Yumi got disoriented as she opened her eyes and saw how clean and neat her surrounding was. She was so sure that she made a total mess before she fell asleep.
Bigla tuloy siyang napaisip kung panaginip niya lang ba ang nangyari kagabi.
No. She was sure it definitely happened.
Kung gayun ay bakit napaka-ayos ng paligid? At paano siya napunta sa kama? Ang alam niya ay nakatulog siya sa sahig.
Then all of a sudden a memory flashed in her mind. It was Tristan waking her up. Hugging her as she cried.
Napakunot ang kanyang noo. Si Tristan kaya ang nag nag-ayos ng kanyang silid?
Mabigat ang kanyang katawan na bumangon sa kama at tumungo sa banyo. She did not dare to look at herself in the mirror, dahil baka mas lalo lamang siyang manlumo at kaawan ang kanyang sarili.
Naghilamos siya, nag-ayos ng sarili, at nagpalit ng damit.
Nang magawi ang kanyang paningin sa relo sa ibabaw ng lamesita ay agad niyang napagtantong tanghali na masyado para pumasok pa siya sa trabaho.
Marahil ay tatawag na lamang siya sa opisina upang ipagbigay alam ang kanyang pagliban.
Nagusot ang kanyang mukha sa isipin.
Wala sa kanyang loob na pumasok ngunit ayaw niya ding manatili sa loob ng bahay. Lalo pa't kahit saan siya tumingin ay naaalala niya ang asawa, lalo na sa kanilang silid at sa silid kung saan niya ito nahuli at ang kalaguyo nito na nagtatalik.
She instantly felt suffocated.
How ironic na hindi siya makadama ng comfort sa lugar na dapat sanay naghahatid niyon.
Nang makababa si Yumi sa kusina ay hindi niya inaasahang makita ang nakatalikod na pigura ni Tristan na sa kanyang palagay ay nagluluto.
Bakit naroroon pa ito sa oras na iyon? Hindi ba dapat ay nasa opisina na ito? Iyon ang kanyang isinatinig.
"Tristan?" Pukaw niya sa atensiyon nito.
Dagling lumingon sa kanya ang binata at ngumiti.
"Good morning." Anito na agad ibinalik ang paningin sa niluluto.
"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.
"Uhhhmmm... You called me last night. Hindi mo na ba tanda?"
She sighed. "Alam ko. Ang ibig kong sabihin, ba't nandito ka pa. Di ba dapat nasa opisina ka na? Atsaka, ano ba yang suot mo?" Tukoy niya sa suot nitong sando at boxer shorts.
Nagkibit balikat ito, "I can't bear it to leave you. And this," iminuwestra nito ang suot. "I ran out of the house as soon as I end the call last night, kaya di na ako nakapagpalit."Anito na bahagyang pinamunulahan ng pisngi. "Halika, kain muna tayo."
Kasabay ng pagsabi niyon ay agad nitong inalis ang kawali na nakasalang sa kalan at isinalin sa plato ang kalulutong scrambled egg saka binitbit iyon at nilagay sa lamesa.
Sumunod siya dito at saka lamang napagtanto na nakapag-sangag na rin pala ito ng kanin at nakapagluto ng hotdog.
"P-pero paano yung trabaho mo. Di ba may meeting ka ngayon?" Saad niya na nakakunot ang noo.
"Don't worry about it. Nagpasabi na ko sa opisina na hindi ako makakapasok ngayon." Sagot nito habang iginiya siya paupo sa isa sa mga upuan.
Maang lamang siyang napatingin dito. She couldn't fathom how this man chose her over his business. His family's business. Alam naman niyang may karapatan itong mag-leave o kaya'y lumiban kung kailan nito nais, ngunit hindi niya lubos maisip na sasayangin nito ang panahon na maari sana nitong mailaan sa ibang bagay para lamang sa kanya. What would he gain after this anyway?
BINABASA MO ANG
My Love
RomanceMayumi's story with Russel was almost like a fairy tale. He was her first love. After so many years, they finally found their happy ending in each other's arms, or so she thought. Years later in their marriage, Mayumi found out that fairy tales does...