Chapter 26
Para akong pinatay.
Hindi ko na marinig ang sarili kong iyak dahil parang nabibingi ako. Wala akong marinig. Alam kong may mga sinasabi si Zibon sa akin pero hindi ko alam kung ano ang mga iyon. Hinahagod niya ako pero pati iyon ay halos hindi ko na maramdaman. Tanging nasa isip ko lang ay kung bakit ganito ang kinahantungan ng gabing ito.
Paano... paano naging ganito ang gabi ko?
Maayos pa naman kami kanina, ah... Masaya pa naman sila para sa akin kanina... Tapos... Ganito? Ang unfair naman...
"Ice!"
Sa lakas ng pagkakasigaw 'non ay napalingon ako sa direksyon na iyon. Kinailangan ko pang bumitaw kay Zibon at pahiran ang mga luhang kanina pa bumubuhos. Nang maayos na ang paningin ko ay nakita ko ang tumatakbong Alyanna kasama sina Jaime at Angelica. Suot pa rin nila ang kasuotan kanina pero pati sila ay parang walang pakialam kung masira o marumihan.
Agad akong niyakap ng mahigpit ni Alyanna. I heard her cry seconds later. That made me cry even more.
"Nandito ako..." bulong niya sa akin sa gitna ng pag-iyak. "Nandito kami..."
Niyakap ko rin siya ng mahigpit. Ganoon rin ang ginawa nila Jaime at Angelica sa akin. Pero kahit pa ilang tao ang yayakap sa akin, hindi pa rin iyon mapapawi ang sakit sa puso ko. Masyadong malalim. Masyadong malala.
"Papunta na sila Mommy..." sambit ulit ni Alyanna. Hindi lang ako sumagot.
Gusto ko lang ibaon ang sarili ko sa mga yakap nila kasi kung hindi sila dumating, baka tinakbo ko na ang apoy para mag-sama nalang kami ng magulang ko.
Hindi nagsasalita si Jaime. Narinig kong humihikbi si Angelica habang nakayakap rin sa akin.
"Zibon!" May narinig kaming yapak ng takbo papunta sa amin. "Nasaan si Ice?"
Bumitaw ang mga kaibigan ko sa pagkakayakap sa akin at nakita kong nanunubig ang mga mata ni Tita Adrianna nang makita ako. Agad niya akong binalot sa yakap niya. Lumakas ulit ang pag-iyak ko.
Ang sakit. Sobra.
Nakaramdam ako ng hagod sa likod mula sa ibang kamay at nakita kong si Tito Xavier iyon. Pinipigilan niya ang mga luhang tumulo habang nakadungaw sa mga nasusunog na bahay.
Binitawan ako ni Tita Ad at muli naman akong niyakap ni Alyanna. Nag-lakad sina Tito Xavier papunta sa mga bombero at may sinabi bago sila pinalagpas sa caution tape at naglakad papunta kela Mama. I saw how she covered her mouth as she kneeled on the floor. Lumuhod si Tito Xavier at hinagod ang likod ng asawa habang humahagulhol ito.
It was a painful sight.
Unti-unti nang humina ang apoy ng natitirang mga nasusunog na bahay. Patuloy pa rin sa pag-apula ang mga bombero para mapadali ang trabaho. Hindi ko na makilala ang bahay namin nang makita itong halos wala ng apoy. Humigpit ang yakap ko kay Alyanna dahil kumikirot na naman ang puso ko nang mapagtantong wala na ang kaisa-isang lugar kung saan ako naging pinakamasaya. Wala na.
BINABASA MO ANG
Written On A Canvas
General FictionThe aspiration to become a filmmaker began for Isaiah Lavidar when his parents took him on a film-set tour for his eighth birthday. The moment he saw the camera crew, production staff, lighting and sound technicians, and most importantly, the direct...