Chapter 6

261 3 0
                                    

Sabay na naalimpungatan si Yumi at Russel nang marinig nila ang pag-iyak ni Rio. Rio Kho, their month old son.

Babangon na sana si Yumi nang pigilan siya ni Russel.

"Ako na, love. Kanina ka pa nag-aasikaso kay Rio. You also need to rest."

Antok na antok na rin naman siya kaya hindi na siya nakipagtalo pa kay Russel. Muli siyang umayos ng pagkakahiga at pumikit.

Ilang minuto ang lumipas pero hindi pa rin tumitigil si Rio sa pag-iyak. Inaantok man ay bumangon na rin si Yumi at dinaluhan ang kanyang asawa. Bahagya itong nagulat nang hawakan niya ito sa braso.

"Sabi ko sa'yo matulog ka na eh." Reklamo nito.

She smiled at him and slightly shook her head. "Hindi rin naman ako makakatulog kung ganyang iyak ng iyak si Rio."

He looked at her apologetically.

Kinuha niya mula dito si Rio. By the looks ay napalitan na nito ng diaper and bata.

"Anong problema ng baby na yan?" Aniya na kinakausap ang sanggol.

"Kanina ko pa pilit na pinapatahan pero ayaw niya tumigil sa pag-iyak." Animo nagsusumbong na sabi nito.

Muli niyang itinuon ang ang kanyang atensyon sa sanggol at maingat na sinalat ang bumbunan nito. Nang makapa ang mistulang mababaw na humpak doon ay alam niya na ang problema.

Agad niyang inililis ang kanyang blusa upang i-breast feed ito. Tila wala naman kay Russel na tumingin lang sa ginawa niya.

"Kaya naman pala iyak ng iyak ang baby ko eh, gutom na pala." Anito na masuyong hinawakan ang kamay ni Rio.

Nagbaling ng tingin sa kanya si Russel.   He pouted like a kid and said, "paano ako, love? Gutom din ako." Itinuro pa nito ang sarili.

Kita niya sa mata ng asawa ang kapilyuhang naglalaro sa isipan nito. Gamit ang isang kamay ay pinagkukurot niya ito sa tigiliran. But she knows that anticipation is starting to build up inside her.

Nang mapatulog na nilang muli si Rio, they then proceeded to their late night activities. It's already been too long since they consummate. And being one once again, dancing in that familiar beat that only them knows sent satisfaction to the depths of their souls.

Silently she prayed to God that all of these would last. The love, the happiness, the contentment. Pero gaya nga ng sabi ng nakararami, walang permanente sa mundo. Change is inevitable, and change is the only thing that is constant.

#####

Naiinip na tinignan ni Russel ang suot na wrist watch. Tatlumpung minuto na ang lumilipas mula sa oras na napagkasunduan nila ng kanyang kliyente, pero wala pa din ito.

He is not fond of waiting. And right now, he really want to walk out of that building and go home.

Ngayon ang ikalawang kaarawan ni Rio. Wala talaga siya planong pumasok sa trabaho, dangan lamang at importanteng kliyente ang kikitain niya. Nangako na lamang siya kay Yumi na agad na uuwi.

"Mr. Kho?" Tawag ng isang tinig.

Mula sa pagkakayuko sa relo, naka-kunot noo siyang nag-angat ng tingin sa pinagmulan ng tinig. Nang makita niya ang mukha ng kanyang late na kliyente ay napaawang ang kanyang mga labi.

He was ready to throw some sarcasm towards her, pero ang lahat ng iyon ay tila naipit sa kanyang lalamunan.

"I'm sorry, I'm late. May kausap din akong client before I came here eh." Anito na inokupa na ang upuang nasa harapan niya. "Medyo napahaba ang discussion than I expected, so ayun. I'm really sorry."

My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon