"Congratulations, you are two weeks pregnant." Sabi ng duktora sa kanilang dalawa ni Russel nang nakangiti.
Hindi sila agad nakahuma. They looked at each other. Dumbfounded. She really is indeed pregnant.
"Wow." Yun ang unang salitang lumabas sa kanyang bibig. Hindi pa rin siya makapaniwala. Is she complaining? Ofcourse not.
Late na silang nag-asawa ni Russel. They are both already in their thirties. At sabi ng karamihan, mahirap daw makabuo ng anak sa mga ganung edad. So knowing that she is pregnant made her feel mix emotions. She was happy, pero hindi rin siya makapaniwala.
Nang makarating sila ni Russel sa kanilang tahanan, doon lang unti-unting nag-sink in kay Yumi ang katotohan. She's going to be a mother soon. It feels like her heart was about to burst because of excitement and nervousness.
Sa loob ng kanilang silid ay titig na titig siya sa litrato ng kanyang ultrasound. Kita doon ang isang maliit na puting hugis munggo. It was their child. She wanted to cry. Not because of sadness but because of pure happiness.
Dahil masyadong nakatuon ang atensyon niya sa litrato, hindi niya napansin nang pumasok si Russel sa kwarto at tumabi sa kanya. Naramdaman na lamang niya ang pagpulupot ng braso nito sa kanyang bewang mula sa kanyang likuran.
"Hindi ka pa rin ba makapaniwala?"
Tumango siya bilang sagot sa tanong nito. "Mm. Ikaw ba?"
"Same." Anito at dinampian siya ng halik sa pisngi.
Sinigurado ni Yumi at Russel na maayos ang kanyang pagdadalang tao. Regular ang kanyang check up, at mas maaga na siyang umaalis sa trabaho. Ayaw ni Russel na napapagod at napupuyat siya. Naging maunawain naman si Tristan at pinayagan siyang umalis sa opisina ng alas singko.
Tuloy-tuloy din ang pag-inom niya ng mga bitamina. Nag-eehersisyo din siya paminsan-minsan. Yung mga ehersisyo sa akma para sa tulad niyang buntis.
Dahil sa kanyang pagdadalang tao ay naging sensitibo ang lahat sa kanya. Pang-amoy, panlasa, at maging ang emosyon niya ay naging sensitibo din.
Minsan ay iniyakan niya si Russel nang dahil lang sa avocado.
"Please hubby, ikuha mo ko ng avocado." Sabi niya dito. Kalagitnaan na ng gabi kaya naman alanganing tumingin sa kanya si Russel.
"Love, pasado alas-dose na. Saan pa ko maghahanap ng avocado sa ganitong oras? Idagdag mo pang hindi panahon ng avocado ngayon."
"Ah basta, gusto ko ng avocado!" Humalukipkip siya at ngumuso.
"Love, iba na lang. Andaming prutas sa ref. Mamili ka na lang ng isa dun." Sabi nito na halos makiusap na sa kanya.
Nagulat si Russel nang bigla na lamang siyang umiyak.
"Love, bakit?!" Natataranta siya nitong dinaluhan.
"Hindi mo ko mahal..." Aniya na humihikbi.
"Hindi totoo yan, love. I love you so much." Anito na tila nalilito. Hindi nito malaman ang gagawin para mapatahan siya.
"Liar! Hindi mo ko mahal. Ayaw mo ko ibili ng avocado." Aniya na humihikbi pa rin.
Agad siyang niyakap ni Russle. Pilit siyang inaalo.
"Ssshhhh, stop crying wifey. Sige na, hahanap na ko ng avocado."
Defeated, Russel went out that night para maghanap ng avocado. Nakarating ito ng Nepa Q-Mart, pero wala itong nabiling avocado.
Pagdating nito sa bahay ay handa na itong marinig ang pagpalahaw niya ng iyak. Kaya ganun na lamang ang pasasalamat nito nang makita siyang mahimbing nang natutulog.

BINABASA MO ANG
My Love
RomanceMayumi's story with Russel was almost like a fairy tale. He was her first love. After so many years, they finally found their happy ending in each other's arms, or so she thought. Years later in their marriage, Mayumi found out that fairy tales does...