A/N:
We are now going back sa scene from prologue. Baka kasi maguluhan kayo bakit parang umulit. We are also now half of the story itself .... Abangan niyo ang mga susunod na chapter dahil gagalawin na ni Tristan ang baso. Chariz! Happy reading!Lovelots
Orange Marmalade########
Malakas ang buhos ng ulan sa labas ng tahanan ng pamilya Kho. Sa loob ng bahay ay magkatapat na nakaupo sa may lamesa silang mag-asawa. Tahimik na minamasdan ni Yumi si Russel habang kumakain ng hapunan ang huli. Ginabi nanaman ito ng uwi gaya ng dati.
Tila hindi naman alintana ng kanyang asawa na hindi siya kumakain. Ni hindi nga siya nito kinamusta man lang pagdating. He had been this cold for so long.
Five years. Five years na silang kasal at akala niya ay walang titibag sa pagsasama nila, pero nagkamali siya. He had been fooling her for almost two years now. Pero di niya magawang komprontahin ang kanyang asawa. She's scared. She's scared that all of those hard work she gave to keep her family will be wasted in a matter of minutes. Or worst, seconds. But was it still worth it?
She was looking at him in a dangerous manner. Unbelievable! How can he act as if he's not doing anything?! Ang galing niyang magkunwari! Akala niya, sa paglipas ng panahon ay namanhid na siya. She did at some point, pero sa ngayon ay nakakaramdam na siya ng pagod. At habang tinitignan ang kanyang asawa ay nag-ngingitngit ang kanyang kalooban.
"Hindi ka ba kakain?" Tanong nito nang bahagya itong sumilip sa gawi niya.
Gusto niyang mapapalatak. Malapit na itong matapos kumain pero doon lang nito napansin na hindi niya ginagalaw ang pagkain sa plato niya. How unthoughtful of him.
"Hindi ako gutom." Tipid niyang sagot.
Napataas ang kilay ng kanyang asawa. Why not, her voice was low than usual. But she is not the type to nag, kaya mananahimik siya. Sa ngayon. For how long? Yan ang hindi niya alam.
"Kung hindi ka pala kakain, sana hindi ka na nagsandok ng para sa'yo. Sayang yung pagkain."
Ha! Mas concern pa ito sa gastos kaysa sa kalusugan niya. Hindi siya makapaniwala. But she remained her facial expression calm. Hindi siya pwedeng maging makasarili. Meron siyang anak na kailangan niyang isipin.
Speaking of their son, Rio is already four years old. But he is still young para maipit sa mga magulang na nasa bingit ng paghihiwalay. Walang kamalay-malay ang anak niyang mahimbing na natutulog sa kwarto na ang ama nito ay nagtatampisaw sa kandungan ng ibang babae.
Kung hindi lang sa anak niya, at kung hindi niya lang mahal ang kanyang asawa, the moment she found out that he had an affair with another woman, ay iniwan niya na ito.
Unfortunately, she's a fighter. Hangga't may nakikita siyang pag-asa para ilaban ang relasyon nilang mag-asawa ay ilalaban niya iyon.
"Kainin mo na lang din. For sure gutom na gutom ka dahil naipit ka sa traffic."
She gulped hard. May kung anong bikig sa kanyang lalamunan kaya nahirapan siyang lumunok pagkatapos sabihin ang mga katagang iyon.
Who was she fooling? He wasn't late dahil natraffic ito. He was late because he enjoyed being with his woman that he forgot the time.
She should have known dahil tumawag siya sa opisina nito kanina to check on him dahil nga malakas ang buhos ng ulan, and she was worried na baka ma-stranded ito. But to her surprise, nag undertime ang hitad!
Dati-rati ay weekends lang nagkikita ang dalawa. Pero nitong mga nakaraang buwan ay madalas na itong unuwi ng late. Maliban pa dun ang minsang pagliban nito sa trabaho upang makipagkita kay Ellaine. He thought he hid it well but lo and behold, his boss come calling her phone to ask his whereabouts.
Natapos ang hapunan, pareho silang naghanda sa pagtulog. She wore her sexiest lingerie to somehow entice him. Pero dahil nga napagod na ito, he didn't give a damn.
He just walked in their room and didn't pay her any attention and went to bed. And to top it all out, tinalikuran siya nito!
She tried to control her tears and the rage that was starting to form inside her. This is not the kind of marriage she dreamt of. This was not the kind of marriage he promised her.
She could only let her tears fall as she wonders how everything had come to this.
Kasabay ng tahimik niyang pagluha ay ang tahimik niya ding pag-usal ng panalangin.
"God, just make this stop. Please, make this pain stop."
![](https://img.wattpad.com/cover/187924763-288-k66778.jpg)
BINABASA MO ANG
My Love
RomanceMayumi's story with Russel was almost like a fairy tale. He was her first love. After so many years, they finally found their happy ending in each other's arms, or so she thought. Years later in their marriage, Mayumi found out that fairy tales does...