Chapter 18
"Someone?" Nawala na ang pag-aalala kay Aly. Sa halip ay napatawa ito, hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Like, a real person?" paninigurado niya.
Napaiwas ako ng tingin. "Of course. I'm just... not sure yet," sabi ko. Dumaong ang tingin ko sa papalabas na Zibon at Sheina, nagtatawanan pa rin. Mabigat akong huminga at ibinalik ang tingin ko sa mga kaibigan.
"Sino?" tanong kaagad ni Jaime.
I shook my head as I spoke. "Hindi ko muna sasabihin kung sino unless sigurado na ako. I'm still gonna do my own research."
Payak na tumawa si Angelica. "Isaiah, liking someone doesn't require research. When you feel it, you feel it..." aniya na para bang gamay na gamay niya na ang aspetong ito.
Nag-simula na kaming maglakad papunta sa isang stall sa canteen para bumili pero hindi nag-iba 'yong pinag-uusapan namin.
Muli, nagsalita si Aly. "Kaya ba nag-tanong ka sa amin dati?"
I handed my payment to the vendor before looking at her, nodding.
"Baka confused ka lang?" ani Jaime sa tabi ko, natanggap na ang binili. Sa kaniya naman bumaling ang tingin ko at napaisip ako roon. Baka nga... confused lang ako? Not because he's a guy. I have no problem whether it's a boy or a girl. It's just... New things don't necessarily mean something sure.
Hindi ako sumagot dahil sumabat ng tanong si Angelica.
"Is this your first time liking someone? Having a crush on someone?"
I couldn't answer as well because I wasn't sure, either. Do I like him? But why am I still in doubt? Hindi naman pwedeng dahil coinciding 'yong mga signs na sinabi nila, ibig sabihin ganoon na rin 'yong sa akin. I still believe them when they said depende lang sa tao kung paano siya magka-gusto sa kapwa.
"Alam niyo ba, ito ang unang beses na nag-sabi 'yan ng ganyan," ani Alyanna. "Laging libro at movies bukambibig niyan dati. Tapos ngayon, may pa 'I think I like someone' na siya!" Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at inalog. "Oh my God, Icicle! Binata ka na!"
"Stop it," giit ko habang tinatanggal ang kamay ni Alyanna. Nang tagumpay kong nagawa iyon, I drew a deep breathe. "I'm not sure yet, okay? I just think I'd tell you about it because you're my... friends. But we're not certain about anything."
"Okay lang na di muna sabihin ni Isaiah kung sino 'yung crush niya kasi 'di pa naman siya sure pero itong si Jaime? Ilang buwan na!" says Angelica while throwing Jaime a teasing look.
Jaime displayed a 'why me?' expression as he pointed to himself. "Ba't sa akin napunta ang usapan?"
"Hindi mo pa rin sinasabi sa amin kung sino 'yung crush mo." Mahinang tinulak ni Angelica si Jaime. Ginawaran naman siya ng masamang tingin ng lalaki. "Sinasabi naman namin sa inyo 'yung amin, ah!"

BINABASA MO ANG
Written On A Canvas
General FictionThe aspiration to become a filmmaker began for Isaiah Lavidar when his parents took him on a film-set tour for his eighth birthday. The moment he saw the camera crew, production staff, lighting and sound technicians, and most importantly, the direct...