Chapter 16
"You guys! Hurry up! 4 months isn't that long enough to slack off!"
We were in Enage house, a heritage site in Biliran, that we scouted to be one of our locations. Ate Trisha was calling the crew, who were actually just entering the gate, to come fast. Dala-dala nila ang mga film-making equipment. We're also gonna be using my own equipment. Iyong mga camera ko at ang isang tripod.
Habang papasok palang iyong mga crew, nasa sala naman ako ngayon kasama ang housekeeper at ang mga cast.
"Tawagin niyo lang ako kung may kailangan kayo, ha?" ani Manang Elma. She was in her late 50s. I heard she lives near here. Siya na 'yong naging tagapag-alaga ng ancestral house na 'to magmula 'nong namatay ang huling housekeeper. Magda-dalawang dekada na rin siyang nangangalaga dito.
Tumango ako kay Manang Elma. "Opo. Wag po kayong mag-alala."
Hindi ako masyadong nakikipag-usap sa mga tao. I was never the sociable type. Pero dahil nagde-demand iyong position ko, gagawin ko. I have to give more than one hundred percent in this.
Because for the first time, I wanted to win.
"Marami na ring mga estudyante ang pumunta rito para mag-video video pero kayo lang ang pinakamaraming dala sa lahat," aniya na nakatingin sa mga pumapasok na mga crew.
Nagta-tawanan sila habang buhat-buhat 'yong mga bag. May dala rin silang bluetooth na mic tapos ikakabit nalang sa isang mahabang stick para gawing boom mic na ginagamit ng mga professional film-makers. Amateur palang naman kami kaya low budget lang muna.
"Gagawa po kasi kami ng maikling pelikula. Kailangan po namin ang mga 'yan," patuloy kong pakikipag-usap. Nasa tabi ako ni Manang Elma habang nakatingin rin sa mga pumapasok na crew. Sila Zibon at ang ibang cast ay nasa sala lang at nakaupo, nag-uusap usap. Natuon ang mata ko kay Zibon na masayang nakikipag-usap sa ibang cast.
Lumingon si Zibon sa akin at nahuli niya akong nakatingin sa kaniya. He raised both of his eyebrows to ask if I need something but I just shook my head and faced Manang Elma instead.
"Salamat po ulit," sabi ko dito.
"Walang problema, hijo," ngiti nito. "Dalawang buwan kayo rito?"
"Iyon po 'yong goal namin." I forced a smile at her. "Pero titingnan lang po. Baka sumobra. Kaya sobrang salamat po talaga. Malaking bagay na po sa amin ito--ang payagan kami rito."
Tinapik lamang ako ni Manang Elma sa balikat bago nagpa-alam na umalis at may lilinisin pa raw siya sa likod ng bahay. Naglakad naman ako papuntang sa kung saan nagtipon-tipon ang lahat. Inaayos na nila Ate Trisha 'yong mga tripod para pag-lagyan ng mga camera at 'yong sinabi kong mic kanina.
Tumayo ako sa harap sa tabi ni Zibon at kinamusta ang mga cast. "Are you guys good?"
BINABASA MO ANG
Written On A Canvas
General FictionThe aspiration to become a filmmaker began for Isaiah Lavidar when his parents took him on a film-set tour for his eighth birthday. The moment he saw the camera crew, production staff, lighting and sound technicians, and most importantly, the direct...