"May problema ba?" Bungad na tanong ni Russel pagdating niya sa apartment nila ni Ellaine.
Kunot noo itong nakatungin sa laptop at sa mga papel na nakakalat sa mesa.
"I'm having trouble with the business." Sagot nitong hindi tumitingin sa kanya.
"Nagkakaproblema ako sa mga suppliers ko. Kung kelan pa man din na marami akong orders, tsaka naman nag pull out ang mga suppliers ko." Dagdag pa nito.
Kunot noo siyang lumapit dito at hinagkan ito sa pisngi.
"Hindi ba't may mga contract naman sa ganyan para hindi sila basta-basta mag-pull out?"
"Yeah they did. Kaya lang yearly yun nirerenew. Unfortunately may ilang supplier kami na hindi na nagrenew ng kontrata." Bumuntong hininga ito. "I'm not prepared for this. Nakipag-deal na ako sa ilang events na kami ang magsusuply ng deserts bago ko malaman na may hindi na magrerenew sa mga supplier ko. Hindi ko alam kung saan ako hahanap ngayon ng supplier na kayang ibigay ang demands ko ng short notice." Naiiling pa nitong sabi.
Wala siya gaanong nalalaman sa pagnenegosyo, pero alam niyang magiging problema nga ang pag-atras ng ilang suppliers sa cake shop ni Ellaine. Para sa mga entrepeneurs, importatnte ang pagkakaroon ng kredibilidad. Lahat ng mga negosyante ay nais lamang makipag-ugnayan sa mga kumpanyang maganda ang performance, ratings, and feedbacks mula sa kapwa nila negosyante.
What the suppliers did seems odd in his opinion.
"Pinaliwanag ba nila bakit hindi na daw sila magrerenew? Di ba parang ang unethical at unprofessional ang ginawa nila?" Tanong niya.
"Yah, I asked. Yung iba, nagkakaproblema sa production so kailangan magbawas ng mga sinusuplayan. Hindi nila mamemeet yung demends na need ko sa kanila. Yung iba naman, nakakuha ng mas malaking company kaya hindi ako make-cater for the meantime.... Anyway, I checked naman at nagkakaroon talaga ng scarcity sa mga raw materials para mga ingredients na madalas namin gamitin. So halos lahat ng supplier ngayon ay nagkakaproblema. Malas ko lang talaga na marami akong naoohan na commitments."
Pumuwesto siya sa likuran ni Ellaine. Bahagyang tinapik ang mga balikat nito at pagkatapos ay masuyong minasahe.
"Wag ka mag-alala, makakahanap din tayo ng solusyon sa problema mo."
########
"Mr. Avenilla, Thank you for choosing us to be your suppllier. It is our pleasure to do business with you and your company." Bati kay Tristan ng isang ginoong sa tingin niya ay nasa 50's na nito.
"Oh, you flatter me too much Mr. Tanchingko. I only did what I think is the best for our local farmers and with your business I know it's the right choice."
Alfredo Tanchinko, A solo interprenuer na tumutulong sa mga local farmers by buying their grains to produce flour and and other pastry ingredients para i-supply naman sa mga kilalang bakehouse sa bansa.
"Bilang ang kumpanya namin ay maglulunsad ng pinaka-unang filipino cruise line na iikot sa asya, Naisip namin na mas maganda kung pati nasa loob ng barko, from furnitures down to the food na i-se-serve are locally produce. This way, we can also promote our own products." Dagdag niya pa.
Tila namamangha itong napailing-iling sa kanya. "We need more young businessman who thinks like you. Malaking tulong ito para sa mga kababayan nating magsasaka."
"It's my pleasure to be of help. So paano po, magset na lang po ulit tayo ng meeting para sa mga local goods na pwede po nating mailagay sa magiging souvenir shop ng barko?" Aniya.
Matapos ang maikling paalamanan ay umalis na ito ng kanyang opisina.
Isang malisyosong ngiti ang kanyang pinakawalan pagkasarang-pagkasara ng pinto. Hindi na kailangang sabihin na sobrang satisfied siya sa pagkaka-close ng business deal na iyon.
BINABASA MO ANG
My Love
RomansaMayumi's story with Russel was almost like a fairy tale. He was her first love. After so many years, they finally found their happy ending in each other's arms, or so she thought. Years later in their marriage, Mayumi found out that fairy tales does...