong sumali sa amin.
Sino pa nga ba? Edi si Alyanna Celestine Velasquez.
"Sino pa walang grupo diyan? Dito na kayo! Dalawa palang kami!" wika nito na animo'y nagtatawag ng pasaheros sa terminal. Nanatili lang akong nakaupo, pinababayaan iyong kaibigan kong magmukhang tindera sa merkado.
I looked at my watch and it was already 10:07 AM. 23 minutes nalang ay tapos na ang period ng guro namin. Pagkatapos niyon ay recess na naman tapos one last class bago ang lunch break. Why does time seems to run slow these days?
"Oy, may grupo ka na? Dito ka na!" agresibong sigaw ni Alyanna kaya napailing at napaatras 'yong kaklase namin. Kitang-kita naman sa pagmumukha ni Aly ang taka kung bakit ganoon iyong reaction 'non.
"Pwede mo naman kasing tanungin ng maayos, Aly," kalmado kong sabi. Maayos lang akong nakaupo habang nakataas ang tingin sa kaniya. Nakapatong ang isang paa ni Aly sa upuan nito at tila nagmumukhang lider ng KKK.
"Walang lumalapit kasi!" sagot nito sabay kamot sa batok.
"Eh sumisigaw ka. Sino may gustong lumapit sayo? Baliw ka ba?" I shot at her and faced in front. Sa blackboard nalang ako titingin. Nakakastress 'yong pagmumukha ni Aly.
Walang binigay na time limit si Ma'am Alohado kaya napagtanto kong ito na 'yong last portion ng klase namin. Uubusin nalang siguro sa paggru-grupo ang oras.
"May grupo ka na?" tanong ni Aly sa isang kaklase namin.
Yes, we did introduce ourselves back in the first day but I didn't quite catch everyone's name. Kaya hindi ko rin halos kilala lahat ng kaklase namin kasi hindi rin naman kami nag-uusap palagi. Or hindi lang nila ako kinakausap. Or hindi ko sila gusto makausap.
"Walang tumatanggap sa akin, e. Pwede pa ba sa inyo?" marahang tanong ng lalaking nakasalamin. Base sa kapal ng lense nito, sirang-sira na siguro ang mata nito. Ano ba pinaggagawa niya at ganyan kalaki ang grado ng mata niya?
Babad ako sa laptop dati pero hindi naman umabot sa puntong nasira iyong mata ko. Maingat rin kasi ako, e. I set a schedule at sinusundan ko iyon. Kaya hindi matagal iyong screen time ko.
His face is reddish because of overwhelming acne. Makapal ang buhok nito na umaabot na sa tenga niya. May bangs na rin ito dahil sa haba ng buhok. Nakatayo lang siya sa tapat ni Aly na parang pato na nawalan ng ina.
"Pwedeng-pwede! Sakto at naghahanap kami ng kagrupo ni Ice!"
I side-eyed. Ikaw lang.
"A-ah, okay. Kung ganoon, ay salamat," mahinhin nitong sabi. Hindi ko siya napapansin sa klase. Siguro kung wala itong grouping na ito, hindi ako mai-inform na kaklase ko pala siya.
"Umupo ka nalang muna sa upuan ko at maghahanap nalang ako ng panghuling miyembro natin," sabi ni Alyanna bago umalis para maglakad-lakad sa classroom.
Hindi ko alam kung may bumunggo ba dito sa lalaking nakasalamin, na-out balance siya, o sadyang lampa lang talaga dahil muntik na siyang matumba at natapakan niya iyong sapatos ko.
BINABASA MO ANG
Written On A Canvas
General FictionThe aspiration to become a filmmaker began for Isaiah Lavidar when his parents took him on a film-set tour for his eighth birthday. The moment he saw the camera crew, production staff, lighting and sound technicians, and most importantly, the direct...