Chapter 11.2

337 4 1
                                    

Isang buwan na ang lumilipas mula nang makita siya ni Russel na inihatid ni Tristan. Mula noon ay may mga pagbabago siyang napansin kay Russel. Madalas na itong umuwi ng maaga at bihira na lang din itong umalis tuwing weekend. Mas naging malambing din ito sa kanya kumpara noong hinawakan nito ang proyekto para sa cake shop ni Ellaine. Hindi na nga rin siya magtataka kung isang araw ay malalaman niyang muli siyang nagdadalang tao dahil kulang na lang ay araw-arawin nilang mag-asawa ang pagtatalik. Mukhang masyado nga lamang siyang nadala ng pagseselos kung kaya't kung anu-ano na ang naisip niya tungkol sa kanyang asawa. Bahagya tuloy siyang na-guilty na pinagdudahan niya ang katapatan ng kanyang asawa. Kung ano man ang dahilan nito kung bakit nagsinungaling ito nang makita niya itong kasamang mag-lunch si Ellaine ay hindi na mahalaga pa sa ngayon. Tutal ay bawing-bawi naman na ang kanyang asawa.

Nang matapos ang office hours ay dumaan muna siya sa supermarket upang mamili ng lulutuin niya para sa hapunan nila mamaya. Namili na din siya ng ilan pang mga delata at ire-restock na pagkain sa kanilang cabinet. Nang silipin niya kasi ay naubos na pala ang mga stocks nila sa bahay.

Sa kalagitnaan ng kanyang pag-ikot sa loob ng supermarket ay isang di inaasahang kaibigan ang nakasalubong niya.

"Mayumi, ikaw nga ba yan?"

"Ashley?" Kunot noong baling niya dito.

Agad silang nagyakap. Huli niya itong nakita ay noong kasal nila ni Russel. Ang buong akala niya ay nasa Amerika ito kasama ang asawa.

"Anong ginagawa mo dito? Di ba dapat nasa US ka?" Di niya napigilang itanong dito.

Bahagyang lumamlam ang mga mata nito. "Hiwalay na kami ni George." Tukoy nito sa Amerikanong asawa.

"I'm sorry to hear that." Aniyang nakikisimpatya dito.

"Naku, don't be. Mas mainam na itong ganito kaysa forever niya akong gawing punching bag." Bahaw itong napatawa.

Nagulat siya sa narinig. Nakita niya na noon si George. Oo at mas di hamak na matanda ito sa kanyang kaibigan. Sapat na nga ang agwat ng edad nila para mapagkamalan silang mag-ama. Pero sa saglit na panahong nakahalubilo niya noon ang lalaki, wala naman sa itsura nito ang mapanakit ng asawa. At iyon ang sinabi niya sa kaibigan.

"Hay naku, mahabang kwento. But to make it short, masyado siyang naging seloso. Ganun yata talaga dahil na rin sa edad naming dalawa."

"San ka na ngayon niyan? Kasama mo ba ang mga anak mo?"

Muling nabahiran ng lungkot ang anyo nito. "Kasama ko yung bunso namin, pero yung panganay naiwan sa kanya." Pilit itong ngumiti bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Nakahanap ako ng apartment sa Guadalupe, doon kami ng anak ko nakatira. Tapos nakahanap ako ng trabaho sa isang real state company bilang ahente. Which reminds me about something. Congratulations nga pala."

"Congratulations? Para saan?" Nagtataka niyang tanong dito.

"Oh, hindi ba't kumuha kayo ni Russel ng property sa Cavite? Nagtataka nga ako dahil alam kong may sarili na kayong bahay sa Q.C eh."

Kunot-noong nakatingin lamang siya sa kaibigan. Kumuha si Russel ng bahay sa Cavite at hindi niya alam iyon? What the hell is going on?

"A-ah, o-oo... K-kanino mo nga pala nalaman?" Nauutal niyang tanong dito.

"Aksidente ko lang nakita sa isang kontrata nung isang ahente na kasama ko. Nagulat nga ako nung nabasa ko yung pangalan ni Russel eh. Bakit nag-rent to own pa kayo, hindi ba kaya ng sahod niyong i-full?"

"Ah eh, madami din kasing bayarin. Hindi pa rin kasi kami tapos magbayad sa pag-ibig para dun sa naging loan namin nung kinuha namin yung bahay namin sa Q.C." Paliwanag niya dito kahit ang totoo ay wala siyang ideya kung bakit kumuha si Russel nang isa pang bahay. And to make it more complicated, ni hindi iyon nabanggit sa kanya ni Russel.

My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon