"Can I have a word with you, son?"
Agad na narinig ni Tristan na bigkas ng kanyang ama pagkapasok na pagkapasok niya ng kanilang tahanan. He was silently waiting for him in their living room. Pasado alas diyes na at hindi niya inaasahang gising pa ito ng ganitong oras dahil madalas ay maaga itong natutulog.
"Dad." Tipid niyang sagot. Lumapit siya sa ama, kinintalan ito ng halik sa pisngi at umupo sa katapat na upuan.
"Where have you been?" Tanong nito.
"Sa birthday ni Rio, yung anak ni Yumi. My godson, remember?"
Tumango-tango ito.
"Ano po bang gusto niyo pag-usapan at hinintay niyo pa po ako ng ganitong oras?"
"Nagkita kami ng tito Juancho mo." Ang tinutukoy nito ay ang ama ni Julio. "We had some catching up, and he mentioned that you have asked for Julio's services."
Hindi siya umimik. How could he utter a word when he was looking at him intently. Pakiwari niya ay binabasa nitong maigi ang laman ng kanyang isipan.
"He mentioned the name Russel Sandoval." Patuloy nito. Nanatili siyang tikom ang mga labi. Ilang sandali na namagitan ang katahimikan sa kanilang dalawa.
Alam niyang nais ng kanyang ama ng paliwanag. His father knew him very well. He seldom do things out of business, at mas lalong hindi siya ang tipo ng tao na sumasawsaw sa usapin ng iba. Hindi naman sa ayaw niyang magpaliwanag sa kanyang ama, sadyang alam niya lang na walang lohikal na paliwanag ang kaniyang ikinikilos.
Nang marahil ay mapansin ng kanyang ama na wala siyang balak na magsalita, pinutol na nito ang katahimikan.
"Alam mong gusto ko si Yumi para sa'yo, but things have changed already, may asawa na siya. Alam kong mahal mo pa rin siya, it was pretty obvious when you cried your heart out on their wedding day."
"Dad." Reklamo niya dito. Hindi niya naman ikinakaila na iniyikan niya ng husto ang kasal ni Yumi, pero dahil lalaki siya, it hurts his ego when someone is brushing it off to him.
His dad chuckled but his face became serious when he continued talking.
"You are my son, and there are things that we have in common. Kaya alam ko eksakto kung anong tumatakbo sa isip mo. Hindi masama ang magmahal, but please, do not overstep your boundaries. Believe me, I have tried it myself before and look what happened to me and your mom..."
Lumamlam ang mga mata nito pagkasabi ng salitang "mom".
"I did everything I could to make her happy, but in the end she chose to follow her heart's desire. Mahal kita, and I don't want you to end like me."
Tumayo ito, lumapit sa kanya at humawak sa isa niyang balikat at bahagya iyong pinisil. Hindi niya magawang tignan ang ama sa mga mata kaya yumuko na lamang siya.
"You are wise, Tristan. Kaya alam kong hindi ka magpapadalos-dalos ng desisyon." He tapped his shoulder twice as if consoling him, then he turned around and started to walk towards the staircase.
"Goodnight, son."
Nang makaakyat ang kanyang ama patungo sa silid nito, saka lamang siya naglakas loob na kumilos at pumanhik. Hindi man niya nais, ngunit may tila kung anong buton sa loob niya ang nabuksan sa mga sinabi ng kanyang ama.
His father loved his mother so much, ngunit may mahal na iba ang kanyang ina. Sa buong pagsasama ng kanyang mga magulang, nakita niya kung paanong sarado ang puso ng kanyang ina sa lahat ng sakripisyo, pag-aaruga, pag-unawa, at pagmamahal ng kanyang ama. Sa bandang huli ay naghiwalay ang mga ito, it was only later in his college days he found out the reason why his mother was indifferent towards his father.
Tama ang kanyang ama, may mga bagay na magkatulad sila, gaya na lamang sa aspeto ng pag-ibig. He would do anything for the person he loves, kahit pa nga ang ibig sabihin niyon ay ang masaktan siya. kung para sa ikaliligaya naman ng taong mahal niya, handa siyang wag ng magtira para sa kanyang sarili. Pero sa huli, ano nga ba ang lugar niya sa buhay ni Yumi? What is he expecting in return? Ni isang saglit man lamang ay hindi niya naisip na maaring lumalagpas na siya sa kanyang hangganan. Para sa kanya, nararapat lang na gawin niya ang mga bagay na ginagawa niya dahil kaibigan siya ni Yumi. At hindi lang basta kaibigan kundi dahil mahal niya din ito.
#########
Sa kabila ng mga sinabi ng ama ni Tristan nang nagdaang gabi, tumuloy pa rin siya upang makipagkita kay Julio. Hindi sa walang naging epekto iyon sa kanya. The truth is, it made him concious about his actions and intentions. Dangan lamang na may mga bagay na hindi niya basta maiisusuko dahil lamang sa sinabi ng kanyang ama. Deep inside him, he wants to prepare for the inevitable. Hindi siya papayag na sa huli si Yumi ang maiiwang talunan sa lahat ng ito.
Bago umalis ng bahay ay nagpadala siya ng mensahe ka Yumi na mahuhuli siya ng pagdating sa opisina.
Nang makarating siya sa lugar na pinag-usapan nila ni Julio ay wala pa ang huli. Hindi naman nagtagal at dumating din ito.
Pagka-upong pagkaupo nito ay iniabot nito ang isang brown envelope.
"Nandiyan na ang complete report ng background check ko kay Russell at Ellaine, as well as the documents and pictures you have asked me to get."
Dinamanpot niya ang envelope at sinilip isa-isa ang laman niyon.
"I need more photos. Yung mas explicit kesa dito. Yung tipong hindi sila makakapalag kapag nilatag mo sa korte." Aniya nang makita ang mga larawan.
"Are you going to blackmail the man...... Or convince her to leave him."
"Niether of the two." Sagot niya.
"Then what are these for?"
"Just preparing for the future. If someday she wishes to get out of this hell she's in, I'll make sure to make a clear win for her and tie all the lose ends."
********
A/N
Super sorry for the super duper tagal na update. I just don't know where and how to continue the story. I know where it's going just don't know how to connect the dots... Actually after re-reading ang dami kong na-miss na details, but anyway I'll fix it some other time. Mag-focus muna ako na ituloy ang story. Here are some crumbs for you... Thank you for all of your patience...
BINABASA MO ANG
My Love
RomanceMayumi's story with Russel was almost like a fairy tale. He was her first love. After so many years, they finally found their happy ending in each other's arms, or so she thought. Years later in their marriage, Mayumi found out that fairy tales does...