"Congratulations!"
Hindi magkamayaw si Yumi at Russel sa pagtanggap ng mga pagbati ng kanilang mga kaibigan at kamag-anak.
It was their wedding day! She is now officially Mrs. Mayumi Sandoval-Kho. She must be dreaming!
Makalipas ang halos dalawang taon ng kanilang relasyon, they finally decided to settle down. Ang katwiran nila ay di naman na sila bumabata at sigurado naman na sila sa isa't-isa.
Sinigurado nila Yumi na bawat lamesa ay mapuntahan nila. Mahirap na, baka magkaroon pa ng tampuhan sa mismong kasal nila.
Hindi naman engrade ang kasal, pero malayo din naman iyon sa pagiging simple. Hindi iyon maiisawahan dahil madami-dami din silang kamag-anak at mga kaibigan na kinumbida.
They had a garden wedding sa isang mango farm. Doon na rin sa lugar na iyon idinaos ang reception. Sa kabilang panig nga lamang ng farm.
Nang mabati na nilang mag-asawa ang lahat ng kanilang bisita ay bumalik na sila sa kanilang mesa na nasa unahan ng karamihan.
Pagdating nila doon ay agad nilang narinig ang pagtunog ng mga tinidor na bahagyang itinatapik sa mga wine glass.
"Kiss!" Narinig pa nilang sigaw ng iilan.
Natatawang napailing siya sa gawi ng mga tao sa paligid. Bigla naman siyang hinapit ni Russel sa bewang at walang babalang hinalikan siya sa kanyang mga labi.
She heard the crowd cheered for them as she closes her eyes and savor the kiss. Hindi naman iyon masyadong matagal, pero sapat pa rin iyon para pamulahan siya ng pisngi.
Nang matapos ang kasiyahan sa reception, inihatid sila ng kanilang mga kaibigan sa kanilang sasakyan papunta sa hotel na kanilang tutuluyan sa kanilang unang gabi bilang mag-asawa.
Bigla ang pagdaloy ng kaba sa kanyang dibdib nang makasakay sila sa kotse. Ngayon unti-unting nag-si-sink in sa kanya na mag-asawa na nga sila. And they are about to consummate their marriage.
Sa loob ng halos dalawang taon ng pagiging magkasintahan, hindi sila lumampas sa kiss. Alam niyang may pangangailangang pisikal si Russel, pero ni minsan ay hindi siya nito pinilit. Napatunayan niyang minamahal at nirerespeto siya nito at hindi lang katawan ang habol nito sa kanya. Because of that, she loved him even more.
Once they are inside of the room, hindi na mapakali si Yumi. She's a virgin! Anong malay niya sa mga ganitong bagay. Paano kung may magawa siyang mali at biglang magsisi si Russel na pinakasalan siya nito?
Marahil ay nabasa ni Russel ang iniisip niya kaya nilapitan siya nito pagkatapos ilapag ang kanilang suit case. "Relax, mahal. Tonight will be perfect. I promise. Ang mabuti pa mag-shower ka muna." Idinikit nito ang labi sa kaliwa niyang tenga and whispered, "don't lock the door. I'll follow you later."
He didn't do anything so intimate yet, but his whisper brought shivers down to her spine.
Sinunod ni Yumi ang payo ni Russel. Tahimik niyang tinungo ang shower room at doon ay nagbabad sa ilalim ng dutsa. The water was warm enough and somehow, it helps her to calm her nerves.
Nang nagsisimula na siyang sabunin ang kanyang katawan, saka niya narinig ang pagbukas ng pinto. She was so afraid to look behind. Malay niya ba kung may saplot o wala ang kanyang asawa.
But so what? Mag-asawa na sila, so walang masama kahit makita niya ang kahubdan nito.
She felt her ears became hot at the mere thought of Russel being naked. Mukhang mali ata ng desisyon niyang panatilihing birhen ang sarili hanggang sa gabi ng kanyang kasal.

BINABASA MO ANG
My Love
RomantikMayumi's story with Russel was almost like a fairy tale. He was her first love. After so many years, they finally found their happy ending in each other's arms, or so she thought. Years later in their marriage, Mayumi found out that fairy tales does...