Chapter 13
"Someone woke up so early..." antok na pagkakasabi ni Ate Lorry nang magising ito at makita akong tinatali ang buhok ko sa salamin.
Katatapos ko lang maligo at mag-damit. Kinailangan ko pang gumising ng maaga para sana by 6 AM, nandoon na ako sa hotel na pinagtutuloyan nila Zibon. It's just 5:43 AM and I still have time. Plus, malapit lang naman 'yong lalakarin ko. Aly knows already kaya she was also expecting me to arrive there early. Sa kanila na ako kakain ng breakfast.
"Saan ka pupunta, Icy?" muling wika ni Ate Lorry na ngayon ay nakaupo na at kinukusot-kusot ang mata. She has classes kaya kailangan niya ring magising ng maaga.
"Aly's," sabi ko lang.
"Ang aga niyo naman mag-hang out," puna nito.
Nang maayos na ang tali ay humarap ako sa ate ko at inayos ang t-shirt na suot. "Sasama ako sa kanila sa psychologist."
Ngumisi naman ito. "Bakit? Papa-consult ka rin?"
"Ha-ha. Funny early in the morning," sarkastiko kong anas ko dito at kinuha na ang white shoes ko. I sat on the bed so I could wear it. Inuna ko pang suotin ang magkabilang medyas bago ang mismong sapatos. I find it so weird when people wear their right or left sock before the shoe and do the same on the other foot. I need a healthy conversation about that.
Hindi na nagsalita ang ate ko. My sister just chuckled and got up so she could get ready, too.
My relationship with Ate Lorraine is the typical cat and dog type. Iyon nga lang ay mas toned down ang pang-aasar niya dahil masyadong malaki ang agwat ng edad namin. May mga asar na sa tingin niya hindi pa kaya i-handle ng edad ko. She'd sometimes tease me about my overarching habit of organizing but I don't really fight with her about it.
Matapos ay sinuot ko lang 'yong beltbag na nakapuslit lang sa backpack ko dahil alam kong magagamit ko iyon. Nasa loob ang wallet, charger, alchohol, at ilang mga stuff na kasya sa maliit na bag.
As soon as I was done, lumabas na ako ng kwarto at bumaba na. Nadatnan ko si Mama na nagluluto. She smiled when she saw me getting down.
"Ngayon ka na pupunta?" tanong niya habang ibinalik ang tingin sa niluluto.
"Opo," ani ko nang makababa na. "Si Papa po?"
"Ayon, tulog pa..." She then flipped the fish she was frying before she continued speaking. "Sasabihan ko nalang na umalis ka na. Itext mo nalang rin, Ice anak."
Nagpaalam na ako sa kanila kagabi na sasama ako kela Aly ngayong araw. Siyempre, pinayagan rin naman nila ako agad. Kasama naman sila Tita Ad kaya kampante ang mga magulang ko. They've always trusted them with my welfare. Kaya nga nakakapunta lang ako sa kanila anytime because I know I will be taken care of.
"Okay po," at nagpaalam na para lumabas ng apartment.
BINABASA MO ANG
Written On A Canvas
General FictionThe aspiration to become a filmmaker began for Isaiah Lavidar when his parents took him on a film-set tour for his eighth birthday. The moment he saw the camera crew, production staff, lighting and sound technicians, and most importantly, the direct...