Naalimpungatan si Russel sa kalagitnaan ng gabi dala ng paulit-ulit na pagtunog ng kanyang cellphone. Inis na inabot niya iyon mula sa side table, at gaya ng inaasahan niya ay nakita niya ang pangalan ni Ellaine sa caller ID. Bigla siyang napaupo. Ilang gabi na rin iyong ginagawa ng babae.
Mula sa kanyang tabi ay kumilos ang kanyang asawa. Marahil ay naalimpungatan din ito dahil sa ingay ng kanyang cellphone.
"Sino ba yang tumatawag sa'yo ng ganitong oras?" Tanong nito sa namamaos pang boses. Bahagya pang kinusot ang mata.
Agad siyang humalik sa noo nito. "Unregistered number lang." Pagsisinungaling niya. "Baka walang magawang scammer. Isa-silent ko na lang phone ko."
Hindi naman na ito sumagot pa at muling umayos ng pagkakahiga. Minabuti niyang i-silent ang kanyang cellphone at umayos na rin ng pagkakahiga sa tabi ng kanyang asawa. Hinapit niya ito sa at bumalik sa pagkakatulog.
Isang buwan ang ibinigay niyang palugit kay Ellaine para sa muli nilang pag-uusap patungkol sa software na nais nitong ipagawa sa kanya. Akala niya sa loob ng isang buwan ay magiging tahimik ang buhay niya, nagkamali siya.
Halos araw-araw ay tawag ng tawag sa kanya si Ellaine. Umaga, tanghali, gabi ay walang tigil ito sa pagtawag sa kanya. Maging personal number niya ay tinatawagan na rin nito. Hindi naman niya alam kung paano iyon nakuha ng babae.
Sa loob ng isang buwan ay panay din ang follow-up niya sa kanyang boss patungkol sa pagpasa niya ng proyekto sa iba. Sa huli, sinabi nitong kailangan niyang pormal sa ipaalam niya kay Ellaine na may iba nang hahawak sa proyekto kaya kakailanganin pa rin niyang makaharap ito sa huling pagkakataon. Si Coby ang napiling pumalit sa kanya.
"Pasensya na pare, pati ikaw naabala." Hinging paumanhin pa niya sa kaibigan nang ipaalam sa kanila pareho ang pagbabago sa proyektong hawak niya na may kinalaman kay Ellaine. "Nadagdagan tuloy workload mo."
"Ok lang yun." Anito na tinapik pa siya sa balikat. "Mas gusto ko naman ang ganito kaysa namomroblema akong may maganap nanamang di maganda sa pagitan ninyong dalawa."
Nang sumapit ang araw para kitain nila ni Coby si Ellaine ay bakas na bakas dito ang pagkabigla nang sabihin niyang hindi na siya ang hahawak sa proyekto at iyon na ang huli nilang pagkikita. Para pa ngang galit ito. Dahil doon ay nais niyang kuwestyunin ang babae dahil kung tutuusin, siya ang dapat magalit dito dahil halata namang gumagawa ito ng paraan para magpapansin sa kanya. Sapat na ang mga paulit-ulit nitong pagtawag at ang revealing nitong suot nang muli silang magkita upang mapatunayan iyon.
"Inutusan ka ba ng asawa mo para gawin 'to?" Bahagyang mataas ang tono ng babae. "Ganun na ba siya ka-insecure sa'kin?"
"No. Desisyon ko iyon." Sagot niya naman na bahagyang naiirita sa tinuran nito. How could she belittle his wife? Ni hindi nga nito kilala si Yumi para pagsalitaan ng ganun.
Natetensyon namang nakikinig lamang si Coby sa kanilang pag-uusap. Nagandahan din naman ito sa babae pero nawala ang paghanga nito dahil sa inaasal nito. Hindi akalain ni Coby na magpapakababa si Ellaine ng ganun para lamang sa isang pamilyadong lalaki na halatang wala namang pagmamahal para dito. Kulang na lang kasi ay literal na maghubad ang babae sa harapan ni Russel. And he find her actions ridiculous.
Akala ni Russel, matapos ang tagpong iyon ay magiging maayos na ang lahat at titigilan na siya ni Ellaine, pero nagkamali siya. Gayun na lamang ang pagkabigla niya nang isang linggo ang makalipas mula nang pormal na i-turn over ni Russel ang proyekto kay Coby ay bigla na lamang sumulpot sa labas ng opisina nila si Ellaine.
She was drunk, crying, and practically begging to talk to him. Hiyang-hiya siya para dito, pero naawa rin naman siya. Sa bandang huli ay minabuti niyang kausapin ito.
BINABASA MO ANG
My Love
RomansaMayumi's story with Russel was almost like a fairy tale. He was her first love. After so many years, they finally found their happy ending in each other's arms, or so she thought. Years later in their marriage, Mayumi found out that fairy tales does...
